Kabanata 1

20 2 9
                                    


"No baby this is not an illusion

You really got me lifted off my feet

So tell me you believe in love

'Cause it's not an illusion to me"

- Illusion (One Direction)

Kabanata 1  

LUMALALIM na ang gabi ngunit ang buwan ay dilat na dilat pa rin, wari mo'y nagmamasid sa mga nagyayari sa ibabaw ng mundo. Ang tunog ng mga sasakyan nama'y sumasang-ayon sa mga ilaw na nagsasayawan sa kapaligiran. Unti unting nauusbos ang mga sasakyang nagdaraan sa kalsada, ang mga natira na lamang dito'y mga pribadong sasakyan. Kung kaya't napagdesisyunan ng dalaga na maglakad na lamang pauwi.

Sa bawat hakbang ng dalaga'y unti unting nakakaramdam siya ng pagkahilo. Napatigil siya't napahawak sa isang poste sa gilid ng kalsada.

"Sinigawan mo na naman yung costumer!"

"Jusko naman, Belleza! Nakakatatlo ka na ngayong linggo!"

"Kung ayaw mo ng trabaho mo ay maghanap ka na lamang ng iba!"

Paulit ulit niya pa ring sumasagi sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kanyang amo kanina, bago niya lisanin ang lugar na pinagtatrabahuhan.

Totoo ngang night bar ang pinasok niya ngunit pagiging waitress lamang ang kanyang trabaho, hindi entertainer. Kaya't sa tuwing may nang babastos sa kanya'y nasisigawan niya iyon, minsan nga'y nasusuntok niya pa. At ito naman ang siyang kinagagalit ng kanyang amo. Palagi na lamang siya napapatawag sa opisina ng amo, ngunit hindi pa siya nito pinapatanggal pagkat batid ng amo ang kagandahan ng dalaga na isa sa mga nagiging dahilan kung bakit mas dumarami ang kanyang costumer. Kung kaya't napagdesisyunan ng amo na magpaliban muna ng isang araw ang dalaga para pahupain ang tensyon sa pagitan nito at ng mga costumer na nakaalitan.

Humakbang ulit ng ilang lakad ang dalaga habang nakahawak pa rin sa kanyang ulo't iniinda ang pagkahilo. Sa wari niya'y dulot ito ng pinainom sa kanya ng kanyang katrabaho bago siya umalis. Pinipilit kasi siya ng ilang katrabaho na maging entertainer na lamang. Paulit ulit siyang kinukulit ng mga iyon at paulit ulit rin niyang tinatanggihan. Kaya niya lamang tinggap ang inuming iyon sa kadahilanang nangako ang mga ito sa titigilan na siya kapag ininom iyon.

Habang naglalakad, naramdaman niya na may mga matang nakatingin sa kanya kaya't lumingon siya sa kanyang likuran. Nakita niya ang tatlong matandang lalake na pagewang gewang at nakasunod sa kanya. Sa pagkawari niya'y lasing ito't nakasunod sa kanya mula nang makaalis siya sa bar na pinagtatrabahuhan.

Ngumisi ang isa sa mga ito na nakatingin sa kanyang direksyon. Parang tumindig ang kanyang mga balahibo, mas pinapatindi pa ito ng malamig na hanging yumayakap sa kanya. Luminga linga siya sa paligid, siya na lamang pala ang naglalakad mag-isa. Mas nilakihan niya pa ang mga hakbang, ang lakad niya'y naging patakbo na.

Nang mapansin naman ng tatlong lalaki ang pagtakbo ng dalaga'y hinabol siya ng mga nito. Mas binilisan niya ang kanyang pagtakbo, nang nakarating siya sa tapat ng pedestrian lane ay lumiko niya rito.

Samantalang hindi napapansin ng dalaga ang humaharurot na sasakyan sa kalsadang tinatahak. Mas sumakit ang kanyang ulo dulot na lamang ng pagod sa pagtakbo't kabang nadarama, kamuntikan nang natisod siya sa paglalakad buti na lamang ay nagawa niyang ibalanse ang katawan. Sa huling hakbang ng dalaga bago maabot ang kabilang bahagi ng kalsada'y bigla na lamang siyang nawalan ng malay. At kasabay naman nito'y ang pagtigil ng mga bagay sa paligid. Ang mga busina't ingay ng kalsada'y parang natunaw sa hangin. Pati ang tahol ng mga aso ay biglang naglaho na parang bula. Para bang nakakabingi ang katahimkan na bumalot sa kapaligiran.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BellezaWhere stories live. Discover now