stage 4 blood cancer?

ganyan na kalala yung sakit ko?

15 days...

Yan nalang yung araw na natitira ko dito sa mundo...

Buong buhay ko naging positibo ako,at kahit malaman kong may sakit ako at may taning na ang buhay ko ay naging positibo pa rin ako...

Kaya pwede bang simula ngayon ay maging negatibo na ko? nawawalan na ko ng pag asa...

Kung dati nga ay stage 3 palang ang sakit ko ay maliit na ang tsansang gumaling ako,ngayon pa kayang stage 4 na? malamang hindi na ko gagaling,kaya ano pang dahilan para magpagamot ako diba? mamamatay na rin ako...mamamatay na ko!!!

Naramdaman kong nagagalaw ko na yung kamay ko kaya dahan dahan ko ng iminulat yung mga mata ko

Nung una ay nasilaw pa ko sa liwanag pero nang magtagal ay nasanay din ako kaya naimulat ko na ng maayos yung mata ko,tsaka ko inilibot ang paningin ko at nalaman kong nasa ospital ako

"gising na si ate becca..."-dinig kong sabi ni vanessa kaya napatingin ako sa kanila

"lalabas na muna kami,kailangan mo syang kausapin ivan..."-sabi naman nung mommy nila kay ivan

Nginitian ako ni mommy vaine at vanessa tsaka nila tinap sa balikat si ivan at lumabas na ng hospital room ko,naiwan ko naman si ivan dito sa loob at dahan dahang lumapit sakin tsaka hinawakan yung kanang kamay ko pero hinila ko ito papalayo sa kanya

Ayokong makita nya kong ganito...

AYOKONG KAAWAAN NILA KO!!!

"becca..."-mahinang pagtawag nya sakin

"umalis ka na"-sabi ko tsaka umiwas ng tingin

"becca you need to know something"-sabi nya sakin at tinalikuran ko naman sya

"hindi mo na kailangang sabihin,narinig ko lahat...stage 4 na ang sakit ko at wala ng pag asang gumaling ako,in short? mamamatay na ko"-sabi ko tsaka itinakip sa mukha ko ang unan na hawak ko at doon umiyak ng umiyak pero hindi ko ipinahalata

"wag ka namang magsalita ng ganyan becca oh,gagaling ka pa okay? wala namang sinabi ang doktor na mamamatay ka eh,kung ipagpapatuloy mo ang paggagamot,gagaling ka"-sabi nya at umiling lang ako

"umalis ka na muna,gusto kong mapag isa"-seryosong sabi ko sa kanya

"k-kung yon ang gusto mo ay gagawin ko,pero kung kailangan mo ng kausap at karamay,andito lang ako ha? tawagin mo lang ako"-sabi nya at hindi na ko sumagot,naramdaman kong lumabas na sya ng hospital room ko kaya mas lalo na kong pahagulgol ng iyak

Bakit wala si ian?

Alam na kaya nya?

Kung alam na nya,bakit hindi sya dumadalaw?

Kase paniguradong sinagot na sya ni bianca at magkasama na sila ngayon,at wala na silang pake sakin...

Napatingin ako sa table sa tabi ko at nandoon yung bag ko,kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng bag ko at gusto kong sumigaw ng malakas dahil lowbatt yon!

Paano nalowbatt toh?! 50% pa toh kagabi ah?!

Sa inis ko ay binato ko yung cellphone ko sa kung saan at inis na tumayo at tinanggal yung dextrose na nakasabit sa katawan ko tsaka ako lumabas ng kwartong yon

"becca?! what the hell becca asan ang dextrose mo?! bakit ka lumabas?! hindi ka pa okay!"-biglang sigaw ni ivan kaya naman napairap ako

Akala ko ba ay umuwi na toh? eh bat nandito sa labas at nag iintay sakin?!

30 Days [COMPLETE]Where stories live. Discover now