❤TTCC: 01❤

4.3K 37 4
                                    

Dianne's POV

*TICK*TOCK*TICK*TOCK*

Rise and Shine World! Agad akong tumayo papunta sa banyo upang maligo. Today is the first day of school, kaya dapat hindi ako ma-late lalo pa't wala pa akong kakilala don. Yes, you heard me right? Wala akong kakilala don kasi transferee student ako. Ako lang mag-isa dito sa condo ko kasi my parents died 2 years ago because of an accident. Wala akong kapatid, ni pinsan wala...kasi only child lang ang mommy at daddy ko.

Pagkatapos kong maligo, agad akong bumaba sa baba tsaka nagluto ng breakfast. Nga pala, 2nd year senior highschool student na pala ako. Kapag naka-graduate ako this school year, college na ako this next school year. Ng matapos akong kumain, agad kong ni-ready lahat ng mga gamit ko. Ng makaconfirm kong ready na lahat, agad akong umalis sa condo ko tsaka sumakay ng taxi. Yeah, wala akong kotse. Kaya mag-cocommute nalang ako. No choice eh!

*Ford University*

'Oh my ghad!!!'

Nasa labas palang ako ng university, kitang kita ko na ang mga malalaking buildings dito. Sosyal talaga dito sa university na toh! Well, hindi naman masyadong mahal ang tuition fee dito. Di lang kasi pera ang kailangan para makapasok ka sa university na toh, dapat matalino din. Isa daw ito sa mga pinakasikat na unibersidad sa buong Nueva Ecija.

Ang cute din kasi ng uniform dito kasi long sleeves. Ang nakakainis don, ang ikli ng palda nila dito. Konting kilos ko lang makikita na ang private ko neto. Tsk! Kaya may dala akong scarf, in case kakailanganin ko. Pumasok ako sa loob. Chineck muna ng guard kung student ba talaga ako sa FORD UNIVERSITY. Hindi gaanong maliit and tuition nila dito, pero hindi naman gaanong malaki.

Ng makapasok ako, agad akong sinalubong ng isang magandang babae. Siguro nasa mid-30's sya. "Hello there. Miss Garcia, right?" tanong ng babae sakin.

Tumango ako sa kanya tsaka ko siya nginitian. "Yes po" mahinhin kong sagot.

Inabot nya ang kamay nya sakin. Inabot ko naman yon tsaka binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "I'm Ms. Jamille Sumalinog and I'll be the one to tour you in this school. Maaga pa naman eh. Let's go?" aya nya sakin.

'Ang bait niya pala'

Naglakad lang sya ng naglakad, sunod naman ako ng sunod sa kanya. "Eto yung gym namin, dito minsan nagpapractice yung mga chearleaders, volleyball and basketball players, and also the dance troupe." sabi ni Ms. Sumalinog habang tinuturo ang isang napakalaking gym. Malaki yung gym ng dating school ko noon, pero mas malaki tong gym dito. 2x bigger ata toh eh kumpara sa gym namin. "Eto yung court. Dito kami nagfa-flag ceremony every morning." dagdag ni Ms. Sumalinog. Ang laki laki ng court nila! "Eto naman yung school canteen" sabi ni Ms. Sumalinog habang tinatanaw ang canteen. Grabe, parang resto ang canteen nila dito. "Eto naman ang clinic" ani ni Ms. Sumalinog. Bale magkatapat ang clinic tsaka yung school canteen. Yung gym at court naman ang magkatapat. Pumasok kami sa isang malaking silid na puno ng mga musical instruments, may mini stage din sila dito. "This is the music room. You're allowed to play some instruments here if you had a vacant time" sabi ni Ms. Sumalinog. Agad naman kaming lumabas don, at tumungo sa isang malaking silid na punong puno ng mga libro. "And this is the school library" wika ni Ms. Sumalinog. Tinuro naman ni Ms. Sumalinog ang katapat ng library. "And that's the Dean's Office, Mr. Kier Ford's Office" sagot ni Ms. Sumalinog . Tumingin sya sakin na parang binabasa ang mga mata ko. "Okay ka lang ba dito?" tanong ni Ms. Sumalinog.

Tumango ako kay Ms. Sumalinog "Yes po, okay lang po ako dito" sabi ko sa kanya tapos nginitian ko sya.

"Tara, hatid na kita sa magiging room mo" sabi ni Ms. Sumalinog at nag-umpisa na kaming maglakad. Huminto kami sa harap ng isang dark brown na pinto dito sa 3rd floor. Kitang kita dito ang ibang buildings. May inabot saking papel si Ms. Sumalinog "Here's your class schedule. Ang paraan dito sa Ford University, hindi exchange students or exchange classrooms. Kung di, exchange teachers" sabi ni Ms. Sumalinog. Agad kong tinanggap ang schedule ko. 9:00am ang pasok ko tapos 4:30pm ang uwian ko. "Enjoy your day" wika ni Ms. Sumalinog tsaka tinapik pa ako sa balikat.

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Where stories live. Discover now