Prologue

1 0 0
                                        

[Prologue]

"Ice" tawag pansin ni Kiro sakanyang kapatid na busy sa pag asinta ng baril.

"Kuya, kung pipigilan mo ulit ako, tigilan mo na dahil hindi ako aatras." malamig na sambit ni Ice sa kanyang kuya. Napabuntong hininga nalang si Kiro sa katigasan ng ulo ng kanyang kapatid.

"Ilang beses ka bang iniri ni Mama at ang tigas ng ulo mo?" asar na tanong ni Kiro. Napalingon naman sakanya si Ice na nakakunot ang noo.

"Anong konek?" takang tanong nito sa kanyang kuya.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Malaki ka na, kaya alam mo na ang tama at mali. Pero ito ang tatandaan mo, kapag may nangyaring masama sayo, ako mismo ang babaril sa ulo mo. Para matuluyan ka na talaga" seryosong banta sakanya ni Kiro. Napabuntong hininga naman si Ice at tinuloy ang naudlot na pag asinta ng baril na gagamitin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganto ako. Kaya bakit mo ko pinipigilan?" seryosong tugon ni Ice.
Isang Sniper si Ice. Pinakamagaling na sniper sa buong mundo. Natuto syang gumamit ng baril noong sya'y dose anyos pa lamang. Dahil sa kanyang kuyang tumakbo at tumakas sa kanyang pag eensayo. Kinuha sya at ang kanyang ina at pinatay naman ang kanyang ama ni Elizabeth. Ginawa nya ang lahat para maging pinakamakapangyarihan sa buong mundo. At ngayon ang unang misyon nya sa pilipinas. Ang patayin ang pang limang pinakamakapangyarihang drug lord sa buong mundo.

Kinuha nya ang telepono sa loob ng leather jacket nya at tinawagan ang pangalawang pinakamagaling na sniper.

"I'm ready baby" sagot nito ng masagot ang tawag nya. At walang pasabing pinatay ito agad at
nakangiting lumabas ng kwartong kinaroroonan. Nagulat sya ng makitang nasa labas pa pala ang kanyang kuya.

"Kuya" tawag pansin nya rito. Napatingin naman agad sakanya ito. Nababasa nya ang pag aalala sa mga mata nito.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan? Natatakot ako Ice, baka may mangyaring masama sayo. Please, i'm begging you, wag mo ng ituloy" nagmamakaawang usal nito sakanya.

"Kakasabi mo lang kuya diba? Kapag may nangyaring masama sakin ikaw mismo ang babaril sa ulo ko? Then do it yourself. I will not force you. At ikaw din ang dahilan kung bakit ginagawa ko to." seryosong sambit ni Ice at nilagpasan ang kanyang kapatid. Naramdaman nya nalang na may butil na luhang nahulog sa kanyang pisngi. Agad nya namang pinunasan iyon at nagmadaling umalis.

Habang si Kiro naman ay napaluhod. Para syang nawalan ng lakas. This is what Mom and Dad want for me, right? Pero bakit si Ice ang gumagawa? Dapat sya ang gumagawa nito, dapat sya ang nasa kalagayan ng kanyang kapatid na babae. Pero naging baluktot sya. Imbes na manatili sa Korea para harapin at mag ensayo ay umuwi sya sa pilipinas at hindi hinarap ang pag eensayo. At nang dahil doon ay pinatay ang daddy nya at pinilit na kunin ang kanyang nakababatang kapatid para sya ang pumalit sa kanyang pwesto.

Isa na si Ice sa pinakamagaling at pinalakas na Sniper sa buong mundo na dapat ay sya. Ito ang pinili nya, Ang tumakbo at magtago.

Sa loob ng limang taong pagtatago nya ay wala syang balita sa kanyang pamilya. Nagkaroon sya ng mga kaibigan na tumulong sakanya noong panahong walang wala sya. Sila ang naging pamilya nya. At noong nakaraang buwan lang sya nagkaroon ng balita sa pamilya nya. At nalaman nyang pinakamagaling na sniper na ang kanyang kapatid na babae at hawak ni Elizabeth ang kanyang ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth UntoldStories to obsess over. Discover now