prologue

82 7 1
                                    

"Ngayon alam ko na kung ano ba talaga ang pag-ibig. Akala ko, ito ang magbibigay buhay sa malungkot kong mundo pero eto rin pala ang wawasak sa puso ko. Minsan na nga lang ako magmahal, sa maling tao pa. Bakit kase sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa'yo pa ako nabaliw?" Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng nga butil ng likido sa mata niya.

Fck! Mas nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon sa harap ko, kitang-kita kong nasasaktan yung babaeng mahal na mahal ko.

"Grabe tayo paglaruan ng tadhana 'no? Sa dinami-dami ng tao bakit tayo pa yung napag-tripan?" Dagdag ko.

"Pero bakit di mo ako ipinaglaban? Bakit natakot ka't nagtago?" Patuloy na umaagos ang luha niya.

"Kase sobrang sakit eh! Di ko kaya na makita pa kita araw-araw. Mas nasasaktan ako. Dahil naiisip ko na maling tao pala yung minahal ko!" Pagkasabi ko 'nun ay kaagad siyang umalis sa harap ko na umiiyak. Tanaw ko siya na unti-unting nawawala sa paningin ko.

Votes and comments are higly recommended😄 sige na kahit di na kayo mag-vote. Basta comment kahit hi haha. Ayoko kase sa silent reader.


Now I Know What Love Is | On-goingWhere stories live. Discover now