Just Love Part 4

4 1 0
                                    

Nagbeep yung phone ko. with unknown number... pero alam ko kung sino yung nagtext. dahil kabisado ko kaya ang number nya. alam kong... si Ian.

"Happy birthday Pau. ingat palage."

ilang beses ko binasa kahit napakatipid lang ng sinabi nya.

"Thank you. Kumusta kana?" delete

"Thank you bhe. miss na kita :(" delete delete

"Thanks." matapos ng maraming attempt kung ano ba ang irereply ko, yan lang ang nasabi ko. Hays. ayoko na umasa. Wala na nga Pauline. May Anna na sya!!!

Anna? teka? sino ba sya? hanapin ko kaya sa fb? kaso di ko alam pangalan nya, last name nya... bahala na nga.

Agad ko inopen ang account ko. Stalk stalk, hanggang sa nakita ko sya. well, sa fb ni Ian syempre. Nakita ko na sa basketball pala sila nagkakilala. Sya ang kasama ni Ian nung naglaro sya last summer sa liga. Yun yung time na nagkakalabuan na kame. Kase, nakipagkita ako sa bestfriend ko, well ex ko din pero we're still remained friends. That time he just need me to comfort him, nag-away kasi sila ni Melissa, yung gf nya. Well now they were fine. Pero kami naman ni Ian ang hindi naging okay.

Hays. Ang sakit. Naalala ko nanaman lahat. That Yana. Dahil sakanya kaya nawala si Ian sakin. Wait. No. Kasalanan ko naman eh. Hindi ako naging faithful kay Ian. Tapos kinuntsaba ko pa si Jay, yung isa kong tropa na pagselosin si Ian at mag-in a relationship kami sa facebook. Kasalanan ko to lahat. Kasalanan mo to lahat Pauline.

Sh*t dapat ba hinabaan ko text ko sakanya? Idouble send ko kaya? Baka hindi nya nareceive? Hays. Dapat di nako umasang magrereply pa sya sakin.

-----------------------------------------------------------

Thanks lang talaga reply nya saken? Hays. Ano ba? On the first place dapat nga hindi ko na sya tinetext eh. Para parehas na kameng matahimik. At para makamove on na din ako sakanya. Mamaya magkikita kami ni Anna baka mabasa nya pa to. This time I'll make sure magiging okay kami ni Yana. Higit naman mas matino sya kaysa kay Pau. Hindi man ganun kaganda si Anna like Pau pero mas mabait saka napapasunod ko sya. Unlike Pau, napakatigas ng ulo. Gagawin lahat ng gusto. One time tinuruan ko sya mag-motor, kase gusto nya daw. For Pete's sake grabe muntik na kaming mabangga sa truck na kasalubong namin kase binilisan nya pagdadrive at tawa lang sya ng tawa. Oo, nag-enjoy din naman ako nun kase bukod sa kasama ko sya eh ibang experience din yung ganun haha!

Teka. Ano ba tong iniisip ko. Sya parin. Hays.

"See u later baby. Love you." si Anna. sobrang sweet sakin. Bago palang kami pero pinaparamdam nya talaga kung gaano ako kahalaga sakanya.

Unlike Pau, nung naging kame busy sya sa acads tapos sa extra curricular activities nya sa school. Sobrang kilala nga sya sa campus kasi every may event kasali sya. Tapos ang ganda nya pa. Yung time nya lang para sakin nun after pa ng rehearsals at practice nya. Minsan wala pa. Member sya ng English Club and Science Club, tapos Student Council din sya at CAT Officer. Kaya sobrang busy nya. at proud naman ako sakanya. Nakikita kong sobrang nageenjoy sya sa ginagawa nya.

At ngayong nasa college na kami, ganun parin sya. Sobrang active parin nya. Hindi na ko nagtaka kung bakit ang daming umaaligid at nagkakagusto sakanya. Siguro lalo na ngayong college kami. Well, wala na kong pake. Buhay nya na yun. Ayoko na. Makakalimutan ko din sya.

