Chapter Three

151 7 2
                                    

Chapter Three

Kinabukasan hindi ko na nadatnan si Mama paggising ko sa umaga. Nag-iwan lang siya ng note na nakaalis na siya papuntang trabaho. Sabado ngayon at wala akong pasok kaya mag-isa lang ako sa bahay ngayon.

Hindi na kami masyadong nakapag-usap kagabi. Hindi na din ako nagtanong ng kung anu-ano at hinayaan ko na lang na makapag-isip si Mama. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang mag-open ng usaping iyon kung kailan ready na siya.

Tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Humigop muna ako ng kape bago binasa ang message.

From Babe:

Susunduin kita around 10am.

Iyon lang ang nakalagay sa message kaya naisipan kong i-dial ang cellphone number ni Vince at tawagan siya para itanong kung bakit niya ako susunduin.

“Hello, babe!” malambing na bungad sa akin ni Vince sa kabilang linya

“Bakit mo ako susunduin? Anong meron?” tanong ko agad.

“Ibibili kita ng bagong sapatos.”

Bigla akong na-excite sa narinig. “Talaga? Bakit?”

“Basta ibibili kita. ‘Wag nang masyadong maraming tanong, okay?”

“Yes, babe!”

“See you later. Bye!” paalam niya.

“Bye. Love you!”

“Love you too.”

Nakangiti ako pagkatapos ng pag-uusap naming iyon. Parang pansamantala ko yatang makakalimutan ang nangyari kahapon. Unang beses akong bibilhan ng sapatos ng isang matatawag na boyfriend at sobrang excited ko talaga.

Dali dali akong naligo at agad na nagbihis. Isang kulay dilaw na blouse ang isinuot ko at maong na pantalon. Magtsi-tsinelas na lang ako para mas madaling magsukat ng sapatos mamaya.

Tiningnan ko ang wall clock sa kuwarto. Thirty minutes na lang before ten. Maya maya lang siguradong nandiyan na si Vince. May oras pa ako para magpaganda. Humarap ako sa salamin at naglagay ng kaunting lipstick. Ginamit ko din ang pressed powder ni Mama at inilagay iyon sa mukha ko. Tapos ay nagwisik ako ng pabango. I’m ready!

Lumabas ako sa kuwarto. Sa may sala ko na lang hihintayin si Vince. Binuksan ko ang TV para manuod muna habang naghihintay pero after thirty minutes wala pa din ang hinihintay ko. Baka na-traffic lang siguro ‘yon, naisip ko. Kumuha akong salamin sa bag at tiningnan ang mukha ko. Okay pa naman ang make-up ko kahit paano.

After thirty minutes ulit, wala pa rin siya. Nag-alala na ako kaya tinext ko siya kung nasaan na siya. Ilang segundo lang ang nakalipas ang nag-ring na ang cellphone ko.

“Nasaan ka na?” tanong ko agad kay Vince. Hindi ko na itinago ang pagkairita ko.

“Sorry, hindi na kita masusundo. Kasama ko kasi ang kapatid ko. Ibibili ko din siya ng sapatos,” diretso niyang sabi sa akin sa kabilang linya.

Medyo hindi ako satisfied sa reason niya. “Tapos?”

“Mainit kasi, babe. Ayaw ni Laila na lumayo pa kami,” he explained.

“So, hindi mo ako masusundo dahil ayaw ng kapatid mo?” tanong ko ulit.

“Hindi naman sa ganun…”

“Pero ‘yon ang sinasabi mo.”

“Punta ka nalang dito, okay?”

“Nasaan na kayo?”

“Andito na pumipili ng sapatos.”

Okay. Hindi ko alam pero parang nag-aapoy ang dibdib ko sa galit sa mga sandaling ito. Kung hindi ko pa siya tinext hindi niya ako tatawagan na hindi niya ako masusundo. Ibinaba ko ang cellphone ko na hindi nagpapaalam sa kanya. Ewan ko lang kung nahalata niyang galit ako sa ginawa niya.

Hinintay kong mag-ring ulti ang cellphone ko pero wala. Hindi niya na siguro aalamin kung pupunta ba ako hindi. Nakakainis talaga. Bakit kasi ganoon, mostly sa mga lalaki manhid.

Nawala na lahat ng excitement sa dugo ko. Wala na rin akong pakialam kung magkakaroon ako ng bagong sapatos. Okay lang sana kung sinabi niya ng mas maaga sa akin na hindi niya ako masusundo e. Hindi kung kailan ko siya tinext saka niya lang ako maaalala.

Sumalampak ako ng upo sa sofa. Ganoon lang ako hanggang makalipas ang isang oras. Maya’t maya kong tinitingnan ang cellphone ko kung may text siya pero wala. He totally forgot me.

After two hours nakaramdam na ako ng gutom. Alas dose na rin pala. Tatayo na sana ako para magbihis nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Vince ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli namalayan ko na lang na nakatapat na sa tenga ko ‘yong cellphone.

“Bakit ang tagal mo? Nasaan ka na?” agad na tanong ni Vince sa akin.

“Sa bahay. Kakain pa lang sana ako,” matamlay kong sagot.

“Ano? Pumunta ka na dito. Hihintayin ka namin. Dito ka na kumain ng lunch.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig ko. Hindi niya talaga nahalata na may tampo ako sa kanya. Hindi ako nag-react sa sinabi niya.

“Hey! Still there?” pukaw niya.

“Yeah. I’ll be there after I ate lunch.” Iyong lang huli ko sinabi tapos pinutol ko na ang tawag.

Tantrums lang ba ang nararamdaman ko? Bakit ganoon? Parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Parang hindi niya ramdam ang tampo ko. E kung hindi kaya ako pumunta, malalaman niya kaya na naiinis ako sa kanya?

A/N

May readers pa ba itong story? Hehehe.

IMPERFECTION [On-hold]Where stories live. Discover now