Chapter 31 (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tiningnan ko ulit sila. Tumatawa si KJ.

Hay. Buti pa si Kirena, este si Korina, nakakatawa ng ganoon si KJ pagkausap siya. Samantalang ako? Laging mainit ang ulo niya  sa akin at lagi akong sinisigawan.

Hay. Nakakainggit talaga.

 

Hinawakan ko ang dibdib ko, ayan na naman.

Ang sakit na naman.

 

*end of flashback*

 

“KJ.”

  

“O?” Saglit niya akong nilingon.

“Ano... Uhm. Iyong kanina sa parking lot kasi…”

“Yes?”

“Ano kasi…” Syet. Bakit ako kinakabahan? 'Di ba si Astrid ako? Madaldal at bibo kid. Bakit ako mahihiya kay KJ? E 'di ba grabe ko nga siya balahurain?

"What?"

“S-sino…”

“Ano ba iyon?” Medyo irritable na niyang tanong.

“Kasi kanina… Uhm..”

“Oleya Astrid!” Bigla itong nagpreno ng sasakyan at tumingin sa akin.

Saglit akong nagulat bago napayuko. Darn. What the heaven is happening to me?

“Can you please go straight to the point?” He shouted. He looked pissed.

Nataranta naman ako.

“What’s with the parking lot thing?” Tanong ulit ni KJ.

Syet. Syet. Syet. Ano'ng sasabihin ko? Napakamot ako sa ulo. “Ano kasi…Kanina sa parking lot, may mga nakatambay na frat. Nautot ako ng malakas. Narinig nila at tiningnan ako ng masama. Bubugbugiin kaya nila ako? Aabangan sa daan?”

Anak ng teteng. Now where did that come from? Ano ba'ng pinagsasasabi ko?

Saglit na natigilan si KJ. “What?” Pigil ang tawang sabi nito.

Yumuko ako at napakagat-labi. Okay. Kill me now. Nahulog ako sa sarili kong bitag.

--

“Quel âge avez-vous?” Tatlong beses kong ulit habang nakatunganga sa hand-out ko sa French. Malapit na kasi ang exam namin dito eh. Nasa terrace lang ako. Si KJ? Ewan ko. May practice yata ng basketball para sa nalalapit na Liga.

Kasali nga pala si Harold doon. Makapanood. Chos.

Okay. Balik sa pagmememorize. 

“Merci beaucoup.” I said. Ang ibig sabihin nito ay “Thank you very much.”

"Je vis en France." I continued.

"Je suis des Philippines." I sighed. 

Para na akong tanga rito. Dalawang oras na akong nagmememorize. Pero walang pumapasok sa utak ko.

 Waaaa. Is this because of the incident I witnessed earlier?

Dang! I remember it again.

Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko. Weird.

Kailangan ko na yatang magpacheck-up. Hindi na natural ang tibok ng puso ko these past few days.

I remember the smile KJ gave to that woman. He even waved at her.

How pathetic of me. Napahiya talaga ako. Bigtime.

Tapos ang problema ko pa...affected ako masyado.

Napailing ako. Kailangan kong mag-focus sa pagmememorize. I must stop thinking gibberish things. They won't help me pass my French course after all. Tss.

Nag-memorize ulit ako. "Tu me manques." This means "I miss you."

 Wow. Cool. Ano kaya ang "I love you" sa French?

I scanned my notes.

Je t'aime.

Naks naman. Iyon pala iyon.

 "Je t'aime. Je t'aime. Je t'aime." Paulit-ulit kong sambit.

 Grabe. Kailan kaya may magsasasabi sa akin ng ganon?

"Je t'aime, Astrid." Ulit ko. Para akong tanga, I know.

Ayiiii. Kinikilig ako. Baliw na yata ako.

"Je t'aime. Je t'aime. Je t'aime." I smiled.

"Huy!"

"Je t'aime!" Kamuntik na akong mahulog sa upuan sa sobrang gulat. Takte ito si KJ.

 Pagtingin ko, ngiting-aso si gago.

"Really? Moi aussi, je t'aime." He smiled widely.

 And just like that, my jaw dropped and...my heart skipped a beat.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon