TDTV 2

3.1K 100 4
                                    

LUCAS POV


Sup mga dude! Ako nga pala si Lucas ang inyong poging vendor ng mga manok at isda sa palengke, syempre nagaaral ako 3rd year college at 20 na taong gulang. Rocket ko lamang ang pagiging vendor sa palengke pag walang klase at para makatulong narin ako sa kapatid ko na si Jimmy. Kami na lamang kasi dalawa ng kapatid ko sa buhay dahil mga magulang namin ay alam niyo na, malungkot na istorya kaya wag na natin pagusapan mga dudes.

Masaya ako ngayong araw dahil nakita ko nanaman siya, ang nagbibigay sakin ng kakaibang feeling, yung tipong gustong gusto kong makita ang kanyang asar na mukha. Ang cute lang kasi ng Alex na yun, syempre bebe tawag ko sa kanya. Alam ko mga dudes, tawanan niyo na ako dahil hindi siya babae pero lakumpake! Gusto ko yung tao kaya wag magangal. Alam naman to ng kapatid ko mga dudes, okay lang naman din sa kanya buhay ko din naman daw ito kaya ako daw bahala basta wag lang mag droga. Haha.

" kuya aalis na ako, tapos na rin kasi ako para sa araw na to " sabi ko kay kuya habang nagaayos na ako para umalis na.

" ahh, okay brad, umuwi ka ng maaga sa bahay " sabi naman ni kuya.

" okay kuya " at umalis na ako, syempre pupunta na ako sa computer shop para mag dota, naging habit ko na rin kasi pero may control naman ako mga dude.

ALEX POV

" bakit ba gusto mo malaman malaman ko ? " tanong ko sa driver

" cute mo kasi, baka pwede makipag kaibigan " sabi naman ng driver, shoot! Nagpapakilig ang gagi.

" a-alam mo may pagkabolero mo din ano? " sabi ko naman sa kanya, kunwari pa ako, eh kinikilig din naman ako sa sinabi niya.

" nandito na tayo " biglang sabi niya at pumara na sa may side. Bumaba na rin ako at nagbayad sa kanya pero pinigilan niya ako.

" teka lang! Yung pangalan mo , hindi ko pa nalalaman tsk! " sabi niya

" ugh! Beyonce pangalan ko " biglang biro ko, hahaha

" tsk! Pangalan mo nga, wag mo ako ma beyonce " sabi niya, gusto kong makita na mainis siya.

" bakit? Maganda naman ang pangalan na Beyonce ah? " ako

" HOY! Alexander ano pang tinatayo mo diyan? Gutom na ako " may biglang sumigaw pangalan ko at ang magaling na ate ko pala.

" aha! Alexander pala, kala mo huh, ge una na ako Alexander " ngumiti ang driver at nginitian at kinindatan ako. Ugh! Hanggang kailan talaga tong ate ko.

" oh ayan na ang mga bilihin " bigay ko sa ate ko at ako ay nagrampa na pauwi ng bahay.

_____________________________

" noooo!! Monday nanaman " biglang sigaw ko habang kakabukas palang ng aking mga mata at tila may mga morning cake pa ako sa mata.

" nak! Okay ka lang diyan ? " biglang rinig ko naman sa labas ng pintuan ko, si mama ang kumakatok sa pintuan.

" ahh, hehe okay lang ako ma, masamang panginip lang, babangon narin ako " sabi ko at yun nga bumangon na ako para narin mag almusal. Tila antok pa ako at parang zombie akong naglalakad sa may sala papunta sa banyo namin. Matapos ko ay nagbihis na ako ng uniporme at dali dali ng nag lakad palabas ng bahay at para mahabol ko pa anh mga jeep na naghihintay ng mga pasahero.

Nakarating ako sa may highway at agad ko namang napansin ang isang tricy na familiar sakin na naka parada. Nakalapit na rin ako sa tricy pero wala akong nadatnang driver na nakasakay, baka nagkamali lang ako. Tsk!

Kaya naghintay ako ng jeep, habang nakatayo ay lumingon ako sa may puno at agad kong nakita ang isang tao na nakatayo na nakatalikod sakin.

" anak ng! " biglang gulat ko, at napalingon din bigla ang lalaki. Si Jake? Hindi pala ako nagkamali kanya nga tricy na naka parada.

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Where stories live. Discover now