Sumimangot ako at tumayo na bigla para makaalis. Napatingin naman sa 'kin si Paul. Wow lang. Kung hindi pa 'ko tatayo dito, hindi nya yata maaalala na kasama niya 'ko.

Akmang aalis na 'ko pero nagsalita siya. “Saan ka pupunta?”

“Uwi na 'ko. Ge. Enjoy nalang kayo dyan.”

Kumunot ang noo niya. “Ha? Bakit?”

I sighed. Nagtanong pa talaga.

“Ah, Ryan. Who is she?” Narinig ko ang nakakairitang boses ng babaeng 'to.

Kaibigan ko. Napangiti ako ng mapakla sa isinagot ni Paul. Oo nga naman. Kaibigan lang ako.

“Ow, hello there! I'm Monica. Paul's first love.” Humagigik na sabi ni Monica. Tumango lang ako at ngumiti ng tipid.

“You're crazy, Monica.” Natatawang sabi ni Paul.

“Ah, hmm. Sige, ha? Una na 'ko. Bigla kong naalala na may gagawin pa pala ako. Sige.” Pagpapaalam ko. Hindi ko na sila hinintay na makasagot, mabilis na akong tumalikod sa kanila at naglakad palayo.

Bastos na kung bastos pero sensya naman, masakit na eh. Sht. 'Yung sinabi niyang kaibigan niya 'ko? Oo na't kaibigan lang talaga ako pero bakit nasaktan ako nung sinabi niya 'yun? Maybe because I was hoping na iba ang isasagot niya. Hah! Ano nga bang pwede niyang isagot 'dun? Wala naman talagang namamagitan sa 'min kung hindi pagkakaibigan.. Pero hindi ko maiwasan eh, nasasaktan ako.

Umuwi na ako at dumiretso sa kwarto ko. Naiinis na humiga ako sa kama ko at niyakap ko ang unan ko. Tumingin ako sa kisame. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Sht. I'm crying. Nakakainis.

“Nakakainis ka, Paul!” Sigaw ko kahit na alam ko naman na hindi niya 'ko maririnig.

Nakakainis talaga. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ganito? Dati, okay lang naman sa 'kin. Okay ako sa set-up namin, kahit na magulo. 'Yung sweet kami sa isa't isa. Lumalabas para magdate. Parang kami talaga, pero parang may hindi tama, may mali. Alam kong meron pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sa 'kin ay masaya kami at nagkakaintindihan pero ngayon, hindi ko maiwasan na mag-isip at mangarap na sana pala hindi naging ganoon ang set-up para mas maayos lahat. Hindi ‘yung ganito, nalilito na nga ako utak ko, naguguluhan din pati puso ko.

Sa loob ng halos anim na buwan, ganito kami ni Paul. M.U. daw ang tawag dito eh.. Magulong usapan, para sa akin. Parang kayo kung umasta pero wala kayong pinanghahawakan.


Ang hirap pala ng ganito. ‘Yung feeling na kahit selos na selos ka na, wala kang magawa kasi feeling mo, wala kang karapatan. Hindi ko masabi sa kanya na nagseselos ako, na ayoko na lumalapit siya sa ibang babae. Ayoko naman siyang sabihan o pakialaman sa mga bagay na ginagawa niya kahit na minsan, selos na selos na ‘ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now