9: "Doc I'm ready"

1.1K 43 1
                                    


Luhan's P.O.V

Bukas na ang event at kinakabahan ako dahil isa ako sa pinag peperform para mag give ng entertainment sa mga guests, at dadating ang mga shareholders dun...

Tinanong ni baekhyun kung pwede daw mag crossdress, at pumayag naman si teacher at nagulat ako dahil sabi ni teacher ang may hawak daw ng 20% ng shares sa school na ito ay isang transgender... wala lang share ko lang...

Ngayon pinaubaya ko na kay baekhyun ang lahat ng kailangan gawin, sinabi ko lang kung anong kulay ang gusto ko at ang kulay na yun is either black or sky blue...

At ito pala this past few weeks ayaw ako tantanan ng nakaraan ko na di ko halos maalala puro isang batang umiiyak lang pero di ko siya makita naririnig ko lang yung boses at hagulgol kasi talaga kung umiiyak eh, tapos nasa isang park kami... Oo may hinala na ako kung sino yung mga bata sa panaginip ko... Pero gusto kong malaman ang lahat, at oo hindi ko alam ang gagawin ko pag katapos ko malaman ang lahat...

Eto ako at nag papark na dito sa hospital, remember yung doctor ko na kapatid ng tatay ko? Kapatid ba? O pinsan? Oo pinsan, pinsan ng father ko

...

"Doc I'm ready" sabi ko sa kaniya at nginitian niya lang ako.

At pinahiga niya na ako at parang nahihypnotise na ako hanggang sa makatulog ako, pero gising ang diwa ko, naririnig ko na may mga binubulong sakin si doc pero di masyadong clear...

...

(Play niyo lang ang ganda kasi habang nagbabasa nito)

Masaya akong naglalakad papunta sa likod ng school dahil pina papunta ako dun ng bespren ko, grabe napag kakamalan kaming mag asawa dahil daw sobrang protective daw sakin ng bespren ko.

"Sehun~!" Tawag ko sa kaniya pagka kita ko sa kaniya nakita ko siya may mga kasama siyang mga lalake at tumakbo ako para yakapin siya pero tinulak niya ako at nasugatan ako

"Bakit se?" Naluluha kong banggit sa kaniya

"May nagawa ba akong masama sayo? May problema ba?" Naiiyak kong tanong sa kaniya

"Oo may problema, ayoko na sayo, ayoko sa baklang katulad mo, masyado kang makati siguro pinag papantasyahan mo ko pag natutulog tayo noh? Gusto mo ng ma isusubo? sige gusto mo ngayon na? Nakakadiri kang bakla ka?" Sabi niya na ikinagulat ko

"Se kala ko ba okay lang sayo na bakla ako? Kala ko ba okay lang? "Sabi ko sa kaniya at umiyak na ng todo

"BAKLA KA! SALOT KA! PATI MGA MAGULANG NO INIWAN KA DAHIL SA KABAKLAAN MO! WALANG MAY GUSTO SAYO! MALAS KA SA BUHAY! ALAM MO KUNG BAKIT KITA KINAIBIGAN? KASI MAY PERA KA AT TAGA GAWA KITA NG ASSIGNMENT AT PROJECT! TANDAAN MO ALALAY LANG TURING KO SAYO! WALA KANG KWENTA!" sigaw niya sakin na ikinaiyak ko ng sobra...

"sabi mo di mo ako iiwan kahit kailan, na tayo ang magkasama hanggang sa huli, sabi mo ikaw ang mag dedesign at gagawa sa cafe ko, sabi mo mahal mo ako... " yan na lang ang mga nasabi ko

"SI BAKLA UMASA HAHAHA GAGO DI AKO MAG MAMAHAL NG ISANG KATULAD MO PAKYU KA HAHAHA TANGA BAKLA SALOT POKPOK WALANG KWENTA" tawa tawa niyang sabi sakin

"Ayaw mo na ba talag sa akin se?*sniff* aalis na lang ako para maging peaceful na buhay mo, bye bye~" sabi ko sabay takbo papunta sa park na lagi naming pinupuntahan at dun ako nag iiyak...

Umuulan na kaya tumakbo ako pauwi, nagulat ako ng may sports car akong narinig at papalapit na liwanag sa akin...

.....

At nagising ako na tumutulo ang luha... Nag pasalamat ako kay doc at umalis na ng ospital at pinuntahan ang lumang school namin at yung park na yun...

Pinuntahan ko lahat ng mga lugar na pinupuntahan namin together... At naiiyak na lang ako ng todo... ang huli kong pinuntahan ay yung park...

Nagulat ako na may isang lalakeng nakaupo sa pwesto namin dati ni se...
Pinuntahan ko yun at nagulat ako na si se ang nakaupo dun habang naiyak...

"Se~?" Pagtawag ko sa pangalan niya at nag punas siya ng mata bago humarap sakin at pag kaharap niya sakin nagulat siya ng naiiyak ako at dali dali niya ako niyakap

"Oh ba't ka naiiyak? May nambully ba sayo? Anong nangyare?" Sabi niya habang nakayakap sakin

"Ikaw ang bakit naiyak?" Takang tanong ko

"Naalala ko kasi dati kong bespren na sobrang mahal na mahal ko, pero nang dahil sa bwisit na barkada at paglipat ng bahay, nakagawa ako ng masama sa kanya na naging cause pa para ma-aksidente siya,wala manlang ako sa tabi niya nung nasa ospital siya, napakasama kong kaibigan"
Sabi niya at umiyak lang at umupo kami sa bench

"Sa pag iisip ko na sana makalimutan niya na ako dahil kala ko di na kami mag kikita, pero ngayon nag kita na kami at ni isang alaala namin dalawa burado na sa kaniya at ang sakit lang talaga, pero i think its best na nakalimutan niya para hindi na siya masaktan ng masaktan sa alaalang iyon, pero ngayon tinatry kong bumawi sa kaniya at iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal" sabi niya at kita ko sa itsura niya ang pagsisi

"Paano kung bumalik ang memories niya? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya bigla, at kita sa reaction niya na nagulat siya

"Kung anong gusto niyang gawin ko lahat ng gusto niya susundin ko kahit sabihin niyang mag pakamatay ako basta mapatawad niya lang ako... naalala ko dati lagi kaming napag kakamalang mag asawa, gustong gusto kong napag kakamalan kami kasi balak ko na talagang gawin siyang asawa, grabe buong buhay namin na plano ko na kung saan kami titira, design ng bahay namin, ilan anak namin, mga trabaho namin at kung ano ano pa, pero ng dahil sa kaduwagan ko lahat yun wala ng chance mangyari" kwento niya pa, at napangiti ako sa mga sinabi niya

"Paano kung bumalik siya? Sinong pipiliin mo siya o ako?" Tanong ko para kunwari wala pa akong alam at tumawa lang siya

Becoming The King's KingWhere stories live. Discover now