Chapter 32 (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang sungit mo ha!"

"The hell you care! What do you want?" Sabay irap.

"You." He smiled wickedly.

"What?!"

"I mean you... er... your juice! Timpla mo akong juice!" Pagmamatapang nito.

'What am I here? Your effin' maid?"

"Sige na." He pouted.

Pacute?! Pawis na pawis si yabang. Basang-basa ang t-shirt nito. Masyado kasing makafocus sa practice ng basketball eh. Akala mo naman NBA ang lalabanan o Olympics 'di ba?

"Papakamatay ka diyan sa basketball na iyan." Sabay tuon ulit ng pansin sa binabasang libro.

"Alam mo, ang sama mo. Bwisit." Nagwalk-out na palabas si yabang.

Problema no'n? Nagdadrama.

--

After ten minutes.

"OA..."

"Punyemas!" Binagsak ko sa lamesa ang libro.

"Please?" Pagmamakaawa nito habang magkadikit ang dalawang palad.

"Can't you see I'm busy reading?"

"Eh. Sige na. Uhaw na uhaw na talaga ako. Mamatay na yata ako sa sobrang uhaw."

"Mabuti pa nga." I murmured.

"'Di na kita guguluhin. Timpla mo na ako." Puppy eyes pa nito.

"Fine!" Nagmartsa na ako papuntang kusina.

"Hey." Tawag nito.

'What?" Iritableng tanong ko sabay lingon.

"Wala ng juice. Bili ka sa tindahan."

"Wow, KJ. Terrific. Imba ka talaga." Pumapalakpak pa ako. "Hayop ka." Nanggigigil na bulong ko sa sarili.

Dumiretso na ako sa pintuan.

"Bili ka na rin skyflakes ha." Pahabol nito.

Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay malakas kong sinara ang pinto. Bwisit.

--

Nakakainis. Ang ganda-ganda ng upo ko, biglang may bwisit na dadating para utusan ako. Hay naku. Anong tingin niya sa akin? Yaya niya? Maygad, hindi ako---

"Astrid!"

Bigla akong napalingon.

"Harold?"

Tumakbo palapit sa akin si Harold. Natuwa naman ako. Pero bakit gano'n? Parang wala na ang sakit? Wala na akong maramdaman na pain. Weird.

"Saan ka galing?" He smiled.

"Ah. Bumili ng juice. Ikaw?"

"Sa practice." Sabay punas ng pawis. Basang-basa rin ang t-shirt nito. Grabe. Ang mga lalaki talaa, masyadong big deal pagbasketball ang usapan.

"Wow. Oo nga pala. Bukas na ang liga, tama?" I smiled at him. Weird talaga. Parang casual na lang ang conversation namin. Hindi na ako natataranta or what. Pero natutuwa naman ako na kausap ko siya ngayon. Dati rati kasi, deadmabells niya ako forever.

"Yeah. Uhm." Napakamot ito sa ulo at tumungo.

"O bakit?" Nakangiti ko pa ring tanong.

"May gagawin ka bukas?"

Saglit naman akong nag-isip. "Hmm. Saturday naman bukas, so wala."

Bigla namang napangiti ito. "Really? So. May I..."

Tinaas ko ang mga kilay ko habang naghihintay ng sasabihin niya.

"May I invite you to watch our game tomorrow?" He gave me a worried smile.

"Sure." Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Iyon lang pala eh

"Talaga?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

Napaigtad naman ako at napatingin sa dalawang kamay na hawak niya.

Napansin nito marahil kaya nahihiyang binitawan nito ang mga kamay ko.

"Astrid!"

Napalingon naman ako sa kung sino na namang tumawag sa akin.

Pagharap ko, si KJ na nakakunot-noo at madilim ang mukha na nakatingin sa amin ni Harold.



Bakit kaya?

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon