Pangako

21 2 0
                                    

Nangako ka na walang hanggan
Ngunit wala naman itong pinatunguhan
Nangako ka na ako lang
Pero bakit sa iba ay mayroon kang nararamdaman?

Marami kang pangakong binitiwan
Na hindi mo naman napanindigan
At sa huli, ay nagdulot lamang sa akin ng sakit
Na sa tuwing ako sa iyo'y lalapit

Ay tila unti-unting dinudurog ang puso ko
Pero hindi ko magawang mapigilan ang sarili ko
Dinadala pa rin ako ng mga paa ko sa iyo
Umaasa pa rin ako na tutuparin mo ang iyong mga pangako

Pero ayoko ng umasa... ayoko ng masaktan pa
Gusto ko ng kumawala... gusto ko ng makalaya
Kaya naman sa pagkakataong ito
Ako naman ang mangangako sa iyo

Pangako ko sa'yo na hindi mo na ako makikitang lumuha
Pero hindi ko maipapangako na hindi ko iiyakan ang ating mga alaala
Pangako ko sa'yo na hindi na kita pipilitin
Pero hindi ko maipapangako na hindi na kita iibigin

Pangako ko sa'yo na hindi na tayo magkakaroon pa ng usapan
Pero hindi ko maipapangako na ikaw ay akin ng makakalimutan
Pangako ko sa'yo na susubukan kong pigilan ang aking nararamdaman
Pero hindi ko maipapangako na ito ay mawawala na lang

Pangako ko sa'yo na gagawin ko ang aking makakaya
Para makahanap na ng iba
Pero hindi ko maipapangako na sa iyo'y hindi ko na
Sasabihin ang mga katagang mahal kita

Inukit mo ang dalawang salitang iyan dito sa puso ko
Kasama ng iyong mga iniwan na pangako
At kung tatanungin mo kung sino ang isinisigaw ng aking puso
Pangalan mo pa rin ang isinisigaw nito

Kahit gustong - gusto na kitang makalimutan
Ayaw naman akong sundin nitong aking katawan at isipan
Gustong -gusto ko pa rin na ikaw ay makapiling
At hinihiling ko na sana ako ay mahal mo pa rin

Kaya mahal, para sa ikabubuti nating dalawa
Dapat ko nang tanggapin na tayo ay wala na talaga
Ngunit tila hindi na mawawala itong aking nadadama
Hindi ko kayang bitiwan ang ating mga alaala

Ikaw lang ang mamahalin ko
Ikaw lang at iyan ay aking ipinapangako sa'yo
At tutupad ako
Tutupad ako sa aking mga pangako

Fragments Of Broken MemoriesWhere stories live. Discover now