Chapter 30: Rescue!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dapat ata may code signal tayo," sabi ni Jules.

"Saka night vision goggles," sabi naman ni Dean.

"SHHH!" saway ni Andy sa kanila, pagkatapos ay tinignan ang GPS tracker ng kanyang cellphone. Sinundan nila ang P.I. at pinasok nila ang kuwarto kung nagbihis sina Pam at ang mga death metal chicks.

"Hayun ang bag ni Pam," turo ni Hannah.

Dinampot ni Andy ang handbag at kinapa sa ilalim ang nakatagong GPS tracker. Nakita naman ni Dean ang mga damit nina Pam at ng mga death metal chicks sa lamesa, at na-imagine nila na hubo't hubad ang mga ito somewhere sa loob ng bahay.

"Guys, hanapin natin si Pam," may panic na sabi ni Dean at nagmamadaling humakbang palabas ng kuwarto.

"Teka lang!" pagpigil ni Andy. "Hindi natin alam kung nasaan..."

Biglang narinig nila ang malakas na mala-dimonyong ungol.

"Anak ng...ano 'yun?" sabi ni Tony.

"Si Lucas," sabi ni Father Markus.

Umalingawngaw pa ang ungol. Nagsilabasan sila, hinahanap ang pinagmumulan ng ungol. Palabas ng hallway at tungo sa hagdanan na paakyat ng second floor. Dahan-dahan pagka't lumalangitngit ang kahoy nito sa bawat yapak nila. Nang marating nila ang ikalawang palapag ay nakita nila ang kuwarto na may nakasardong pintuang kulay itim na may simbolo.

"Sigil of Baphomet," turo ni Jules. Walang duda na sa loob nagaganap ang ritual.

Nilapat ni Tony ang tenga niya sa dingding at tumango, senyales na sa loob nga nanggagaling ungol. Pero siya'y napakunot-noo pagka't parang kakaiba ang ungol ngayon kaysa sa kaninang narinig nila. Sumenyas si Andy ng kanyang mga daliri, na sa bilang niya ng tatlo, papasukin nila ang kuwarto.

One...two...three...

Tinadyakan ni Tony ang pintuan at ito'y bumukas at nagpasukan silang lahat, ang mga baril nakatutok.

At lumuwa ang kanilang mga mata sa nakita sa loob ng kuwarto.

Orgy.

Ang buong kuwarto ay nasa kalagitnaan ng isang orgy.

***

Isang Satanic Orgy ang ditanan nila sa loob ng ritual room. Na ang ungol palang narinig ni Tony sa dingding ay mula sa mga nagtatalik na mga Satanista at mga death metal chicks. Ang kanilang hubad na mga katawan nagniningning sa liwanag ng mga kandila. Maging ang Reverend ay nasa ibabaw ng babaeng altar, at si Juan Satan ay naka-dog style sa leader ng mga death metal chicks.

"What...the....fuck?" mulat na sabi ni Hannah.

"Shit..." react ni Jules.

Napa-kurus si Father Markus, sina Andy at Dean ay napanganga, at si Tony nama'y napangiti—nguni't agad namang nahimasmasan at sumigaw, "NBI! RAID ITO!" Ang malalim niyang boses ay nag-echo sa buong kuwarto.

"NBI! TAAS MGA KAMAY!" sigaw din ni Andy.

Nguni't tila hindi sila napansin pagka't patuloy pa rin ang pagtatalik. Kung kaya't pinaputok ni Tony ang kanyang shotgun sa kisame. Naglaglagan ang piraso ng kahoy, at saka pa lamang natigilan ang mga nagse-sex. Pero imbes na matakot ay kaswal lamang silang nagsipagtayuan. Hindi sila natakot sa di-sabog na baril pagka't sila mismo'y mga sabog—ecstasy at alak ang nagsilbing matinding aphrodisiac.

Pinalibutan nila Andy ang paligid. Ang mga baril nila'y nakaumang at may warning na papasabugin ang bungo ng sinumang tataliwas ng galaw. Hindi naman nakaporma ang mga Satanista pagka't malayo sila sa kanilang mga baril na nasa sulok ng kuwarto, kasamang kanilang hinubad na mga damit.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon