CHAPTER 12(Edited)

Start from the beginning
                                    

"Di kami matatalo dyan.Wala pa atang nakakatalo sa team ng Red Lions."Sabi naman ni Alexander.

"Ipakita natin bangis ng Red Lions."Dagdag naman ni Daniel.Napangiti naman ako sa lakas ng loob nila.

CASH POV

"Nandyan na ang date at lugar kung saan gaganapin ang practice game niyo against St. Paul players.Kailangan niyong maghanda,kahit practice lang iyon."Paliwanag ni Cassy at binigay kay Lukas ang mga list ng other team.

Siyempre di mawawala ang reaction ng mga yan.

"Sus! Wala yan,talo yang mga yan sa Red Lions!"Yabang ni Ivan.

"Tss,easy lang yan sa amin."Isa pa si Adrian habang pinapagpag pa ang parte ng balikat niya.

"Di kami matatalo dyan.Wala pa atang nakakatalo sa team ng Red Lions."Sabi naman ni Alexander.Isa pang mayabang.

"Ipakita natin bangis ng Red Lions."Dagdag naman ni Daniel.Napangiti naman si Cassy.

Sabagay,pwede naman talagang magyabang kasi wala pa naman talagang nakakatalo sa amin kaya mayayabang talaga ang mga yan.

Napalingon naman si Cassy sa akin.Sh*t,bigla na lang akong kinakabahan kapag nagtatama ang paningin namin.Lalo na kapag nakangiti siya ewan ko ba kung bakit.Biglang rin siyang naiilang kapag napapatingin sa akin.Ang weird ko bang tignan?

END OF CASH POV

Napalingon ako kay Cash na tahimik lang sa likod kaya pati siya ay napalingon din sa akin kaya bigla kong naalala yung nangyari sa hagdan nailang tuloy ako.Wala pa si Abigail na mabait at si Edward naman na patuloy ang pagkutkot ng phone niya sa likuran nila Jake at Josh.

"Yun lang naman,thank you."Sabi ko pagkatapos kong sabihin yon ay nagpaalam na ako sa kanila na pupunta na ako sa klase ko kaya umalis na muna ako.

One hour later....

Naglalakad na ako at dahil pupunta na ako sa canteen walang nambubully ngayon.Haysst,mabuti naman kung ganon.Katatapos lang rin ng klase ko kaya nagugutom na ako.

"Cassy."May tumawag mula sa likuran ko.Pagkalingon ko ay nakita ko si Nicole.

"N-Nicole,anong ginagawa mo dito?"Tanong ko kasi lagi siyang kasama nila Stephanie.Lumapit naman siya sa akin.

"C-Cassy,I'm so sorry!"Sabi niya at napahawak pa sa kamay ko.

"H-ha? Para saan naman?"I asked.Wala naman siyang ginawang mali sa akin.

"Sorry kasi mas pinili kong sumama kila Stephanie kahit alam kong mali yung ginawa nila sa'yo.Natatakot lang talaga ako sa pwede nilang gawin pa kaya sumama ako sa kanila.Umalis na ako sa Six Queens kaya hindi na ako parte nila.Pumalit na rin kasi sa akin yung girl na si Aubrey."Pinaliwanag niya sa akin na halos maluluha na.

"Ano ka ba,hindi naman ako galit sa'yo.Nicole,alam mo wag na lang natin pag-usapan yan.Gutom na ako kaya kumain na lang tayo."Nakangiting sabi ko sabay hila sa kanya.

"Ano ba yan,nakakaiyak ka! Thank you,Cassy." Dagdag niya at ngumiti kaming dalawa sa isa't isa.

Nasa canteen na kami.Natapos na rin kaming mag order ng pagkain.Kumakain na kami ni Nicole habang yung six royals pinagkakaguluhan na naman ng mga girl students.

"Uyy! Cassy!"Sigaw nung babae sa likod na naagaw ang atensyon din ng iba napatingin naman kami ni Nicole nakita ko si Abby.

"Nandito ka lang pala,Cassy-- teka,N-Nicole?" Nagtaka si Abby nang makita niya si Nicole.Kasabay nito ang paglawak ng ngiti niya.

"Nicole! Kamusta ka na?! Namiss kita ng sobra sobra!"Sigaw pa ni Abby at nagyakap sila ni Nicole.

"OMG,Abby! Namiss rin kita!"Sabi naman ni Nicole at nagbitaw na sila ng yakap.

"Uh,magkakilala kayo?"Takang tanong ko.Tumango naman si Abby.

"Oo,hindi ko alam na magkakilala rin pala kayo." Tugon ni Nicole.

"Paano ba yan? Magkakakilala na pala tayo.So,best friends na tayong tatlo.Yiee!"Sabi ni Abby.May friends na rin ako,finally.

"Halika Abby,maupo ka dito.Sabay na tayong kumain tatlo."Aya ko sa kanya.

"Oo nga."Sang ayon naman ni Nicole.

"Talaga?! Halah naman! Na-touch ako sa inyo! Thank you!"Sabi niya sabay halik sa hangin.Nabaling naman ang paningin ko kila Stephanie na nakatingin sa direksyon namin napansin din nila Abby yon.

"Wag mong pansinin yang mga yan,Cassy.Mga malalandi lang talaga yang mga babaeng yan.One of the b*tches in this University.Isa rin sa mga inggitera na grupo ng kababaihan.Hayy,whatever.Kumain na lang tayo."Sabi ni Abby at kumain na kaming tatlo ng masaya.

She's right,hayaan ko na lang sila basta kami masaya habang kumakain kami.Napansin namin na papalapit ang six royals dito sa direksyon namin.Bakit sila lalapit dito?

"Anong meron mga girls? Can we join you here?"Tanong ni Ivan.

"Eh,kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Kunyaring sungit ni Abby.

"Abby,that's too mean."Nakapout pang tugon ni Ivan.

"Hehe,joke lang.Sige,upo lang kayo.Wag na kayong magreklamo kung masikip dito.Nakikiupo na nga lang kayo,magrereklamo pa kayo."Dagdag pa ni Abby.

"Hey there,Cassy.Thank you Abby."Dagdag naman ni Lukas.

Napansin naman ng mga nasa canteen ang pagpunta ng six royals dito sa table namin at nagsimula ng magbulungan ang mga nasa loob ng canteen.Habang si Edward ay nasa table nila Stephanie.

Sitting arrangement: TABLE 1

            Me ,Cash ,Lukas
              ——————————
          ¦                       ¦
Adrian¦                       ¦Alexander
              —————————---
           Nicole, Abby ,Ivan

TABLE 2

               Josh and  Jake
               ——————————
            ¦                     ¦
           ¦                     ¦
             ——————————
            Daniel and James

TABLE 3

            Coreen,Diana,Audrey
                —————————
          ¦                        ¦
         ¦                        ¦
                —————————
        Stephanie and Edward

Yan ang table at sitting arrangement namin.Katabi ko pa siya.Nagkwento si Abby at nagtatawanan sila.Habang ang iba naman ay pinapansin kami.Ngayon ko lang napansin na maingay pala si Abby at Nicole.Nakakatuwa sila pati na sila Ivan.Ang hindi lang ata nagsasalita sa amin ay Ako,si Cash at Lukas tapos sila nagkwekwento habang ang ambag lang namin ay nakikitawa lang.

"Kayong tatlo dyan,ano na? Kanina pa kami nagsasalita at kwento ng kwento dito ah.Anong sa inyo dyan?"Sabi ni Abby.

"Wala naman akong dapat ikwento sa inyo."Sabi ni Lukas sa kanya.Ngumiwi naman si Abby.

"What about you,Cassy? Cash?"Tanong naman ni Ivan.

"Wala akong maisip."Sabay pa naming sabi ni Cash.Nagkatinginan pa muna kami saglit at medyo natawa.

Nagtawanan na naman sila nila Adrian habang ang mga iba sa Canteen ay nakikinig na lang din sa kanila.

To be Continue...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now