Chapter 5

4 0 0
                                    

(Kennedy's POV)

Nagpapahinga na kami ni Thea ngayon. Napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa malayo.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari saken. Ang alam ko lang ngayon ay kung anjan siya nakakangiti ako kahit wala pa siyang ginagawa. Hindi naman ako ganito sa mga babae pero bat sa kanya. Ibang-iba ako?. May nararamdaman ba ako sa kanya?. Nagulat nalang ako ng napatingin siya saken.

"Hindi ka ba natatakot na baka ma-expelled ka sa school dahil sa ginawa mo?" Napatingin naman ako sa malayo

"Hindi ko nga alam eh. First time ko nga ding nagawa to sa buong buhay ko haha. Top 1 na ako simula pa kinder" namangha naman siya sa sinabi ko.

"Eh bat mo ginawa yun? Baka mabawasan pa grades mo nuh" sabi niya.

"It's just a number. And besides masaya naman ako kasi first bonding natin ngayon" at napangiti akong napatingin sa kanya.

"Ba-bonding?" Napatango naman ako.

"To know each other" sabi ko. Bigla akong napatingin sa isang mamang nagtitinda ng ice cream.

"Gusto mo ice cream?" Tanong ko. Napahawak naman siya ng tiyan at tumango.

"Yung nakabaso gusto ko" sabi niya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

Ngayon ko lang naramdaman yung malamig niyang kamay.

"Ka-kaso no money ako ngayon eh" napatawa naman ako at ginulo yung buhok niya.

"Don't worry my treat" sabi ko at tumakbo na papunta kay manong

"Manong. Dalawa ngang ice cream, cup po" napatingin naman si manong sa likod ko.

"Matutunaw pa to ijo kung may hihintayin ka pang kasama" sabi niya habang naglalagay.

"Eh meron na po akong kasama manong" bigla siya ulit napatingin.

"Ah ayon? Nako! Napakaganda namang bata. Girlfriend mo ba ijo?" Napakamot naman ako ng ulo

"Ah hehe hindi po eh manong" sabi ko naman. Napatawa naman siya.

"Nako ijo! Kita ko inlove ka sa kanya" napangiti nalang ako sa sinabi ni manong.

Inlove ba ako? Pero bat parang ang bilis?.

Binigay na saken ni manong yung ice cream at kumuha naman ako ng tissue. Tumakbo na ako papunta sa kanya. Ibinibigay ko sa kanya pero di pa niya kinukuha.

"Ayaw mo?" Tanong ko tapos umupo.

"Ilapag mo nalang jan" sabi niya kaya ginawa ko naman. Kinuha niya na yung maliit na kutsara at nagsimula na siyang kumain.

"Masarap ba?" Tanong ko. Tumango naman siya at nag thumbs up. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

Inubos muna namen yung ice cream bago nagsimula na kaming maglakad.

"Saan mo pa gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya. Napa-isip naman siya.

"Gusto ko yung hindi matao" napatingin naman ako sa kanya.

I'm with the Ghost Where stories live. Discover now