Nilabas ko na yung libro ko at nagbasa basa sa mga tinatalakay namen.

Dumating na ang teacher namen.

*Greet*

Nag start na mag discuss ang ma'am namen.

Di ako makapag focus, hindi ko alam kung baket. Parang may bumabagabag sakin na hindi ko maintidihan.

Para bang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.
Sana naman wag itong mangyari.

*time skip*
(Nakakatamad)

*recess time*

Yea nasa rooftop ako ulit ngayon. Ayokong pumunta sa cafeteria. Mas gusto ko pa dito nalang magstay.

Di ako nagugutom.

Pero hindi ko pa na try bumaba dun para kumain.

Ano kaya kung mag try ako?

Napag isipan kong bumaba para bumili ng kahit ako. Walang di ko pa kasi naranasan pumunta dun sa time ng recess.

So yun bumaba ako para bumili kung ano magugustuhan ko.

Pagbaba ko, nagtingin sakin ang ibang mga tao.

Not again. Ano bang trip ng mga tao yan ang hilig tumingin.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko. Di kona pinansin sila basta nagpatuloy lang ako.

May napansin akong bilihan ng noodles dun kaya di nako nagpaligoy ligoy pa na pumunta dun at bumili.

"Isang regular noodles po"  sabi ko sa nagtitinda.

"Ok po hintayin niyo nalang po ang order niyo, hindi namn po ito katagalan."  Sabi sakin ng babae.

Naghintay ako... mga ilang minuto lang ang tagal na kuha ko na ang order ko.

" Eto na po sir" sabi sakin ng nagtitinda.

"Thank you" sabi ko sabay nginitian ko siya.

Naghanap ako ng pwesto. Maraming tao ang nandito so mahirap maghanap ng pwesto.

Pero nag hanap parin ako. Sa di kalayuan sa wakas naka hanap ako ng pwesto....... malaking pwesto.

Kasya dito ang limang tao. So naupo nako at dito na kumaen.

Habang kumakain ako napansin ko nakatingin silang lahat saken.

The Fuck?! Ano bang problema ng mga to? Parang ngayon lang nakakita ng tao? Gago ah.

Naiinis talaga nako sa kanila kaya nawalan nako ng gana sa kinakain ko.

So tumayo nako para umalis dun pero may umakbay sakin na lalaki na hindi ko kilala.

Actually lima silang lahat.

Tumahik ang buong lugar nayun ng bigla.

Anong meron?

"Pre parang ang sarap ng kaen mo ah"

Sabi nang lalaking umakbay sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ko siya kilala so tinunguhan ko nalang siya.

Inalis niya na ang pagkaakbay niya saken at nagsimula silang kumain ng dala nila.

So ako naman nawalan na ng gana so tumayo nako sa upuan ko para umalis.

Pero hinila ako pababa ng lalaking umakbay sakin.

"Dito ka muna pre sumabay sa amin"  sabi niya sakin

Untitled || P. jmWhere stories live. Discover now