Prologue

224 27 5
                                    

"After the rain, sun will reappear, there is life after the pain, and joy will be there"

"Life is not about, waiting for the storm to pass, but learning to dance in the rain'

"If you don't live in the rain, you don't deserve the sun"

Ibinaba ko na ang binabasa kong libro at tinignan ang kalangitan.

Mukhang uulan nanaman yata kaya't nagmadali akong tumakbo sa pinakamalapit na bus stop, kaya lang sik-sikan na rin pala ang mga tao dun kaya wala akong ibang choice kundi maghanap ng ibang masisilungan.

Ngunit sa kamalas-malasan nga naman ay biglang bumagsak ang ulan at tuluyan na nga akong nabasa.

"Kung minamalas ka nga naman" ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad, hindi inalintala ang malakas na buhos ng ulan.

Siguro kung sa mga libro pa eh merong lalakeng susulpot na may dalang payong at papayungan ka, sa libro lang naman yun eh.

Kabaliktaran ng nasa libro ang nakita ko, ang nangyari saakin.

Habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada ay nahulog ang librong hinahawakan ko, ang pinaka-importante kong libro, ngunit sumabay ito sa malakas na agos ng tubig kaya't kinailangan ko pa itong habulin.

Kapalit pala ng paghabol ko sa aking libro ay ang pagkawala ng aking memorya. Mabilis ang pangyayari na kahit ako ay hindi alam kung anong gagawin.

Biglang may humarurot na kotse sa gitna ng kalsada at sinagasaan ako, biglang umitim ang paligid at unti-unti akong bumagsak sa malamig na kalsada.

Wala akong ibang naramdaman kundi takot at saya. Takot na hindi na ako mabubuhay, takot na hindi ko na makakasama ang mga mahal ko sa buhay, at saya dahil sa wakas ay matatapos na rin ang pamamalagi ko dito sa sakim na mundong ito.

Leave Me, Phoenix (Kaihro Series #1)Where stories live. Discover now