"See u later din baby. Wait moko ha." reply ko kay Anna.

-----------------------------------------------------------

"Ate Pau." si AJ kumakatok sa kwarto.

"Ano?"

"Ate!!!!!"

"Bakit nga?" Hays. Ayaw nalang sabihin kung anong kailangan eh.

Pagbukas ko ng pinto.

"HAPPY BIRTHDAY ATEEEE!"

Si Mama, AJ, Glen at Carl, with banner at cake pa talaga. Nakakasurprise ah.

"Wow. Thank you! Grabe effort ah!"

"Blow mo na candle ate, make a wish." si AJ

Pumikit ako at nagwish... "Lord, kung hindi man si Ian. Sana ibigay nyo yung nararapat para sakin."

"Yehey! Tara kain na tayo!" si Glen

Pagpunta sa lamesa, may spaghettie pa pala ko.

"Grabe may handa ako?"

"Sa sobrang tamad mo at pagkukulong sa kwarto di mo na namalayan na nakapaghanda kami para sayo."

Nagsalo-salo kami sa munting inihanda sakin ni Mama at yun. Ganun ko ipinagdiwang ang aking sweet 16.

-----------------------------------------------------------
Tumigil na ang bagyo. Senyales na tapos na rin ang birthday ko. Umaga na ulit at papasok na ulit ako.

Pagpasok ko sa room. Kinausap ako ni Miss Lyn, Prof namin sa English.

"Pauline, you know I saw your potenti al and is it okay for you to be part of the English Club. Well, as my President?"

"Po? Ang bilis naman Miss."

"Well, ikaw lang ang nakikitaan ko sa buong department that can handle the position, and besides, don't worry I am here to guide you parin naman. If you can't decide yet, pag-isipan mo muna. Plus, I assured you that you can get an exception on my subjects since for you're having some responsibilities."

Grabe naman to si Ms.Lyn, wala pang isang buwan ang 1st sem ko at binibigyan na ko agad ng responsibilidad. I lnow naman na kaya ko kasi I've been a member of some Clubs when I was in HS. Pero as a president talaga?

"Okay miss. I'll think about it. Thank you po for the opportunity."

"I hope I could hear your decision by next week so we can start discussing the events coming on July, since it's English month yun dito sa school."

"Ahm. Okay po Miss."

"Thanks Pauline."

And then I saw my classmates staring at me at hindi ako kumportable dun. It's like I did something wrong...

Class started...

"Oh! And Mr. Castillo you're late again!"

"Good morning Miss Lyn."

OMG! Si... Cute!

"Consistent tayo sa late ha. Isang late pa sa klase ko at i-drop mo na ang subject na to."

"Sorry Miss. Hindi na mauulit."

I got the chance to stare at him in couple of minutes... Ang tangkad nya din. Ang cute... Hayy. My heart started beating fast when I saw him looking also in my direction. Hell no! He is really looking at me! Omg Pau umiwas ka ng tingen nakakahiya. And then he gave me a smile before ako umalis ng tingin.

Castillo pala apelyido nya.

"Nako palagi nalang talaga syang late." si Anne.

"Kaya nga. Baka puyat nanaman haha!" si Ces.

"Kilala nyo siya?" di na ko nakapagpigil magtanong.

"Oo. Nakakasama namin sya sa bar." si Ces.

"Sa bar?"

"Yes. Sya si Jan Michael Castillo pero Jam pakilala nya samin. Pero aminin he's really cute at sobrang hot guys! You know ang saya niya kasama ha." si Ces

"Nako, hindi naman natin mayayaya yan si Pauline, masyado studious." si Angel

"Take your seat and let's continue the discussion." Pagtutuloy ni Miss Lyn at nanahimik na ko.

Jam Castillo. So that's his name pala. Si Cute!

-----------------------------------------------------------

I'm still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon