I smiled at them and bid goodbye. Nacucurious talaga ako sa secret ng dalawang yun. Secretive na sila.

Wala kaming dalang payong ni Kurt kaya naman nabasa kami ng bonggang bongga. Tinakbo ba naman kasi namin hanggang parking lot eh >,< Pero ibinalot naman niya sa akin yung blazer niya kaya hindi ako masyadong nabasa.

Nasa kotse na pala niya kami ngayon. Nag-seatbelt na ako pati na rin siya. Mas nabasa siya ngayon.

“Kurt, magshower ka pagdating mo ha? Nabasa ka eh. Baka magkasakit ka bukas. Birthday mo pa naman.”

“Malakas ang katawan ko sa ulan, Gail. Unlike you,” he cleared his throat and flashed his teasing smile. “—Weak.”

“Kapal! I’m not weak. Tss, magdrive ka na nga.” I crossed my arms. Geez! Ang lamig! “Kurt, pakihinaan ang aircon. Ang lamig!”

He chuckled. “Di pala weak ah.” I just rolled my eyes. Ganyan yan lagi. Inaasar ako =__=

Pinahinaan niya yung aircon tapos nag-start na siyang mag-drive. May naalala ako bigla. Naalala ko nung nabukulan ako tapos nandun kami sa private room niya nag-stay. Sabi niya ayaw na ayaw daw niyang mag-drive kapag malakas ang ulan. Eh, bakit ngayon nagdridrive na siya?

“Uy,Kurt..” I poke his arm while he’s driving.

“Hmmm?”

“You told me before that you hate driving when it’s raining, then why are you driving right now?” He grinned from ear-to-ear at my question.

“I told you about that, the night we slept together in our private room right?” Ang ganda ng term niya ah. ‘slept together?’ Parang ang pangit pakinggan =__=

“Yeap, kaya nga hindi mo ko hinatid pauwi nun.”

He chuckled again. Problema nito?  “I lied.”

“Huh? Kainis ito! Gusto mo lang ako makasama nun eh, aminin! May crush ka na sa akin nun. Hahahaha!” Asar ko sa kanya. It’s about time to tease him. I’m gonna piss him off.

“Oo. Crush na kita back then. Back when we were in Sitio Maligaya. And back when we were in grade 1. Now, what’s funny?”

I stopped myself from laughing. Uh-oh! *bite lower lip* Hindi man lang i-deny? Ako tuloy yung nahiya sa kanya.

“Ang ganda ko kasi bleh!”

“Oo nga, maganda ka nga. Gwapo naman ako,kaya bagay tayo,” he winked at me through the rear view mirror. Automatic tuloy na nag-init ang dalawang pisngi ko :3

 “Di ka makakibo dyan? Siguro pag nagkaanak tayo, maganda o kaya gwapo ang mga anak natin noh?” Sabay tawa na naman niya. Ang galing talagang mangbaliktad ng asar nito. Teka! Ano daw? Mga anak? Agad-agad?!

“Kapal mo! Hindi pa nga natin alam kung tayo talaga ang meant-to-be eh. Malay mo, hindi pala ako diba? Wag kang magsalita ng tapos, Kurt.” Naging seryoso yung mukha niya. Did I say something wrong?

*SILENCE*

“Well, nasa sa atin yun. All I f*cking want is to stay with you in a very long period of time. Basta sa ngayon gusto ko ikaw ang kasama ko. Ayoko ng ibang babae.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Simple lang pero tagos sa puso ko. Aww, this is the reason why I love this guy so much.

“Ang drama mo. Mag-concentrate ka nalang sa pag-dridrive dyan.” Ang lamig na nga tapos kinikilig pa ako. Alam niyo yung feeling na yun? Kung hindi, problema niyo na yun. De joke lang!

Nakatitig lang ako sa kanya habang nag-dradrive. What if kami nga yung meant-to-be? Ang saya ko talaga nun pag nagkataon. Siya yung first love ko eh. Mahal na mahal ko siya. Pero what if we’re not? Hindi ko siguro matatanggap yun. Ang saklap kung ganun. Sa ngayon, ang nararamdaman ko, siya na talaga eh. Hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakakasama. >///< Korny, pero yun ang totoo.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon