004

624 34 23
                                    

Multimedia: Park Jeongwoo

. . . . .

004

Same

Nang marinig ko kaagad ang sinend ni Junghwan na voice record ay kaagad akong bumaba sa aking kama at dali-daling sinuot ang aking slippers. Hindi na ako nag-abalang palitan ang suot ko. Nasa bahay lang rin naman ako at si Bub at si Kuya lang naman ata ang nandoon sa baba. Suot ko lamang ay simpleng pink cotton shirt at isang shorts. Tsaka hindi ako pwedeng magtagal dahil baka maubos na ni Hyunsuk Oppa 'yung ice cream na dala ni Bub.

I swear, yari sila sa akin kapag naubos nila 'yung ice cream ko!

Nagsuklay muna ako ng buhok at matapos no'n ay mabilis na akong bumaba. Mabibilis ang aking mga hakbang pababa. Habang pababa ako ay naririnig ko na kaagad ang ingay na nanggaling sa baba. Naririnig ko rin 'yung boses ni Jihoon Oppa.

Well, what do you expect from Jihoon Oppa? Na maging tahimik? Tss.

Nang makababa na ako ay tama nga ang hula ko na andito ang lahat ng kaibigan ni Hyunsuk Oppa. Lahat sila ay kanya-kanyang higa sa sofa at kay mga hawak na chips at mga pagkain. Nang makita nila ako ay kaagad sila ngumiti sa akin at bumati.

"Annyeong, Sihyun!" Sabi sa akin ni Sungyeon atsaka ngumiti. Lumapit ako sa kanya.

"Hi, Sungyeon! Asan si Kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Ay andoon sila sa kusina!" Sagot naman ni Sungyeon.

Nagpasalamat ako sa kanya at kaagad na dumiretso sa kusina. Habang papalapit ako sa kusina ay rinig na rinig ko na kaagad ang ingay nila kaya naman kaagad akong napangiwi. Nang makarating na ako doon ay bumungad kaagad sa akin sila Junkyu hyung at si Haruto na nagbe-bake ng cookies at cakes.

Hindi ko na sila dahil masyado silang focus sa pagbe-bake at kaagad na pumasok lalo sa kusina at doon ko na nakita si Hyunsuk Oppa na kinakain iyong ice cream na sabi sakin ni Bub na sa akin.

"Oppa!" Kaagad ko namang sigaw at tumakbo sa kinaroroonan niya. Kaagad naman niyang tinigil ang pagkain sa ice cream at kaagad na tumawa.

"Buti pumunta ka pa dito kung hindi inubos ko na 'to," natatawang wika ni Hyunsuk oppa. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at pumunta sa may platuhan upang kumuha ng mangkok.

Nang makakuha na ako ng mangkok ay hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Jeongwoo sa kinaroroonan ko. Sandali akong naestatwa nang magkalapit kami dahil kumuha rin siya ng mangkok.

Mukhang hindi niya ako napansin dahil mas malaki siya sa akin. Halos wala pa nga akong sa balikat niya. Kaya naman dahan-dahan na akong umalis ngunit hindi iyon natuloy dahil narinig ko siyang nagsalita.

"Hey," Hindi ako sigurado kung ako iyong tinatawag niya kaya naman hindi ako lumingon.

"Hey, Sihyun." Nang tawagin niya ang pangalan ko ay dahan-dahan akong lumingon. Bumungad naman kaagad sa akin si Jeongwoo.

I Immediately bite my lips as I stared at him. God, I really miss this man.

"Y-Yes?" What the? Bakit ako nautal?

"Long time no see," he said while smiling.

"Same," hindi ko alam kung saan ako titingin dahil naiilang ako kaya tumingin ako sa baba.

"I miss you,"

When we were youngWhere stories live. Discover now