Apoy

221 5 0
                                        

Naaalala mo pa ba nung mga bata pa tayo?

Naglalaro tayo ng chinese garter sa kalsada. Ikaw ang pinakamagaling kaya ikaw palagi ang nananalo.

Naglalaro tayo ng bahay-bahayan. Kaso hindi mag-asawa ang ganap natin dahil pareho tayong babae. Ikaw kunwari ang nanay at ako palagi ang anak dahil ang bansot ko..

Nung naglalaro tayo ng manika palagi lang tayong nagtatawanan.

Ang saya ng mga araw na yun. Ang saya umuwi galing eskwelahan sa kahapunan dahil iyon ang oras na makakalaro ka. Ayaw ko nang matapos yun.

Kaso nung nagkolehiyo ka ay umalis ka na. Sabi naman ng mama mo na si tita May ay doon ka mag-aaral sa ibang bayan.

Naalala kong sinabi mo minsan na gusto mo maging isang nurse.

Nalungkot ako.

1st year High school pa lang ako nun kaya di pa ako pwede makakapag-aral sa ibang lugar na kasama ka.

Naiinis ako sa'yo dahil hindi ka nagsabi sa akin na aalis ka!

Ayaw na kitang makita ulit!

Ilang araw akong hindi pumasok pagakatapos nun kasi ayaw kong masaktan na sa pag-uwi ko galing school ay hindi na kita makikita tulad ng dati.

Pero dumaan ang ilang taon ay unti-unting nawawala ang sakit.

Hindi ko alam kung namimiss ba kita. Hindi ko alam na nanaisin pa kitang makita ulit.

Limang taon na ang lumipas.

Pero ewan ko ba kung bakit ako napapalingon sa bahay niyo sa tuwing dadaan ako dun pag-uwi galing school.

Kamusta ka na kaya? May boyfriend ka na ba? Nurse ka na ba ngayon?

Nanggagamot ka na ba ng mga may sugat?

Pero isang araw..

Sa gate niyo, ay nakakita ako ng isang babaeng nakadamit pansundalo.

Nakita kong niyayakap niya si tita May.

Sino siya?

Bakit sundalo ang itsura niya at hindi nurse?

Nang kumalas na sila ni tita May ay tumingin siya sa direksyon ko.

Nagtama ang mga mata namin. Ang magandang mukha niya ay nag-iba ang ekspresyon.

Ikaw nga yun.

Mas lalo kang gumanda. Nakapusod ang iyong buhok at di maikakaila na bagay na bagay sa'yo ang suot mo.

"Ate Melissa." Hindi ko napigilan na bigkasin ang pangalan mo. Pero mahina lang yun at ako lang ang nakakarinig.

Nangingilid ang mga luha ko. Taliwas man sa puso ko pero naglakad ako nang mabilis palayo sa bahay niyo.

"Rachelle!"

Narinig kitang tinatawag ang pangalan ko. Pero tumakbo ako.

Ayuko.

Ayaw pa kitang makausap.

Ang tagal mong nawala tapos ganun-ganun lang?

Hindi ako lumabas ng bahay pagsapit ng gabing iyon.

Pero kilala kita. Ikaw ang pinakapursigidong babae na nakilala ko. Alam kong maghahanap ka ng paraan para lang makuha ang mga bagay na gusto mo.

At iyon nga, nagpunta ka sa bahay namin.

Narinig kita sa sala na kausap si mama. Nagtatawanan pa kayo at nagbabatian.

"Rachelle!! Lumabas ka nga dyan sa kwarto mo at kausapin mo si Melissa! Bumisita yung dating kalaro mo, oh, may pasalubong pa sya!" Naiirita ako kay mama nun dahil katok siya ng katok sa kwarto ko.

Apoy (One Shot)Where stories live. Discover now