Part 23 :: Killer or Not

1.7K 69 12
                                    

Takbo!

Lakad!

At tago sina Prince at Hazen!

While they are panting heavily....

While they are sweating profusely...

While they are looking back from time to time...

And while they were fighting off their intense fear...

"Prince, si Harvey! Paano si Harvey?" tanong ni Hazen kay Prince nang makatago sila ulit.

Prince quickly covered her mouth with his hand to silence her. Then he signaled for her to stay quiet, fearing the killer might hear them.

Nasa isang classroom ulit sila. Nakatayo sila sa likod at sulok ng pinto habang yakap-yakap siya ni Prince. At kapwa sila hapung-hapo dahilan para sa bunganga na sila humihinga. Mas grabe na ang pawis nila sa mukha.

Imbis na tatahimik ay kumawala siya ng yakap. "Don't tell me wala tayong gagawin? Anong klase tayong kaibigan?" tapos ay kumpronta niya sa binata. She was on the verge of crying again.

Marahas na napahilamos ang dalawang palad ni Prince sa sariling mukha. "What do you want me to do? Find him and risk my life just like that? Sa tingin mo may magagawa ako?" And for the first time, tears fell from Prince's eyes.

Sa mga sandali kasing iyon ay naisip ni Prince na baka wala na rin si Harvey tulad ni Mieko at Je Em. At para ba'y naubusan na ng lakas ang binata na padausdus itong napaupo habang nakasabunot ang mga kamay nito sa buhok nito.

Dahil do'n ay natigilan si Hazen. Napatitig siya kay Prince habang kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Prince. And when her tears started falling again, she quickly wiped them away. She made up her mind to be strong for Prince. Kahit ngayon lang magpapakatatag siya.

"Sorry," tapos ay paghingi niya ng pasensya.

Hindi umimik si Prince. Niyakap na lamang niya ito. Kapwa na sila natahimik.

Kung anuman ang kapwa nila iniisip ay hindi nila alam. They do not know what to do or what to think now. They wonder if they can survive this nightmare-like situation. Wala na silang maisip ni katiting na pag-asa. Ramdam na nila na hindi na sila sisikatan pa ng araw. Mamamatay rin sila tiyak tulad ng kanilang mga kaibigan.

Ang mga mahal nila sa buhay, sumagi na sa isip nila. Nagpapaalam na sila. Inaalala na nila ang masasayang araw nila sa pamilya nila. Ang saklap lang dahil hindi man lang sila makakapagpaalam. Ang sakit sa kalooban.

"Mama!" hanggang sa hindi na napigilan ni Hazen na lumabas sa bibig niya habang sobra-sobra na ang iyak niya. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa mga palad niya. Ang kaninang mga inipon niyang tatag para kay Prince ay naglaho rin na parang bula.

Prince looked at her. Tigmak ng luha ang mga mata nito na tiningala si Hazen. Pagkuwa'y tumayo ulit ito at walang sali-salitang muling niyakap ng mahigpit ang dalaga. Sa mga kapwa bisig na sila nag-iyakan, na para ba'y nagpapaalaman na rin sila sa isa't isa. Wala na silang magagawa, eh. Wala na talaga.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Shortly afterwards, ay nakarinig sila ng sigaw na humihingi ng tulong. Awtomatikong naghiwalay sila ng yakap at dumako ang tingin nila sa may pinto.

"May tao ba riyan?! Tulungan niyo ako!" sigaw pa ng lalaki. Mahina pa iyon dahil mukhang malayo pa sa kinaroroonan nilang classroom ang humihingi ng tulong na lalaki.

Natulirong nagkatinginan sina Hazen at Prince. Nabuhayan sila ng loob dahil mali ang akala nilang sila na lang ang natitirang buhay. May kasama pa sila.

At sana lang si Harvey iyon!

"Dito! Halika rito!" sigaw ni Prince kasabay nang pagkaripas ng binata na buksan ang pinto ng classroom na pinagtataguan nila. At kahit nanginginig ang kamay nito ay madaliang nabuksan naman niya iyon.

"We're here!" sigaw pa ni Prince upang magmadaling puntahan sila ng sumisigaw. Madilim kaya hindi masyado kita ni Prince ang lalaking patakbo na nga palapit. Nga lang nakaramdam ito ng pagkadismaya nang makilalang hindi si Harvey ang lalaking humahangos.

"Salamat sa Diyos! Ligtas pa kayo!" sabi ng lalaki na isang guwardya pala dahil naka-uniform pa. Pumasok ito at ito na ang nagkandado sa lock ng classroom. Nga lang ay hindi iyon ma-lock.

"Sira po 'yan, Kuya," sabi ni Hazen sa guwardya. Walang duda sinira na rin ng killer ang lahat ng lock ng mga classroom. Lahat ay nasa plano at alam ang posibleng lahat na mangyayari.

At nakikilala na ni Hazen ang guwardya. Ito 'yung palangiti at mabait na guwardya na nakasalubong at nakausap nila ni Mieko kanina kasama 'yung isang guwardya na seryoso naman.

Napabuntong-hininga ng malalim ang guwardya nang sumuko na ito sa pinto. "Hindi tayo ligtas dito," pagkuwa'y saad nito sabay tingin nito sa dalawa pero tumigil sa mukha ni Hazen.

Napahawak si Prince sa kamay ni Hazen nang mapansin ng binata na napatitig saglit ang guwardya kay Hazen.

Napahiyang nag-iwas ng tingin ang guwardya tapos ay luminga-linga sa paligid. Sinuri nito ang kinaroroonan nila.

"Bakit ang daming dugo sa uniform mo, Kuya? Are you okay?" Hazen worriedly inquired. Aakalain kasing may sugat ang guwardya sa dami ng dugong nakamantsa sa uniform nito.

Napayuko naman sa sarili ang guwardya. "Ayos lang ako. Sinubukan ko kasing tulungan ang mga kasama ko pero mga patay na sila."

"Nakita mo na ba ang mukha ng killer, Kuya?" tanong na rin ni Prince. Medyo humupa kahit paano ang tensyon o takot nila sa pagkakita ng isa pang kakampi.

Maraming iling ang tinugon ng guwardya. "Nakamaskara siya ng halimaw kaya mahirap siyang makilala. Buti at hindi pa niya kayo natetyempuhan? Nasa'n ang mga kasama niyo pala? Hindi ba't lima kayo?"

Hazen and Prince exchanged quick glances. They were both on the brink of tears as they remembered what had happened to their friends.

"They're gone, Kuya. Pinatay po sila ng killer." It was Hazen who answered the guard.

"Sorry. Tulad din pala sila ng kasama ko na pinatay rin," nakikisimpatya na saad ng guwardya.

"Kuya, we need to get out of here," dikawasa'y sabi na ni Prince sa tinig na nakikiusap o humihingi ng tulong.

"Oo pero paano? Matalino ang killer." subalit tila ay naubusan na rin ng ideyang sabi ng guwardya.

"Don't you know any other way out of this school?"

"Wala, eh. Kasi bago pa lang ako rito na nag-duty."

Prince closed his eyes tightly, losing even more hope. Inakala kasi ng binata na may kakampi na sila pero tulad pa rin pala nila ang guwardya.

Yumakap sa bisig nito si Hazen na nawalan din ulit ng pag-asa.

"Pero huwag kayong mag-alala." Tumingin ang guwardya sa pambisig nitong relo. "Ala-una na, konting oras na lang ay mga estudyante or guro na papasok ng maaga. Makikita na nila ang nagaganap na patayan."

Unti-unti ay nagliwanag ang mukha nina Hazen at Prince. Oo nga! Tama!

"Ang kailangan lang nating gawin ay magtago ng mabuti sa killer para hindi niya tayo mapatay," sabi pa ng guwardya.

"Yeah. Tama ka, Kuya," Prince agreed. "Pero saan tayo magtatago?"

Saglit na nag-isip ang guwardya. "Alam ko na. May naisip na akong pwede nating pagtaguan. Pumunta tayo ro'n," tapos ay sabi nito nang makaisip agad.

Nagkatinginan muli sina Hazen at Prince. Tipid na nagkangitian na sila. Thank God, kahit paano may konti na silang pag-asa na makakaligtas pa.

Pagbalik ng tingin ni Prince sa guwardya ay nakapagtatakang naningkit ang mga mata ng binata. May bigla kasi na napansin siya.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now