Chapter 25 Confused?

15.8K 872 182
                                    

"You never know how much you love someone until you watch them love someone else."


Eira POV


"I'm so sorry."

Narinig kong hingi ng paumanhin ni Asher kay Clary. May hawak pa siyang bouquet ng red roses at ibinibigay ito kay Clary kasama ng kanyang paghingi ng sorry dahil sa nangyare kaninang umaga sa Media.Com.

"I'm really, really sorry love." Muli niyang sumamo. "Ang dami ko lang kasing iniisip tapos nagkandaloko-loko na yung scheds ko." Paliwanag niya. "Alam ko, kahit ano pang pangangatwiran ko, hindi pa rin yun sapat na dahilan para mawalan ng kontrol kanina. Hindi kita dapat sinigawan kanina. I'm so sorry. Please forgive me." Sabay kuha sa kaliwang kamay ni Clary at hinalikan ang likod niyon.

Lumayo ako ng konti sa kanila kanina para mabigyan sila ng privacy. Nasa may gilid sila ng sasakyan at nakasandal naman ako sa isang poste dito sa harap ng condominium building ni Clary. Dito kasi kami dumiretso kanina pagkatapos namin sa food tasting at kumain sa resto. Gusto pa daw niya akong maka-bonding, pumayag naman ako. Wala naman kasing rason para tumanggi ako.

Right?

Napabuntong hininga si Clary. "Alright." Narinig kong sagot niya. "You're forgiven." Saka tinanggap yung bulaklak.

"Talaga?!" Biglang nagliwanag yung mukha ni Asher ng marinig iyon.

Ngumiti na ng bahagya si Clary, indikasyon na tinatanggap na niya yung paghingi ng sorry ni Asher dito. "Yes." Sabay tangong sagot niya.

Mabilis na niyakap siya ni Asher. "Thanks, love." Kumalas din siya agad sa yakap at hinawakan sa magkabilang pisngi si Clary. "I'm really sorry. Bati na tayo ha?"

Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng mukhang hahalikan na niya si Clary sa labi. Di ko alam, pero ayoko iyon makita.

"I love you." Narinig kong sabi ni Asher sa kanya. "Di na yun mauulit pa."

"Promise?" Tugon naman ni Clary.

Kung pwede lang lumayo pa para hindi ko marinig at makita kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa ginawa ko na.

Ngunit bakit ko ba yun gagawin? Isa pa, ano naman ngayon kung sweet sila? That's normal, magkasintahan sila eh.

Haist... hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Napayuko ako at pinaglaruan ng kanang paa ko yung maliit na bato habang nag-iisip ng malalim.

"Eira." Masayang tawag ni Clary sa pangalan ko.

Awtomatiko akong nag-angat ng mukha. Makikita sa mukha nila ang kasiyahan. Magka-holding hands pa silang naglakad palapit sa kinatatayuan ko. Napadiretso ako ng tayo.

"We're okay now." Balita ni Clary sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. "Bati na kami." Saka masayang napasulyap kay Asher.

Lihim naman akong napalunok. "T-that's good to know." Saka pinilit ang sariling ngumiti.

"Thank you." Sincere na sabi ni Asher sa akin.

"For what?" Tanong ko.

"Sa pagsama mo dito sa magiging bride ko." Nakangiting sagot niya sabay masayang sumulyap kay Clary. Hinalikan pa nga niya yung likod ng kamay ni Clary na hawak-hawak niya ng mga sandaling iyon. "It means a lot to me." Saka ulit siya nagbaling ng tingin sa akin.

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko. "Okay lang yun." Napili kong isagot.

"Tara na sa taas?" Aya ni Clary sa akin.

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon