"Alec anak magalmusal ka na sa baba, ako ang natatakot para sayo" sabi nito at kaagad kaming iniwan nina Cairo at Piero habang dala dala niya sine Kenzo at Tadeo.

"Bad!" Turo ni Piero sa pintuan kung saan lumabas si mommy.

"Daddy I love!" Sambit niya sabay yakap sa akin.

Marahil ay nakita niya ang aking pagiyak. Kaya naman inakala nitong inaway ako ni Mommy.

Isang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang lahat ng iyon sa amin ni Maria. Araw araw akong gumising sa umaga na may takot sa aking puso dahil sa iniisip na baka bigla isang umaga ay magising na lamang ako na panaginip lamang pala ang lahat.

"Nag grocery si Maria, kasama si manang bella dahil dito magdidinner sina Axus at Elaine" sabi ni mommy habang inaasikaso niya ang aking mga anak.

"Kanina pa ba siya umalis ma? Ang tagal naman ata?" Atat na tanong ko dito dahil bigla ko nanamang namiss si Maria.

"Anak naman, wala pang isang oras nawawala si Maria. Masyado ka naman atang clingy. Natutulad ka na sa Daddy mo" kantyaw ni Mommy sa akin. Pero imbes na mahiya ay mas lalo lamang akong naging ata na makita ang asawa ko.

"Dadddd! Eat!" Pagtawag sa akin ni Piero sabay pakita ng kinakain niyang baby bread.

"Thanks baby" malambing na sambit ko sabay hawak sa kanyang ulo. 

Napatawa si Mommy kaya naman napatingin ako sa kanya. "Sorry mga Apo, iba ang gustong kainin ng Daddy niyo" natatawnag pangaasar niya.

"Ma naman, bata pa ang mga anak ko. Tsaka na yan...pagbinata na sila" sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.

"Ang batang ito talaga!" Suway niya sa akin.

Nasa sala ako habang binabantayan sina Kenzo, Tadeo, Cairo at Piero na naglalaro sa may rubber mat ng kaagad akong makarinig ng pagbusina.

"Sir dumating na po sina ma..." hindi na nagwang tapusin ng aming kasambahay ang kanyang sasabihin dahil kaagad akong tumayo para lumabas.

"Pakitingnan sandali yung mga bata" sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay.

"Pa diretso na lang sa kusina Kuya joven" sabi nito sa driver.

"Maria!" Pagtawag ko sa kanya na ikinagulat pa niya.

"Oh, asaan na yung mga ba..." hindi na niya natapos ang tanong niya sa akin dahil kaagad kong inangkin ang kanyang labi.

"I miss you...so much" sambit ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"Halos isang oras lang akong nawala Alec, ang arte neto!" Pangaasar niya sa akin na hindi ko na lamang pinansin.

Yakap yakap ko siya sa bewang habang papasok kami sa loob ng bahay. Kaagad niya akong hinila ng mabilis ng marinig niya ang maiingay naming mga anak.

"Mga baby ko!" Sigaw nito.

Kaagad na tumigil ang apat sa kanya kanya nilang ginagawa at mabilis at nagunahang tumakbo papunta sa kinatatayuan namin ni Maria.

"Mommmyyy!" Mahaba at matinis na sigaw ng mga ito.

Kaagad na yumuko si Maria para mayakap ang apat naming anak. Todo halik ang mga ito sa kanya kaya naman napatawa na lamang ako.

"Hindi pa nga tapos si Daddy, mga istorbo kayo" pangaasar ko sa kanila kaya naman nakatanggap ako ng pagkurot sa tagiliran mula kay maria.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang