Natawa naman siya sa huling sinabi nito. "Is that even a question?"

Tumayo si Mico at pinagdikit ang mga noo nila. "No, because I will never give you a chance to walk away from me again." Bulong nito sa tapat ng labi niya.

Dear Diary, napapansin ko na talaga ang sobrang closeness nina Mico at Ellaine. Kanina napagalitan kasi si Ellaine nanaman ni Daddy kaya mabilis ko siya hinanap para aluin. I love my sister so much kaya ayoko na nakikita siyang umiyak. Nakita ko siya sa garden, at doon nakita ko yakap siya ni Mico. Then I realized, hindi lang ako ang may mahal kay Ellaine. Pati boyfriend ko ay mahal rin ito. Alam ko naman na mahal rin ako ni Mico, wala akong pagdududa doon pero hindi ko talaga maiwasang mag-isip. Mico has this special affection towards Ellaine. Pero siguro nga, kapatid lang talaga ang tingin nito tulad ng palaging sinasabi sa'kin ni Mico.


"Ready ka na?" Tanong ni Erin sakanya.

Araw na ng kasal niya ngayon at sobrang kinakabahan siya. One month lang nila isinaayos ang kasal nila ni Mico. Paano ba naman, sabi nito na mas maganda ang mas maaga. Buti nalang nandiyan ang barkada para tumulong, pati ang mga parents nila ni Mico ay sobra ang pag-aasikaso sa kasal nilang dalawa.

She's wearing a white long gown that is a little conservative in front but daring at the back which exposes her back. Si Colyn ang nagdesign ng lahat ng gowns ng mga bridesmaid at gown niya. Si Erin naman ang pinili niyang maid of honor.

"Marami bang tao sa labas?" Tanong niya.

Sa green fields sa rancho ng mga Illustre gaganapin ang kasal nila. Doon ang gusto niyang lugar dahil may isang cliff roon kung saan tanaw na tanaw ang magandang langit at araw kaya pinili nila na hapon sila ikasal na sakto sa sunset.

"Oo, at ikaw nalang ang kulang." Nakangiting sagot ni Erin.

Narinig nilang may kumatok at pumasok ang parents niya. Lumabas naman si Erin para bigyan sila ng oras na makapag-isa.

"Ang ganda ng anak ko." Naiiyak na sabi ng Daddy niya.

Natawa sila ng Mommy niya. "Huwag kang umiyak, Daddy." Sabi niya.

"Hayaan mo na iyang Daddy mo. Masaya lang iyan. Teka, isuot mo ito."

May kinuha ang Mommy niya sa purse nito at pumunta sa likod niya. Naramdaman nalang niya na may malamig na dumampi sa may leeg niya. Tinignan niya kung ano iyon at napasinghap siya nang makita na kwintas iyon ng ate niya.

"Elisha would be happy that her sister is now marrying the right man." Naiiyak narin ang Mommy niya.

She held her sister's necklace and closed her eyes.

Thank you,sis. Mahal na mahal kita.

Dear Diary, it's my sister's birthday today. But she's not happy. Even Mico noticed that she's not happy. Kaya naman nag-suggest si Mico na i-surpsrise namin si Ellaine kaya naisip ko na pumunta kami sa gusto nitong puntahan. At sa Tagaytay nga niya napili. Pupunta na kami doon ngayon kaya lang naisipan kong magsulat muna dito. Alam narin pala ni Mico na doon kami pupunta at nagprisinta itong siya nalang daw mag-ayos ng pagse-celebrate-an namin. He really wants to make Ellaine happy. Kaya kung ako papipiliin, if ever na mawala ako, I'll love to see Ellaine and Mico end up together. Oh well, that's just a random thought of mine. Bye Diary! Pupunta kaming Tagaytay!


Pumainlanlang ang magandang tunog ng violin at saxophone nang dumating na si Ellaine. Nagsitayuan ang mga tao para makita ang bride.

Inabutan naman siya ni Vin - na bestman niya - ng panyo. "Oh, maiyak ka pa." Biro nito sakanya.

Falling into Trouble [Fin]Where stories live. Discover now