Chapter 28: Ang Bahay na Itim

Start from the beginning
                                    

"Saan doon ang "Eternal Beauty" ritual?" tanong ni Hannah.

Napaisip si Jules. "Hindi ako sure," aniya. "In nature, self-indulgence ito, which is isa sa mga dogma ng Church of Satan. Maybe somewhere between Sex and Compassion. Ang tutoo, walang pang na-document na ganitong ritual ang Church of Satan."

"Unless, hindi talaga mga taga-Church of Satan sila," tugon ni Father Markus.

May na-realize si Jules. "Tama ka, Father. Dahil may sarili nga silang symbol, baka either sect sila ng Temple of Set...o ng Luciferians...o ng Order of the Nine Angels..."

Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga grupo ng Satanists na labas sa Church of Satan. Order of the Nine Angels na itinayo sa England ay collective group ng mga pagan worshippers, ang Luciferians nama'y mga academic followers ni St. Lucifer, samantalang ang Temple of Set ay mga tumiwalag sa Church of Satan at nagtayo ng sarili nilang grupo.

"Pa'no kung mas ancient pa pala 'yung symbol?" tanong ni Father Markus.

"You mean tulad ng Knights Templar? Cathars? Bogomils? Waldesians? Hussites?" sabi ni Jules. "Mga heretic groups noong Medieval Times. Yes, Father, mas may posibilidad, dahil ayon sa accusations ng Catholic Church, ang mga ito'y nagpeperform ng mga Satanic rituals tulad ng baby offerings, pacts with the devil and Black Magic."

Nagkatinginan ang iba at natunganga sa mga impormasyong isiniwalat ni Jules.

"Langya para palang encyclopedia ito eh," sabi ni Tony at tumingin pa kay Andy. "Tinalo si Ernie Baron, pare."

"May photographic memory kasi si Jules, sir!" pagyayabang ni Hannah.

Napangiti si Jules. Na-boost lang ang ego. Nabilib naman sina Andy at Tony. Maya-maya'y nagulat sila nang madinig ang malakas na tunog ng gong galing sa loob ng Bahay na Itim.

"Baka 'yan na 'yung tunog ng pag-uumpisa ng ritual," sabi ni Jules.

"Shet, girl," kabadong sabi ni Hannah ukol kay Pam. "Sana okay ka lang."

"Pasukin na natin, baka kung inaano na si Pam!" sabi ni Dean na lalong nag-alala sa kanyang quote, unquote, "girlfriend."

"Relax ka lang, kid," saway ni Andy. "May plano tayo, remember? Stick to the plan tayo."

"I'm sure okay siya, trust me," sabi ni Father Markus, at sa boses ng pari ay nakaramdam sila ng konting assurance, hindi man mawala sa isipan nila kung ano na nga bang nangyayari sa waitress, promo girl, at part-time model.

Kung ano na nga bang mga nakita niya.

***

Nang bumukas ang pintuan ng van at unang nasilayan ni Pam ang Bahay na Itim ay kumalabog ang dibdib niya na para bang aatakihin siya sa puso. Hindi lang dahil sa isa itong haunted house, kundi'y natakot siya na makita ang sarili na nasa malayo at liblib na lugar, sa kalaliman ng gabi, at kasama ang mga Satanista. Unang naisip ni Pam ay mare-rape siya rito.

Samantala, excited naman ang mga death metal chicks habang nagbabaan ng van, kaya't nagkunwari si Pam na excited rin para hindi ma-blow ang cover niya.

"Ito 'yung Bahay na Itim, bahay ni Satanas!" sabi ng death metal chick. "Tutoo nga ang sabi-sabi! Makikita natin si Lucas!"

Nagsipag-cheer ang mga death metal chicks. Maya-maya'y bumukas ang malaking pintuan ng bahay at lumabas ang isang matandang lalaki na naka-pulang robe na may hood. Sa likuran niya ay dalawang mga lalaking servants na naka-robe naman ng itim. Nang ibaba ng matandang lalaki ang kanyang hood ay namalas nilang hitsura nito: kulubot na mukha, malalim na mga mata't matangos ang ilong. Maputla ang kaniyang balat at siya'y walang buhok sa maugat niyang ulo. Wari ni Pam ay kamukha niya si Supreme Leader Snoke sa Star Wars. Pero, hindi siya CGI, tutoo siyang tao at sa isang tingin mo lang, dama mo ang pagka-evil niya. Ayon sa kuwento siya ay 100 years old na raw. Siya ang pinuno nila Juan Satan.

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now