Prologo

33 4 6
                                    



Prologo


"Baka mabangga tayo." Sabi ng babaeng kasama ko ngayon habang nagmamaneho ng kanyang kotse, pilit niyang ipino-pokus ang atensyon sa kalsada kaysa sa akin.

Isang kahangalan ito, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. At siya, ngayon, ang gusto ko. Gusto kong sa akin lang ang kanyang tingin. Gustong gusto kong kunin ang kanyang kaluluwa. Gusto kong kainin at ubusin ang kanyang kaluluwa hanggang sa walang matira. Mas nilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga at bumulong.

"Bakit, natatakot ka ba? Mukhang nakakalimutan mo na ata kung sino ako." Napatingin siya sa akin na para bang saglit akong nakalimutan at biglang naalala kung sino talaga ako. Unti unting napa-angat ang gilid ng aking labi nang maramdaman kong kumampante ang kanyang pakiramdam.

Siniil kong muli ang kanyang labi ng isang halik. Marahas at nang-aangkin ang halik, may kasabay rin itong pagpaparusa pagkat sino siya sa tingin niya't nagawa niyang kalimutan ang isang tulad ko.

Ako si Demise, unang anak ni Hades at Persephone. Prinsipe ng Underworld, the god of despair, at mas makapangyarihan kaysa sa ibang mga demigod na anak ni Poseidon.

Pumaparito ako sa mundo ng mga mortal para maglibang, at isa sa mga libangan ko ang mortal na babaeng ito. Pinagpala ng mga diyos para makita ko, para maangkin ko ngayon.

Napatigil ako at bahagyang lumayo sa babaeng nasa harapan ko nang maramdaman ko ang presensya ni Hermes, ang tagasundo ng mga kaluluwa papuntang Underworld. Ano ang ginagawa niya dito? May mamamatay ba sa lugar na ito?

Umungol ang mortal na babae at pilit na ihinihigit ang kwelyo ng aking damit gamit ang isa niyang kamay palapit sa kanya, habang nasa manibela pa rin ang isa pa niyang kamay. Batid ko ang kawalan ng pagtitimpi ng mortal na ito ngunit hindi ko kayang balewalain ang presensya ni Hermes, may hindi tama sa nangyayari ngayon. Imposibleng may mamamatay sa lugar na ito, sa pagkakaalala ko'y walang naisulat sa libro ng kamatayan tungkol sa lugar na ito ngayon. Kung kaya't ano ang ginagawa ng tagasundo rito? Imposible ring ipinadala siya ng aking ama na si Hades upang ipasundo ako dito sa mundo ng mga mortal, sa pagkakaalala ko'y wala siyang pakealam sa akin at tanging ang kanyang asawa lamang, ang aking ina na si Persephone, ang laging nasa kanyang isipan.

Kumunot ang noo ko. Kailangan kong makalabas sa sasakyan na ito para makausap si Hermes. Napansin naman ito ng mortal kaya't bumalik sa katinuan ang kanyang sarili at nagsalita. "B-bakit?"

"Itigil mo ang sasakyan." Utos ko sa kanya habang sinusuri ang kalsadang dinaraanan namin.

"Bakit, may problema ba?" Napatingin ako sa mangmang na mortal na ito. Simpleng utos lang, hindi magawang magampanan.

"Sabi kong itigil-" Napabalik bigla ang aking tingin sa kalsada nang maramdaman ko ang biglang pagsulpot ng isa pang mortal, akma itong tatawid sa kalsada.

Napatili naman sa kaba ang mortal na babaeng kasama ko ngayon nang mapansin niyang may isang mortal na papatawid. Napataranta siya sa paghanap ng apakan ng preno ng kanyang sasakyan. Batid ko nang bago pa niya maapakan ang preno'y masasagasaan na ang tatawid. Kaya't kailangan kong gumawa ng paraan.

Sa isang kumpas ng aking kamay, napatigil ko agad ang paggalaw ng mga bagay na sa aking paligid ngunit hindi ang oras. Kaya't kailangan kong magmadali bago pa may makahalata, kung hindi'y malalagot ako sa aking ama dahil gumamit na naman ako ng mahika sa mundo ng mga mortal.

Binalingan ko ng tingin ang babaeng katabi ko, bakas pa rin ang pagkataranta sa kanyang mukha. Tinanaw ko naman ang mortal na nasa labas ngunit wala akong nakita.

BellezaWhere stories live. Discover now