1: InstaWhat?

47 5 0
                                    

Napapabuntong hininga nalang si Jenna habang pinagmamasdan niya si Vince Rivera na nakikipag-usap sa isang lalaki. Nasa hallway ang mga ito sa tapat ng Computer Laboratory ng Psychology Department ng kanilang Campus. Seryoso ang mukha ni Vince at hindi man lang ito ngumingiti. Asa pa siya. Kaya nga niya sinusundan si Vince para makita itong ngumiti man lang.

Vince was a senior Psychology student in their school. Basketball player at kasama ito sa Varsity team ng kanilang Campus kaya maraming babae ang lumalapit dito. Kilabot ng mga kolehiyala kumbaga. Ang problema lang, si Vince Rivera ay snobbish, arrogant, egoistic at woman-hater.

Pero kahit buong araw ay nakasimangot ito, hindi parin magkamayaw ang mga babae sa paghiyaw at pagpapapansin makuha lang ang atensyon ng binata kahit sandali man lamang.

Hinding-hindi makakalimutan ni Jenna ang unang pagkikita nila. Nakapila siya noon sa mahabang linya ng Jolibee para um-order ng Coke Float na naging regular na routine niya bago siya umuwi ng bahay galing eskwela nang matanaw niyang parating ito. She had to admit he was really good-looking. Napatuwid siya ng tayo at napangiti rito. Ngunit napahiya siya nang tinapunan lang siya nito ng disgustong tingin at um-overtake pa sa kanyang linya.

Feeling noon ni Jenna na kapag may nagpa fill-up ulit sa kanya ng slumbook, may maisusulat na siya sa 'What is your most embarrasing moment?' besides sa re-occuring answer niya na hindi pagsusuot ng panty noong grade six sa gitna ng malakas na bugso ng hanging dala ng bagyong Ondoy.

Sabagay, paano nga ba siya nito papansinin? Wala namang siyang maipag-mamalaki bukod sa special talent niyang pagse-selfie. Sa height niyang 5'3, mas mataas pa yata ang mga first year students sa kanya. Wala ring espesyal sa buhok niyang hanggang balikat. Regular lang siyang Accounting student na gustong maipasa ang kanyang major subject at yumaman.

Ngunit kahit inirapan lang siya ni Vince sa loob ng Jolibee, hindi parin napigilan ni Jenna ang pag 'Super Bass' ng puso niya. 'Boom boo-room Bum Bum boo-room Bum Bum babe' kumbaga. At mula noon, ina-abangan na niya si Vince sa kanilang Campus. Tinutukso na nga si Jenna ng kanyang mga kaibigan na stalker lang daw and peg niya. Pero sa loob loob niya hindi siya stalker, admirer nalang, tunog sosyal pa.

Siguro noong nasa Jolibee si Jenna, nagdi-dine in din si Kupido. Baka lunch break niya at luma-lamon siya ng Burger Steak with fries and regular coke. Yun lang kasi ung logical explanation kung bakit tila bumilis ang tibok ng puso niya. Kung bakit parang tumigil ang ikot ng kanyang mundo. Kung bakit tila nakalimutan na niya ang future husband niyang si Daniel Padilla at kung bakit um-order siya ng McFloat sa Jolibee na nagpa-taas ng kilay ng cashier.

Si Kupido nga naman. Kung pumana bull's eye.

"Huy! Anong ginagawa mo diyan?" Pag-gulat sa kanya ng kaibigan niyang si Grace.

Pagkatapos ibalik ni Jenna ang kaluluwang humiwalay sa katawang lupa niya, nandidilat niyang hinarap ang kaibigan.

"Ano ba, Grasya! 'Wag ka ngang mang gulat diyan! baka mamatay ako ng di oras!" Sita niya.

"Aba," bulyaw ng kanyang kaibigan, "una sa lahat, Grace po hindi Grasya. Tsaka siguro, kung hindi ka nagpapaka James Bond diyan, mapapansin mong kanina pa ako nakatayo dito sa likod mo. Sino ba kasing tinitignan mo diyan?" Tanong ni Grace sabay sulyap sa likuran ni Jenna.

Napatakip nalang ng mukha ang dalaga. Nang harapin niyang muli ang kaibigan. Nakita niyang ang inaasahan.

"Friend, buti nalang at buo ko pang nadatnan 'yang si Mr. Campus Heartrob." Nakangising tukso ni Grace sa kanya. "Kasi kung nahuli lang ako ng one minute and twenty-three seconds, maka lusaw na yan sa nakakamayak mong tingin."

Nahihiyang tinalikuran ni Jenna ang kaibigan. "Hindi ah, may hinihintay lang ako dito," palusot niya.

"At sino, aber?" Taas kilay na tanong ni Grace. "Hinihintay mo si Napoles? Baka nakawin din niya ung puso ni Vince? O baka naman si Swiper at magpapaka Dora ka? Swiper no swiping... akin lang ang puso ni Vince? Yun ba?" tukso niya.

"Sinabi ko na bang sira ulo ka, Grasya?" Tanong ni Jenna.

"Kasi kung hindi, pwes ngayon sinasabi ko na."

"Pfft," Pagwawalang bahala ng kanyang kaibigan. "Huli ka na friend... Marami nang naunang nagsabi niyan."

"Pwes, uulit-ulitin ko," sagot ni Jenna. Lumingon siya ulit sa kinaroroonan ni Vince ngunit wala na ang binata. "Eee, tignan mo, kakadaldal mo sakin, di ko namalayang wala na si Vince."

"Gaga, e di inamin mo rin," sabay batok ni Grace sa kaibigan. "Si Vince talaga pakay mo dito. Bakit ba kasi hindi kana lang lumapit dun at magpakilala?"

"No way! Are you out of your mind, friend. Lalamunin ako nun ng buhay!"

"Ayaw mu yun, magkaka lamunan?" Tukso ni Grace.

"Gaga," si Jenna naman ngayon ang nambatok.

"Edi picturan mo nalang," suhestiyon ng kanyang kaibigan habang hinihimas himas ang batok. "Para di ka na magmukhang stalker, friend."

"Pero ayoko ng candid shots," reklamo ni Jenna. "Gusto ko ung pang magazine."

"Pang FHM?" Tanong ni Grace.

"Sira ulo ka talaga, friend," napapa-iling sabi ni Jenna. "Hindi pang FHM, yung bang Prim and Proper."

"Edi check mo Facebook niya."

"Yun nga eh," reklamo ni Jenna. "Wala siyang Facebook."

"Lol friend, old soul ang crush mo."

"Oo nga eh, wala akong makitang account niya on any Social Media. Kaka-disappoint."

"Sandali lang," napatigil si Grace. "I heard from the blockmate of the seatmate of one of our irregular classmate..."

"Wait what?"

"Shh," sita ni Grace. "As I'm saying, I heard from the blockmate of the seatmate of one of our irregular classmate na nag-request daw siya follow request sa Instagram account ni Vince Rivera."

"Uh," naguguluhang tanong ni Jenna. "Ano ung Insta-something?"

"Ohmigosh. Oh. My. God," madramang tugon ni Grace. "Binabawi ko na yung sinabi ko tungkol kay Vince. You, Jenna Dela Cruz, are the old soul!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

InstaLoveWhere stories live. Discover now