TGL 1 (bestie ten)

Start from the beginning
                                    

"Tungkol saan naman po?"

"Tungkol sa kung papaano kami nagkakilala ng asawa ko" Tumango na lamang ang binata at nakinig sa kuwento

"Naalala ko pa noon sobrang crush na crush ko ang asawa ko noong high school pa lang kami. Kilala siya sa buong school namin dahil siya ang laging pinapanlaban ng eskuwelahan sa mga quiz bee pagdating sa math. Sobrang talino niya sa math at daig niya pa ang calculator, kung alam mo lang eh human calculator talaga 'yon. Idagdag mo pa ang kagwapuhan niya. Hindi niya ako pinapansin noon dahil di hamak na isa lamang ako sa mga babaeng nahuhumaling sakanya."

"Paano po siya nainlove sayo?"

"May matandang babae na nagbigay sakin ng isang listahan."

Agad na napabalikwas si taeyong at tila nabuhayan ng bonggang bongga sa narinig niya

"L-listahan po?" tanong ni taeyong habang nanlaki ang kanyang mata

"Oo, yung Golden List. Sobrang lugmok ako ng mga araw na yon dahil broken hearted ako sakanya, sobrang gustong gusto ko talaga siya ng mga panahong iyon kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko para lang mapasaakin siya. Ang desperada pakinggan 'no? Sinulat ko agad ang pangalan niya sa listahan na iyon at makalipas ang ilang linggo... nagkagusto na rin siya saakin."

"Talaga po? Totoo po ang listahan na 'yon?"

"Oo naman. Kaso—"

"Ms. Lerma??? Taeyong????"

"Goodafternoon po Ms. Lerma, susunduin ko na po si Taeyong." sambit ni ten na kakapasok lang ng detention room

"Uy ten haha osha sige, mag-ingat kayo ha. Taeyong, makinig ka na kasi sa klase niyo nauumay na ko sa pagmumukha mo dito sa detention room"

"MS. LERMA NAMAN!"

"Joke lang"

"Hi bestie! Kamusta sa detention room?" tanong ni ten habang papasok sila sa cafeteria

"Masaya, gusto mo masubukan?" 

"Ayoko nga!"

"Ay wala, mahina ka pala eh." pang aasar ni taeyong

"Pst bakla! Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na Golden List?" tanong ni taeyong habang kumakain

"Oo, bakit?"

"Kasi kinuwentuhan ako ni Ms. Lerma kanina kung paano sila nagkakilala ng asawa niya. Dahil din daw dun sa Golden List."

"HUH?! MERON DIN GANON SI MISS?!" sigaw ni ten na nakakuha ng atensyon ng mga tao sa loob ng cafeteria nila. Nagsorry nalang ito sabay nakinig kay taeyong

"Oo. Sinulat niya lang daw yung pangalan ng asawa niya don tapos BOOM! Nagkatuluyan na sila."

"Kasooooo"

"Kaso ano?" 

"Kaso bastos ka dumating ka bigla kaya di na natapos ni Ms. Lerma yung kwento niya." ani ni taeyong sabay tinarayan ang bespren

"Ay hehe sorry naman"

"Taeyong, subukan mo kaya yang listahan mo. Baka sakaling gumana ang magic, kasi pag walang magic walang magkakagusto sayo. Kawawa ka naman." pang-aasar ni ten sabay binigyan siya ni taeyong ng 'putangina-ka-ba' look.

Hmmm... wala namang masama kung ittry diba?  isip ni taeyong

"Sige ittry ko pero bestiieee, tulungan mo ko ha."

"Tsss oo na alam ko naman na desperada ka na magka lovelife."

"Wow hiyang hiya ako sayo" 

Nilabas agad ni taeyong ang golden list at inamoy muna ito.

Ang bangoooooooo~

Alam niyo yung amoy ng bagong libro? Ganon yung amoy niya.

"Bestie... tingin mo ba... isusulat ko na pangalan dito ni Yuta?" tanong ni taeyong 

"Try mo, wala naman sigurong mawawala. Except pag nagkatuluyan kayo baka mawala bigla ang birhen" sambit ni ten sabay tawa, hinampas ni taeyong ang balikat ng kanyang bespren habang pinagpatuloy ang pag-kain.

"WAAAAAHHHHH!!!"
"AYAN NA SILA!!!!!"
"ANG GWAPO TALAGA NILA!!!"
"AYAN NA ANG NTC!!!"

"Beshie taeyong yung ntc daw!" 

"Ang gwapo talaga ni yuta" 

"Luh harot" 

Nagtawanan nalang ang dalawang mag bespren at tinuloy ang kanilang lunch session. 

Habang kumakain ang dalawa ay napatingin si ten sa likod ng bespren nya at halatang gulat kung sino ang nakita niya

"Excuse me? Pwede ba kaming maki-upo?" gulat na napalingon si taeyong dahil sa pamilyar na boses na iyon. Tumingon siya sa kanyang likod at hindi nga siya nagkakamali, ang napakagwapong crush niya na si Nakamoto Yuta ang nagsalita kasama ang tropa niyang sina Jaehyun at Johnny

"Sure why not coconut, j-jaehyun dito ka nalang t-tabi sakin tapos yuta dyan ka sa tabi ni taeyong tapos johnny... uhmm.. sa ibang table ka nalang hehe" sabay sabay na sambit ni Ten

"H-ha? H-hindi johnny okay lang tabi ka nalang din dito sakin" sambit ni taeyong 

Umupo na lamang ang tatlong binata habang nagkukwentuhan silang lima. 

Pulang pula naman ang dalawang pokpok


oooooppsssss bibitinin ko muna kayo hehehe ano kaya ang sunod na mangyayari? abangaaaaaannnnn~

-admin a

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Golden List | jaeyong [REVISED]Where stories live. Discover now