TDTV 7

1.9K 75 6
                                    

LUCAS POV



12 na ng tanghali at tila gutom na rin ako. Pero dumaan muna ako sa college ng bebe kong si Alex pero hindi ko na siya nadatnan dun. Siguru umuwi na rin, wala narin kasi ang mga classmate niya dito. Tsk! Yayain ko pa sana siyang mag lunch kasama ko. Umalis na ako sa college nila at nagpunta narin sa gate exit. Hays. Ang init lang talaga, at yun nga may nakita akong tricy na may sumasakay na mga istudyante at tila nag aagawan pa sa likod ng tricy pero hindi ko na yun pinansin pa at pumunta na ako sa kung saan naghihintay ang mga jeep ng pasahero.

Boring naman ng araw nato , hindi ko man lang nakita ang bebe Alex ko. Konti nalang mapapasagot ko na siya, tutal okay naman din sa kanyang mga magulang. Si Alex na lang talaga ang masyadong mailap. Haha.

Nakarating narin ako sa jeepnihan at sumakay narin ako sa isang jeep na malapit ng mapuno at isang minuto pa ay lumarga na ito.

ALEX POV

sa wakas nakarating na kami sa isang japanese restaurant? Anong trip ng mga to? Eh hindi nga ako marunung magchopstick.

" ah. Jake? Sure ka dito tayo kakain? " bulong ko sa kaniya habang naglalakad na kami paloob

" syempre naman. Kaya nga tayo nandito eh " sagot naman niya

" jake bakit dito talaga? " muling tanong ko sa kanya.

" ayst. Para maexperience mo naman dito at first time ko rin dito " muling sagot niya sakin.

" KONNICHIWA! IRASSHAI " biglang pagbati samin ng isang babae na nakapang japanese attire.

" huh? Ano daw? " tanong ni Mikey habang parang linta na nakakapit kay leo.

" wag daw shy baby " sabi naman ni leo

" tsk! Hello daw at welcome " biglang salita ni Lance. Wow! Marunong siya mag nihonggo?

" ahhh " sabi naman ng dalawang linta. Haha puro landi lang pala ang alam ng dalawang to hindi naman marunong. Pumasok na kami para makahanap ng may place. Pero bago kami nakapunta doon ay pinapalit kami ng mga crew ng kimono ba yun? Basta attire pang japanese. Hayst. Nakakapagtagalog pala ang mga to kung ano ano pa sinasabi kanina.

Kaya ayun. Nasuot na nga kami nun,  syempre nagpili ako yung pang babae haha kita ang bandang ankle ko at may flower pa ako sa ulo. Buti nalang may bangs ako. Kung wala magmumukha akong ewan sa suot dito. Kulay blue ang kimono ko. Lumabas na ako at pinuntahan ko na sila na naghihintay na at agad silang nagtinginan sakin. Shit! Naconcious na tuloy ako.

" daddy sabi ko sayo pwede ako gumamit yung pang girl eh " wika ni Mikey

" tumahimik ka dyan. Tomboy ka " kulit sa kanya ni leo

Napatingin naman ako kay Lance at Jake hindi ko alam pero nakatitig parin sila sakin. May dumi ba sakin? Oh sadyang pangit lang talaga tignan?

Umupo na ako sa side ni Jake. Tss. Actually nasa middle ako ni Jake at Lance. Nakaupo kami sa sahig , japanese style daw. Haist. Ang dami nilang paandar. Eh gutom na gutom na ako. At sa wakas nakarating na rin ang mainit init pang ramen. Wew.

ITTADAKIMASU ( LET'S EAT)

" ganda mo naman " bulong sakin ni Jake na nabigla naman ako. Habang sinisipsip ko ang sabaw ng ramen ko ay bigla naman din bumulong si Lance sakin.

" sarap mo naman sumipsip " napatapon ko tuloy ang sabaw at nagtinginan sila sakin. Gagu tong lance ah? Haha

" hoy! Sira ka talaga " sabi ko kay lance. Ngumiti lang din siya. Tsk. Bat ang cute ng taong ito ? Siguru madami natong nasirang relasyon dahil sa ngiti.

" Alex? Okay ka lang? " biglang tanong ni Jake sakin.

" oo naman. Nabulunan lang " wika ko.

" kain ka lang hah. Gusto ko sana yun na tayo lang dalawa pero may mga sumingit eh " bulong niya sakin. Napatawa naman ako.

" haha ano ka ba? Kaibigan mo naman sila at okay nayun masaya naman ako " sagot ko. Tsk! Napapaisip ako bakit puro bulong ang ginagawa namin dito? Haha eh sa kabila ang ingay naman.

Kaya pinutol ko ang bulungan namin at ako na ang nagtanong tanong sa kanila ng mga bagay bagay. Lalo na dun sa dalawang linta, curious ako sa love story ng dalawa. Ang dami ko ng natanong, buti nalang mabunganga tong si mikey.

" bess? Paano love story niyo ni Leo? " biglang tanong ko kay Mikey. Napatahimik silang lahat at nagtinginan na lamang. Huh? Anong meron? Ako lang ba ang hindi kasama sa naging storiya nila?

" ahem! Kain na lang tayo bess. Next time ko na sayo kukwento yan " pormal na sabi niya. Um-oo nalang din ako. Haist. Ngayon mas lalo akong naging curious, parang affected sila lahat? Ano to? Naka love tringle ba? O love square ? Haha. Aist. Ubusin ko nalang daw tong ramen ko.

Naglipas pa ng mga 15 minutes ay ayun busog kaming lahat. Infairness masarap ang mga food nila dito. Kaya ayun naiihi na ako kaya nag excuse muna ako sa kanila at pumunta sa comfort room. Medyo nawala pa ako ng konti kasi ang daming pasikot sikot. Hays. kaya ayun. Nakaihi narin ako. At nagpunas muna ng mukha dahil parang nalusaw na ang powder ko. Haha. Ang arte ko.

Mga isang minuto ay may narinig akong nagbukas ng pinto pero hindi ko naman pinansin ito dahil CR naman to. Natural may papasok talaga dito. Pero may narinig akong hindi ko dapat marinig, ito ay ang pag lock ng pintuan. Napatingin agad ako sa taong pumasok at gulat nakita si Lance.

" L-lance ? " mabulol kong wika

" hi " ngiting sabi niya.

" i-ikaw lang pala " bakit ba ako ninenerbyos? " palabas na pala ako " sabi ko at lumapit na sa may pintuan at may biglang humawak sa braso ko.

" Alex? Hindi na ako makapigil " mahinang sabi ni Lance. Anong ibig sabihin niya?

" what do you mean l-lance? " at ngayon ay natatakot na ako. At nabigla na lamang ako dahil hinatak niya ako at tinulak ako sa nakalock na pintuan. Nakasandal na ako at hawak niya ako sa dalawang kamay ko. Ang bilis niya. Sobrang bilis ng mga kilos niya. At ang alam ko lang ay yung labi niya ay nasa labi ko na. Hindi ako makagalaw, parang naparalyze ako pero dama ko ang init ng labi niya.

" kahit eto na lamang muna " bulong niya.

Itutuloy...........

End of chapter 7

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Where stories live. Discover now