14

258 10 1
                                    

Ilang araw ang lumipas pagkatapos noong insidente na nangyari ay nagkaroon kami ni Josh ng tig-isa na bodyguard. Noong una ay lima pa ang sinabi ni John pero hindi ako pumayag kaya nauwi sa isa.

"Sino 'yung nasa likod mo?" Bulong sa akin ni Alex habang papunta kami sa ibang coffee shop.

"Pakulo 'yan ng Kuya mo." Sagot ko.

"Ay nasabi naman na sayo ni Kuya na gusto kang makita nina Mommy diba?" Napalingon ako sa tanong nya.

"Oo, nasabi nga nya sa akin." Napaisip ako. Matagal na mula noong nasabi nya 'yun.

"Alam mo ba na mamaya na 'yun?"

Doon na ako natigilan. "Mamaya? Hindi nasabi ni John."

"Really? Mommy is excited to see Josh." Ikinawit nya ang kamay sa braso ko at hinila na ako papasok sa coffee shop.

Siguro hindi nya rin naalala kagabi dahil late na syang nakauwi, hindi ko na nga namalayan. Pag gising rin kanina ay wala na sya. Nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya na marami silang inaasikaso sa kumpanya.

Ngayon ay hindi na ako masyadong nangangamba sa kung sino ang maghahatid at magsusundo kay Josh dahil kasama nya naman si Kuya Erik at mukhang magkasundo ang dalawa.

"Hindi tayo magtatagal George ah? Tutulungan ko si Mommy maghanda ng dinner para mamaya. May sundo ka ba?" Tanong nito noong nakita na pumasok sa shop si Stan.

"Wala. May dala namang kotse si Kuya Paul." Ang tinutukoy ko ay 'yung bodyguard. Nginitian ko si Stan.

"Nasaan na ang mga kagrupo nyo?" Tanong ni Stan habang pasimple ang gapang ng kamay sa balikat ni Alex, natawa ako.

"On the way na daw." Sagot ni Alex.

Umangat ang kaliwang kilay ko nang makita si Amanda na kasama si James. Talagang pinopormahan nya ang kaibigan namin. Kasunod nila ang ilan sa mga kagrupo namin.

Sa kalagitnaan ang pagmemeeting namin ay nakareceive ako ng message galing kay John.

John:

Nasaan ka? Pupunta tayo kila Mommy mamaya.

Nagreply kaagad ako. "Bakit hindi mo sinabi ng maaga? Kay Alex ko lang nalaman."

"So, what do you think George?" Nginisian ako ni Alex noong wala akong masagot sa tanong nya. Napanguso ako.

"Kailangan nating pumunta sa mga restaurant and hotel para macheck ang lugar." Sabi ni Amanda.

Nagvibrate ang cellphone ko at kaagad na sinilip 'yun.

John:

Nakalimutan ko. I'm sorry.

"Kasama ko pa rin sila Alex, malapit na kaming matapos. Ano ang pwede nating dalahin sa Mommy mo?" I replied.

"Para mas madaling, doon na lang tayo sa Kuya ko. We don't need to ask permission, pang patagal lang 'yun." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni Alex.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko na your family own hotels and restaurants." Sabi noong isa naming kaklase.

"George, you can ask Kuya John." Napalingon ako kay Amanda.

"Amanda's right!" Segunda ni Stanley.

"Oo na. Tatanungin ko muna kung payag sya."

"I'm sure papayag 'yun lalo na't ikaw ang magsasabi." Nginitian ako ni Alex.

Tinotoo ni Alex ang plano na madaliin ang meeting para makauwi na rin kami. Tinignan ko ang cellphone pero wala ng message ni John.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon