One

0 0 0
                                    

Chapter one: The Start

Xaimin's POV

Good morning world!

It's a brand new day to start again! Umupo ako sa kama nang biglang tumunog ang alarm clock ko.

"Hay nako kitty, nauna pa ako sayo." sabay tawa ko. Pinatay ko na ito at dumeretso sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ay nakahanda na ang aking mga gamit na susuotin.

"Thanks Manang!" sigaw ko dahil alam ko namang si manang ang naghanda nito. First day ko ngayon sa College Life ko. Hmm. Sana maging maganda ang simula ko. I take up Business Management, because iyon din ang gusto ng parents well because, they're both into business.

"Good Morning Mom! Dad! Kuya! And Manang!" masiglang bati ko sa kanila. At binati rin naman nila ako pabalik.

"What's up Sister? Excited kana ba sa College Life mo? Hahaha. Baka puro boys intindihin mo dun ah!? Sabi ko sayo mag tourism ka na lang e?! Ano bang nagus--" napakadaldal ni kuya! andaming sinasabi hindi naman siya ang magaaral! Hmp.

"Kuya?! Ano baaa! Gusto ko iyon. Okay? Yes, gusto ko maging flight attendant, pero gusto ko rin namang maging successful tulad niyo nila Mom and Dad. I want my name plastered sa mga build board na madadaanan ko at gus--" err. Pinutol ni kuya ang aking napakagandang imahinasyon!

"Sister? Okay I get your point. But I still wonder e? Pero okay kung yun naman ang sabi mo. " sabi niya sabay ngiti. Napaismid nalang ako sa kaabnormalan nitong kapatid ko.

Tinapos ko na ang pagkain ko dahil excited na akong pumasok. Isinukbit ko na ang aking bag sa likod ko at nagpaalam na.

"Take care baby! Ingat ka ha?! Galingan mo!" pagchicheer pa ni mommy sa akin.

"Yes Mom! sige pasok na po ako! Ingat din po kayo!" sabi ko at humalik na kay mommy at daddy.

Hindi sasabay sa akin iyong asungot kong kapatid dahil ayaw nya daw akong kasabay! Ewan ko sayo! Sumakay na ako sa kotse ko at tiningnan ang relos ko. It's 8:00 am na pala. Ang aga pa dahil ang first class ko ay 10:00 am pa.

Dahil nga maaga pa ay dumaan mun ako sa isang coffee shop to buy coffee and bread. Madalas ako dito noong high school pa ako. Sobrang daming alaala ang mayroon ako dito, kaya gusto ko ring magpabalik balik rito.

" Hi Miss! Good morning! What's yours miss?" nginitian ko muna ang babaeng crew dahil mukhang napakamasiyahin nya. "Miss ang ganda niyo po!" nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at ngumisi.

"uhmm. One espresso and this bread." sabay turo ko dun sa tinapay na gusto ko.

" 418 po Miss!" masiglang sabi niya at nag-abot naman ako ng isang libong piso. "Keep The Change Miss. " ngumiti ako at naupo na.

Naiserve na sakin ang coffee at bread ko. Halos bumalik sa akin ang lahat ng alaala. Dahil dito mismo sa ikinauupuan ko mismo kami nakaupo noon.

Masakit. Mahirap. Mahapdi. Ang sakit.

I manage to forget but I can't. Hindi siya mabura sa sistema ko. Mahal ko parin siya. Ang sakit. Memories nalang ang meron ako ngayon. Naiiyak pa rin ako tuwing maalala ko ang nangyari. Kung paano ako nawasak at nasaktan noong gabing iyon. Parang napakasariwa pa rin sa isip ko. Para bang kahapon lamang nangyari ang lahat. Parang andito pa rin siya. Pero ang totoo ay iniwan niya na akong luhaan at labis na nasasaktan.

Mabilis akong tumakbo palabas ng coffee shop ng madama kong nagsimula na namang tumulo ang luhang pinipigilan ko. Sumakay na ako sa kotse at pagtingin ko sa orasan ay... 9:45 am na?! Ang tagal ko na pala don?! Hindi ko manlang namalayan. Buti nalang at katabi ng shop ang campus ko. Dali dali akong umakyat sa building ko at hinanap ang room ko. Nang may mabangga akong isang babaeng... Nerd? Uso pa ba yan ngayon? Ssh.

"Oh I'm sorry Miss. Nagmamadali kasi ako e. Okay ka lang ba Miss? May masakit ba sayo? Dadalhin ba kita sa clinic? " sunod sunod na tanong ko at umiling naman siya ng tatlong beses. Tumingin ako sa kanya at may kakaiba sa tingin niya? Parang may galit at inis? O ako lang ang nakakapansin? Baka namamalikmata lang ako.

"May I know your name Miss?" tanong ko sakanya. Nag-angat muli siya ng tingin sa akin habang ganon pa rin ang posisyon. Nakalapanak siya sa sahig at ako naman ang nakatukod ang isang tuhod yung parang mga runners. May naalala ako sakanya. Mmm. Parang familiar? Pero baka hindi kamukha lang siguro.

"Deimin, Deimin Xiel Perez. " madiing pagkakasabi niya sa pangalan niya. "Bakit Miss? Interesado kaba sa akin?" ngumisi siya. Nakakakilabot!

"A-Ahmm. H-Hindi naman m-masyado Miss D-Deimin. Ako nga pala s-si Xaimin. Xaimin V-Velasco." nauutal kong sabi at nilahad ang kamay kong agad naman niyang tinanggap. "Anong year k-ka? Business Management student k-ka rin ba?" di ko maiwasang kabahan dahil parang may iba sa kanya. Pero pilit kong iwinawaksi ang isiping iyon. Baka maging kaibigan ko pa siya dito hindi ba?!

"No. I'm not a Business Management student. I'm taking up Tourism Management. I'm building is right there. Mali ata ang naakyatan ko." malumanay namang sabi niya pa. Nilingon ko ang building at mukhang iyon nga yong para sa Tourism students.

" Ah sige mauna na ako ah? Nice meeting you Deimin! See you around. " sabi ko at hindi na hinintay sagutin niya dahil baka malate pa ako. Nahanap ko ang room ko at pumasok na. Napakalaki naman kasi nitong  Dream International School eh. Maya maya ay dumating na ang propesor ko.

"I'm glad to meet all of you. I hope you do your best in this school year. I'm Mister James Navarro. I'll be your adviser for one year. If you have problems, don't hesitate to talk to me? Okay? That's all for today. Be ready tomorrow because that's the start of our discussion. Class dismiss." sabi ni Mister at lumabas na ng classroom.

"Hi!" sabi ng isang babaeng maganda, maputi at straight ang buhok. May kasama syang babaeng payat pero di naman sobrang payat tama lang at katamtaman ang haba ng buhok at nakangiti silang pareho.

"Uhmm. Hello. " nakangiti ko ring saad ngunit hindi kasing lapad ng kanila.

"Ako si Crystal. Siya si Jhazmine. Gusto sana namin makipag-friends? If that's okay with you though. " sabi nung babaeng payat na ang pangalan ay Crystal.

"Ah okay! Ako si Xaimin. Xai for short. Tara lunch? " sabi ko at impit naman silang tumili at hinila na ako palabas hindi na ako tumanggi dahil wala naman akong kaibigan at sila na yon.

Pagdating namin sa canteen ay marami ng students dahil sabay sabay naman ang lunch break dito. "Ako na ang oorder, treat ko. " walang gana kong sabi. Hindi niyo kasi alam. Ayaw ko sa mataong lugar. Ayaw ko sa magulong lugar. At Ayaw ko sa maingay na lugar. Kaya matamlay akong pumila at bumili ng pagkain doon. Hinatid ko na sa table namin at tiningnan naman nila ako.
"What? Why? " tanong ko.

"Why sudden change of mood? huh? Anong nangyare?" tanong ni Crystal. Sumimangot nalang ako't nagkibit balikat. Sinulyapan lamang ako ni Jhazmine at nagkibit balikat na lang din.

Natapos kaming kumain at tumambay kami sa field. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng maaliwalas. Feeling ko ang fresh ng lahat. Dinama ko pa ang simoy ng hangin hanggang sa tumikhim si Crystal.

"Would you mind if you tell us about your self? " umupo kami sa damuhan at nagkwento kami about sa sarili namin.

Habang nagkekwentuhan ay tumili naman ang mga babae sa kabilang dako ng field. Napalingon kami dahil sa ingay nila.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAA! "

"WHAAAAA ANG POGI NILA! "

"BOYS NOTICE US PLEASEEEEEE! "

Tiningnan ko naman ang mga dumaan. Mga lalaking pogi. ng slight lang. Slight lang e.
"Sino sila?"

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now