Chapter 19

4.1K 142 12
                                    

Jonathan's POV

After so many years, ngayon lang ulit kami nagkita. I miss my childhood best friend so much. Hindi ko talaga inaasahan na dito kami magkikita. At, mas lalo siyang gumanda.

"Ehem." Napatingin ako sa nagfake cough at nakita ko si An-An. Jelly jelly yung mahal ko. Agad ko naman siyang nilapitan.

"An-An, I want you to meet Claire, my childhood best friend." Sabi ko. "Claire, this is Andrea, my girlfriend."

"Girlfriend?" Tanong naman ni Claire. "Ah! Babaeng kaibigan." Agad nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Andrea.

"No. GF, nobya, shota, jowa, kasinatahan, kairog ko talaga siya." Sabi ko at niyakap si Andrea.

"Kailan ka pa naging lalaki, Tany?" Tanong ni Claire. Tany ang tawag niya sa akin mula pa noong bata pa kami.

"Hindi pa ako lalaki." Sabi ko at ngumiti. Napansin kong nginitian ni Claire si Andrea. Sa tingin ko, magkakasundo sila.

"Tany, sabay na kayo sa akin magdinner." Sabi niya at tumango ako. Pumunta kami sa isang Chinese Restaurant. Naghanap kami ng bakanteng table,pagkatapos ay umorder.

Nang dumating na yung order namin, nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan.

"Naalala mo ba noong bata pa tayo, inaasar tayo ng parents ko kasi akala nila nanliligaw ka sa akin." Sabi niya kaya sabay kaming tumawa. Napansin ko, kanina pa hindi umiimik si An-An ko.

"At noong grade school pa lang tayo, ikinasal tayo ng mga walang hiya nating classmates." Sabi niya at tumawa.

"Naalala mo ba kung ano ang sagot ko n'on?" Tanong ko kaya napatigil siya sa pagtawa. "Ang sagot ko, I don't. Ayaw ko kasing makasal sa chaka."

"Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo." Sabi niya saka hinampas ang balikat ko. Sabay kaming tumawa.

"So, kumusta ka na?" Tanong ko nagsmile lang siya.

"Heto, baliw pa rin sayo." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Huh?" Tanong ko kaya umiling lang siya.

"Wala, ang sabi ko, okay lang ako." Sabi naman niya.

"Kumusta na ang career mo sa UK?" Tanong ko ulit ngumisi lang siya.

"You interested?" Tanong niya at nagflash ng killer smile.

"Nagtatanong lang, siyempre, ilang years din tayong hindi nagkita." Sabi ko.

"It's great. I'm the most well known singer there. Marami din akong magazines." Sabi niya. Tumingin siya kay An-An.

"How about you? May ibubuga ka ba?" Tanong niya kaya napanganga ako sa kaniya. Parang nagmamayabang siya. This is not the Claire that I used to know. Hindi umimik si An-An, nanatili siyang tahimik.

"Hay naku Tany, pumili ka nga ng jowa na kagaya ko. Sikat at maganda at mayaman at-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita na si An-An.

"I'm the CEO of Guirero Fashions and Products Company. At a young age, I've accomplished many achievements. And I know that our company is well-known all over the world. Countries in Europe, particularly, UK, are the top costumers and endorsers of our products."

Napanganga naman si Claire kay An-An ko. Sige best friend, laitin mo pa ang mahal ko.

"You mean, GFPC?" Tanong niya kay An-An.

"What else?" Cold at sarcastic na tugon ni An-An. Binabawi ko na, hindi sila magkakasundo.

"Change topic nga! So paano kayo nagkakilala?" Tanong ulit ni Claire.

"Arranged marriage. That's how I met her." Sabi ko at ngumiti. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"So you mean, you're forced to love each other?" Tanong niya kaya umiling ako.

"No, we didn't force ourselves to love each other. Our hearts told us that we love each other." Sabi naman ni An-An.

"Really? Or you're just pretending that you love each other?" Tanong niya. Sasagot pa sana si An-An pero tumayo na si Claire at nagpaalam.

"Sorry guys, I have to go. We'll hang out next time." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Nagsmile ako sa kaniya at nagbeso na rin.

Naglakad kami pabalik sa hotel. Malapit lang naman ang hotel. Hindi pa rin nagsasalita si An-An. Malamig na din ang paligid.

Nang makarating kami sa hotel, sumakay kami agad sa elevator at pumunta sa room namin.

Pagdating doon, agad kong pinulupot ang kamay ko sa bewang niya at niyakap siya patalikod.

"May problema ba?" Bulong ko sa tenga niya. Hindi siya nagsalita at umiwas. Pumasok siya sa kwarto namin at humiga. Sinundan ko naman siya agad.

"An-An naman. Ano ba yang problems mo? Don't avoid me." Sabi ko. Agad along pumatong sa kaniya at hinalikan ang leeg niya.

"Jona, Jona, nakikiliti ako. Ano ba!" Sigaw niya sa akin.

"Ano ba kasi ang problema mo An-An ko?" Sabi ko nagpout.

"Doon ka na sa Claire mo." Sabi niya at umiwas ng tingin. Nagseselos ang An-An ko. Jelly much!

Humiga ako katabi niya at niyakap siya.

"Don't worry An-An ko, bebe ko. I'm yours and yours alone." Sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.

Marrying Mr. GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon