"Magsama nga kayo ni Nathan, ampucha. Puro kayo 'let's go back together'! Ano bang magagawa niyo kung ayaw na naming mga babae?!"

"Mahal pa kita..."

"Mahal? And you expect me to believe that, Jaeden?"

"Bakit si Nash at Carmela?"

"Exemption. May amnesia siya diba? So 'wag mong masali-sali sa problema natin silang dalawa!"

"Please, listen to me.."

"I'll give you two minutes."

"Lia, please. Mahal pa kita. I know I've been a jerk before. Pero maniwala ka, I've change. Mahal pa kita. I've missed you this past few days."

"Done?"

"Y-yes."

"Okay bye."

"Just like that?"

"Sabi mo 'Listen to me'? Oh nakinig naman ako ah? Stupid, nag-effort pa ako dun."

Umalis na nga siya at dumiretso sa unit ni Carmela. Si Nash naghahanda na ng lamesa para sa kakainan namin. Habang si Carmela, busy sa pagluto ng Adobong manok.

Nandun lang si Lia katabi si Kenneth. Pagkahanda ng mga pagkain, umupo na kami si dining table. Katabi ni Lia ngayon si Kenneth pero kaharap ko siya.

Lia | Kenneth | Kath
Carmela ------------------------- Nash
Me | Kyle | Jasper

Nagsimula na kaming kumain pero wala pa rin kaming imik ni Lia pareho. Alam kong galit pa din siya sa akin kaya nanahimik nalang ako nang magsalita si Carmela.

"Uy Lia, ang tahimik mo. Sayang efforts ko pag 'di mo sinabing masarap adobo ko." saad niya. Tumingin lang si Lia at biglang nagsalita.

"Carmela, masarap naman e. Hindi naman nasayang efforts mo. Pinahalagahan naman naming lahat, diba guys?" tanong niya at tumango silang lahat except sa akin.

Pagkatapos naming kumain, kanya-kanya ang pagdala ng plato sa kusina, unfortunately, kasabay ko si Lia, pero wala pa rin siyang imik. I wanna talk to her, I want to apologize and explain everything but she wouldn't listen because of the pain I gave her. Shit, ang tanga ko.

Lia, no one know I damn miss you so much. Please. Talk to me someday.

-------

Lia's POV

Letche talaga yung lalaking yun! Siya pa talaga may ganang sigawan ako?! Eh siya nga yung nanloko dyan?! Makapagsabi siya ng efforts para namang may ginawa siya nun? Tssss. Nawala lang si Carmela, bar at chicks na naman inatupad ng punyetang yun.

Nasa kwarto ako habang sinasagutan yung assignment namin at pinatawag ako nung Mommy ni Jaeden. Nagtaxi nalang ako papunta dun.

"Tita? Bakit po?"

"Pwedeng pakipuntahan si Jaeden si YamYam Bar?"

"Nag-bar na naman yun?!"

"Oo e. Sabi pa nga wag sabihin sayo dahil magagalit siya. Okay lang ba sayo na pumunta ka? 2 hours papunta dun?"

"Okay lang po. Tita, eto po yung cupcakes, nagbake po ako. Sige po alis na po ako."

Nag-Grab nalang ako at halos dalawang oras nga ang biyahe papunta dun. Pumasok ako dun at hinanap siya pero wala siya sa first floor kaya nagtanong na ako.

"Kuya, nakita niyo po ba si Jaeden?"

"Si Sir Jaeden po?"

"Yes po."

"Kaano-ano ka po niya?"

"Girlfriend niya ako."

"Ang bata mo naman?"

"Excuse me kuya, Grade 12 na ako. Kaya nasaan siya?! Uupakan kita!"

"Girlfriend ka niya? Sabi niya kasama niya yung girlfriend niya?"

"Tell me where he is and get lost!"

"Second floor, room 56."

Umalis na ako pero napaisip ako. Niloloko lang kaya niya ako? Bakit kailangan niyang magrent ng room, with a girl? Tapos pinakilala pa niyang "girlfriend" niya?

Pag-akyat ko, hinanap ko yung room 56 at nasa harap ko na 'to ngayon. Bubuksan ko ba? Hays. Yung efforts ko, laging nasasayang.

Pagbukas ko...

.

.

.

.

.

.

May kahalikang babae si Jaeden.

"J-Jaeden?"

"L-Lia?!"

Umalis na ako dun pero bago ako umalis kitang-kita ko yung mukha ni Cassy, at rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin ni Jaeden pero tumakbo na ako papuntang parking lot.

At ayun, nandun din siya. Fuck, bakit ba tuwing nahuhuli ng mga babae ang lalaking may kaharutang iba magwa-walkout tapos susundan naman ng lalaki? This is so cliché! This is so scripted!

"Lia..."

"Oh? Nandito ka pala?"

"I-It's not what you think..."

"Sige ipaintindi mo sa akin. Maiintindihan kita..."

"I was drunk. And akala ko ikaw yun..."

"Seriously Jaeden?! Alam mo ba kung ano ang nga ginawa ko para makapunta lang dito tapos madadatnan kitang ganun?!"

"Ano kasi..."

"ANO?!"

"I'm breaking up with you..."

"I expected that from you. Don't worry, hindi naman uli ako nag-effort para sayo. May dala pa nga akong cupcakes oh. Please note the sarcasm there."

"Bakit ka kasi nag-effort?! Did I ask you to do that?!"

"Stop being childish Jaeden. Alam mo ikaw? Sa relasyon na 'to, Ako lang ang nage-effort. Alam kong nagba-bar ka pero of all the sins? Pambababae pa?! Gago ka ba? Tapos si Cassandra pa?! Are you insane?! Goodbye Jaeden, pero itatak mo 'to sa isip mo, 'pag ako pinakawalan mo, wala ng balikan."

Umalis na lang ako at buti may taxi pa ng 11:30 ng gabi. Pero pagdating ko sa bahay, hindi ako umiyak. Naalala ko yung sinabi ni Carmela sa akin.

"Lia, 'wag kang iiyak habang wala ako. Umiyak ka kapag nandito na ako."

Pumunta na kami sa sofa dahil magsisimula na daw yung Marathon at ang unang papanoorin namin ay ang "Titanic" shit, si Jack!

Pero sa kasamaang palad, nagkatabi pa kami ni Jaeden. I was about to stand when he pulled me back. I hate him!

Heartthrob Series 1.2: My Sweetest Jerk (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat