Chapter 3 (Going Home)

Start from the beginning
                                    

Nakita niya na may cafeteria na pala ang Agila. Pumasok siya roon at nadatnan niya ang mga dating kasamahan na kumakain sa mahabang mesa. Napansin niya rin na may limang bagong mukha sa Agila.

"Hi everyone" bati niya sa mga ito.

"Ms. Venus?" ani Dante na gulat na gulat.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo Silvestre?"

"Venus, naku ha welcome back. Kailan ka dumating?" ani Castillo.

"Kahapon lang. Kumusta dito? Marami na yatang nagbago rito ah."

"Yeah, marami na nga. Nadagdagan na rin ang mga bagong detective dito sa Agila. Ito nga pala sina Ryan, Tom, Kit, Bea and Susie they are new addition to the team."

Isa isang nagpakilala ang mga bagong detective.

"Nice meeting you all. Ako si Venus Athena Herrera dating detective ako rito sa Agila."

"At isa sa mga pinakamagaling na detective sa amin" saad ni Denisse.

"Teka mas lalo ka yatang gumanda Venus pumuti at kuminis ka din. Ay blooming ka girl may asawa ka na ba?" saad ni Katherine.

"Hahaha naku wala pa noh. I'm busy in Greece."

"Eh kaninong anak 'yang nasa trolley?"

"Ah siya si Pivens anak ng kaibigan kong si Pitt."

"Kaibigan mo lang ba talaga?"

"What do you mean by that?"

"Malay mo pwede pala maging kayo."

"Malabong mangyari iyon."

"Ms.Venus, malaki na talaga ang ipinagbago mo hindi na kayo naninigaw" ani Dante na tumatawa.

"Pero alam mo nanakit parin ako Dante gusto mo simulan ko sayo?" pagtataray niya rito.

"Nagbibiro lang ako Ms.Venus."

"Babalik ka na ba dito sa Agila?" tanong ni Castillo.

"Hindi ko pa alam Castillo masyado ng marami ang nagbago sa akin. Pero sa ngayon hindi na muna ako babalik kailangan ko din kasi tulungan si Pitt sa pag-aalaga kay Pivens."

"Kung ako ba naman magkaroon ng ganyan kacute na anak eh hahayaan ko sa yaya, no way!" biro ni Denisse.

"Hindi ko nga anak si Pivens. By the way, Dante kumusta sila Jelay at Anna?"

"Ayun ayos naman sila. May trabaho na sila pareho dito sa Maynila. At dito na rin sila nakatira."

"Saan sila dito sa Maynila?"

"Sa may Makati."

"Okay, I'll just text you what I need to know. Hindi na rin ako magtatagal guys I need to go."

Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na si Venus sa Makati kung saan nakatira sina Jelay at Anna. Halatang nagulat ang dalawang babae ng makita siya ng mga ito.

"Venus? My gosh! Ikaw nga!" tili ni Jelay.

"Halika pumasok ka" ani Anna.

"Akala ko nakalimutan mo na kami hindi ka na namin macontact buhat ng lumipad ka papuntang Greece" hindi mapigilan ni Jelay na hindi maging emotional.

"Sorry, I deactivated my social media accounts. Naging busy rin ako sa naging bagong trabaho ko doon."

"Ano naman ang naging trabaho mo doon?"

"I was a direct seller."

"What? Hindi ka na naging detective?"

"Gusto ko naman ng bagong trabaho, new learnings kumbaga."

"Anak mo ba ito? Pakarga muna kay baby ah ang cute kasi. Ano ang pangalan niya?" ani Anna.

"Pivens, hindi ko siya anak. Anak siya ng kaibigan kong si Pitt."

"Boyfriend mo?"

"Naku hindi ah malabo mangyari iyon. Pitt is a gay guys."

"Ano? Eh bakit may anak? Sabagay marami naman mga bakla ngayon ang may anak."

"Hmm..naku diring diri nga ang lalakeng iyon ng malaman na may nakasiping siya na babae. It was an accident he was drunk that time kaya may nangyari sa kanila ng babae."

"Ay kaya naman pala. Eh saan na ang ama niyan?"

"Ayun naghahanap ng trabaho para buhayin si Pivens."

"At ikaw ang nagbabantay sa anak niya?" tanong ni Jelay.

"Oo online seller ako ng mga beauty products kaya hindi na rin masyado mabigat ang trabaho ko. At isa pa nagpromise ako sa kanya na tutulungan ko siya sa pag-aalaga kay Pivens. Naging mabuting kaibigan naman sa akin si Pitt noong nasa Greece ako. Marami rin siyang naitulong sa akin."

"Bumait ka yata. Saan na ang malditang si Venus?"

"Well, marami ang nagbago at least I change into a better person that I am right now."

"Chars! Pangmiss universe ah" tawa nito.

"Tigilan mo nga ako Jelay. Nga pala may mga dala akong pasalubong sa inyo."

"Nag-abala ka pa sana hindi na."

"Kung ayaw niyo eh iuuwi ko na lang ang mga ito sa bahay."

"Hindi naman mabiro ang babaeng ito syempre gusto."

"Mamay, gutom" ang sabi ni Pivens.

"Pakibigyan mo nga ng gatas Anna nandyan lang sa trolley."

Natutuwa si Venus na makita ulit ang mga kaibigan. Sino ang makakapagsabi na magkikita pa silang tatlo.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now