PAGDILAT ng mga mata ng dalaga ay tumambad sa kanya ang isang napakamatipunong lalaki, sa tingin niya'y ito na ang may pinakaperpektong mukhang nakita niya sa buong buhay. Matikas ang pangangatawan nito bakas sa brasong malulusog. Nakakasilaw ang kagwapuhan nito at base sa postura nito'y inakala ng dalaga na isang ito sa mga kilala at pinagtitiliang mga modelo o artistang lalaki.

Napaayos ng upo ang dalaga, napansin niyang nasa kalsada pala siya kaya't napalayo siya sa binatang kaharap.

"S-sino ka?" Nauutal na tanong ng dalaga.

Tumayo naman ang binata at nag ayos ng tindig para magpakilala. "Ako si Demise, prinsipe ng Underworld, unang anak ni Hades at Persephone. Mapalad ka, babae, pagkat nailigtas ka ng isang tulad ko. Magbigay pugay ka at halikan ang aking kamay."

Iniabot ni Demise ang likod ng kanyang palad at itinapat sa babae.

Sa ganda at lamig ng boses ng binatang kaharap ay muntik nang maniwala ang dalaga. Nalilito siya't hindi malaman kung susundin ba ang lalaking nasa harapan. Hindi rin niya mawari kung nananaginip ba siya o realidad na ito. Nahirapang magproseso ng kanyang utak sa pinagsasasabi ng binata.

"Demise? Underworld? Greek god?!" Pag uulit ni Belleza sa kanyang sarili, tumayo na siya paraharapin ang binata at sinusubukang intindihin ang mga pangyayari.

Binawi ni Demise ang kamay at nagsalita habang may namumuong ngiti sa labi. "Nakikita kong matalino ka rin pala at maalam sa mitolohiya. Oo, isa nga akong greek god."

Sa mga binigkas ng binata'y napagtanto ng dalaga na pinaglalaruan lamang siya ng taong kaharap.

"Weh?" Biro ni Belleza at tumawa ng mahina, ngunit agad namang naglaho ang kanyang tawa nang mapansing nag-iba ang hitsura ng binata. Ang ngiti nito kanina'y napalitan ng simangot at kunot ng noo.

"Binabawe ko na ang sinabi ko kanina, mukhang isa ka ring mangmang."

"Makalait 'to, tss!" Sambit ng dalaga sa kanyang utak. Nang maalala niya ang tatlong lalaking humahabol sa kanya kanina'y luminga linga siya.

"Pinaalis ko na ang mga mangmang na mortal na balak mang akin saiyo." Napalingon siya sa binatang kaharap. Nagtataka siya kung totoo nga ba ang mga pinagsasabi nito at paanong hindi niya ito nakita kaninang tumatakbo siya. Totoo nga bang tinulungan siya nito?

"Okay?" Panimula ng dalaga, nais niyang malaman kung may katutohanan ba ang pinagsasasabi nito kahit na halata namang imposible. "Let's say na greek god ka nga, paano ka naman napadpad sa Pilipinas? Diba nasa Greece kayo?"

Tumikhim ang binata bago nagsalita. "Ang pilipinas ay nasa Asya, isa ang kontinente ng Asya sa mga nasa ilalim ng aking kapangyarihan. At hindi sa Greece ang aking tahanan kundi sa Underworld."

Napa-ahh nalang ang dalaga sa paliwanag na narinig. Napailing siya sa kanyang sarili. Dapat nga bang maliwala siya dito? O baka isa na naman ito sa kanyang mga guniguni.

"At paano ka naman natuto ng salitang Filipino?" Pagpapatuloy ng dalaga sa pag-iinteroga.

"Madali lang matuto ang tulad namin kumpara sa mga mangmang na mortal na katulad niyo." Bigkas ng binata nang may ngiting nangungutya na nabuo sa labi.

Napabusangot ang dalaga, pansin niyang kanina pa punong puno sa sarili ang lalaking kaharap. Ngunit ang mga pinagsasabi nito'y walang bahid ng realidad. Kung kaya't napagdesisyunan niya nang itanong ang bagay na kanina pang bumabalakid sa kanyang isipan. "Kuya matanong ko lang."

"Ano ang iyong katanungan, babae?" Tugon sa kanya.

Nag-alangan ang dalaga kung bibigkasin pa ba ang kanyang katanungan o hindi na. "Uhm.. nagdo-droga ka ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BellezaWhere stories live. Discover now