chapter 35

369 22 2
                                    

Lee Ann's pov

    Nandito kami ngayon sa loob ng classroom, walang magawa kasi may meeting ang mga teachers. At kanina pa lang ako nagdududa sa dalawang transferee. Parang iba yung kinikilos nila eh, parang may hinahanap. Aiden at Jana yung pangalan nila.

"Tignan niyo yang dalawang transferee na yan, parang kakaiba yung kinikilos nila" Sabi ni Martin. Napansin din pala niya yun

"Tama ka. Parang may hinahanap, hindi pa sila mapakali sa upuan nila" Sabi ko

"Gusto niyo sundan natin mamaya? " Tanong ni Kimberly

"Hoy wag na, baka sabihin pa nila mga stalker tayo" Sabi ni Joanna

"Tama si Joanna." Pagsangayon ni Xian

"E di wow!!!" Kim

Aiden's pov

    Sino Kaya sa mga esyudyante dito ang nawawalang prinsesa? Kahit kumulo o maging berde tong tubig, wala talaga eh. Nasan ka na ba Prinsesa Lalice? Kailangan ka na nang iyong amang Hari.

Jana's pov

     Prinsipe Ashton, kailan ba kita mahahanap? Kahit kumulo man lang ang tubig, pero wala talaga. Nasan ka na ba prinsipe Ashton? Kailangan ka na nang iyong ama.

Lee Ann's pov

      Nandito kami ngayon sa library ni kimberly. Kami kasing dalawa ang nag volunteer na maghanap ng libro para sa assignment namin.

"May nahanap kana bang libro Lee Ann? " Tanong sakin ni Kim

"Wala pa eh" Sagot ko naman. Hanap lang ako ng hanap hanggang sa may marinig akong naguusap

"Kaya ka ba nandito, dahil hinahanap mo ang prinsipe? "

"Oo.at ikaw, nandito karin ba dahil sa prinsesa? "

"Tama ka. Sinisigurado ko sayo Prinsesa Jana, sa laban ng dalawang maharlika, si prinsesa Lalice ang magwawagi"

"Diyan ka nagkakamali Prinsipe Aiden, dahil si Prinsipe Ashton ang magwawagi at hindi si Prinsesa Lalice"

"Kasinungalingan"

    Hanggang dun lang ang narinig ko dahil hanggang dun lang ang paguusap nila. Pero sino ang naguusap? Sino si Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton? Hindi kaya nagtri-trip lang sila at walang magawa sa buhay?

"Narinig mo ba yun?" Tanong sakin ni Kim

"Oo.mga baliw ba yun? " Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko

"Baka takas hospital Hahahahaha" Sabi ni Kim.


--------------------------------

Kilala niyo na ba kung sino si Prinsipe Ashton at Prinsesa Lalice guys?

FIGHT FOR LOVE (Gabru)Where stories live. Discover now