chap 8. WEIRD

25 2 0
                                    

Kate’s POV

Unat unat...*yawn*

Hmm.. madilim pa pala. Tinignan ko yung clock. 2am? 2 hours palang pala ang tulog ko.

Tinignan ko si Ken, ang himbing ng tulog niya. Ang gwapo niya talaga. Tama bang pagnasaan ang tulog? Parang nawala ata ang tulog ko, yun bang gusto kong titigan nalang siya hanggang sumikat ang araw. Maganda pala pag ganito palagi, pag gising palang nakikita ko na ang kanyang mala-anghel na mukha.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang gumalaw si Ken.

“hmmm”

Ano kayang napapanaginipan niya at medyo nangingiti siya? Ako kaya? Hay imposible naman masyado.

Pero pwede lang naman diba? Pwede lang mangarap.

 “isshy” narinig kong sabi niya.

Ano raw? Masyado tuloy akong nacucurious. Pinagmasdan ko lang si Ken.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin, and at the same time napangiti din ako.

“Misty”

Nang bigkasin niya ang pangalan na yon.Paraakong bulkang nag-aalboroto.

“I like you too.”

Seriously Ken?! Nag-iisleeptalk ka?

 Ewan ko kung bakit pero parang galit ako sa mundo ng oras na yon. Hanggang sa panaginip ba naman siya parin? Hindi ba pwedeng kahit minsan lang ako naman.

Kahit sa panaginip lang sananiya naiisip niya ako. Kahit nightmare na at least naalala niya ako kahit papano. Na nakikita niya ako. Pero kahit sa panaginip lang niya, wala akong puwang.

Masyado ba akong OA? Sorry ha. Ansakit lang kasing isipin na simula pagkabata magkaibigan na kami, pero si Misty, nakilala lang niya nung freshmen kami. And to say that, friend ko pa ang minahal niya. Di ba ang sakit?

Unang tingin niya palang kay Misty nahigitan na niya ang pagiging magbestfriend namin. Di ko mapigilang maluha. Alam kong ang babaw masyado ng reason. Pero masisi niyo ba ako kung nagmahal ako sa taong di ako mahal? Oh siguro mahal niya ako as friend, pero hanggang dun lang yon. No less, no more.

Siguro nga ito na yung hinihintay kong sign. Ito na talaga. Time to change, time to move on. Time to forget my feelings for him.

I can feel the pain and it’s killin’ me. Ewan ko pero naaawa din ako kay Ken, naguiguilty rin ako. It’s about 3 years, 3 years since ako ang bridge nilang dalawa, pero wala akong nagawa ni isa. Siguro nga ito na. kelangan kong harapin ang consequences, kahit masakit.

Dahil sa mga sinabi niyang yon kanina. Naliwanagan ako, na Love is to sacrifice.

Sabi ko noon, ant4nga naman ng mga taong nagsasakripisyo s]para sa mga mahal nila, t4nga kasi pinapakawalan nila yung mahal nila kahit labag sa kalooban nila. Pero ngayon, alam ko na kung bakit. At alam kong maiintindihan lang natin ang lahat ng bagay, kung nasubukan na natin ito.

Kahit masakit, I have to endure it. Dahil siya ang kaligayahan niya, at hindi ako.

--

Di ko namalayang naatulog pala ako kanina habang umiiyak. Pwede pala yun noh? Akala ko kasi mga baby lang ang ganun, pati rin pala tayong malalaki.

Pumunta nalang muna ako sa terrace, buti nalang hindi namugto ang mata ko.

Iniisip ko lang, paano kung ikwento sa akin ni Ken yung tungkol sa panaginip niya? Kaya ko kayang harapin?

Kelangan ko lang magready in case mangyari yun. Dapat hindi halata na nasasaktan ako. Be strong and firm Kate! Kaya mo yan.

*sigh*

Iniisip ko palang masakit na, how much more kung sinabi na niya sa akin ng harapan? Tapos ikwekwento niya sa akin nang nakangiti. Hayyyy

Bad idea pala ang sleep-over sa bahay ko. Kang alam ko langsana...

Pumasok nalang ako sa loob, magluluto nalang ako ng breakfast.

Ay ano ba naman to. Bat ang alat nito? Makapagluto na nga ulit...

Hayy ang asim naman ngayon. Di ko namalayang suka pala yung nilagay ko..>.<

Ulitin na nga ulit...

Kukuha na ako ng ingredients..  ubos na?? O.O

Ang malas naman.

“tsk. Sayang ang pagkain.” Gising na si Ken? Ay naman eee. Baka nakita niya mga pinaggagawa ko. Masyadong epic fail.. >.<

“k-kanina ka p-pa ba dyan?”

“yeah. Nakita ko rin kung paano mo tinorture yung pagkain. Lasagna pa man din. Tsk tsk..”

Ay nakakahiya talaga.. hmp bat kasi ang aga niyang nagising eh..

“ah eh.. magbread nalang then tayo, kunin mo nalang yung nutella sa fridge. Maliligo muna ako”

“did you eat already?”

“busog pa ako”

Tumalikod na ako. Pilit ko nalang iniiwasan na maopen yung tungkol sa panaginip niya.

Ayokong makita niya ang magiging reaksyon ko. Baka di ko kayanin at maiyak lang ako.

Ken’s POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na sumikat sa tapat ng mukha ko.

7am pa lang. wala na si Kate sa tabi ko. Ang aga naman niyang magising. Wala namang pasok ngayon.

Naalala ko yung panaginip ko. Akala ko totoo na. akala ko nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Akala ko kung nangyari ang lahat. Pero ang lahat ng on ay akala ko lang. Kelan nga ba naging tama ang isang akala.

Bumangon na ako at bumaba. Hmm *sniff*  nagluluto na siguro si Kate.

Huminto muna ako sa hagdan at tinignan siyang magluto.

O.O

Bat niya binuhos yung soy sauce sa lasagna? Andami nun ah. Nangalahati pa yung laman ng container.

She prepared another lasagna. Now, wait... isang cup ng vinegar sa lasagna? She tasted it. I bet it’s sour.

Is she crazy? Oh poor lasagna.

Yun tuloy nag bread nalang kami. Pero di niya ako sinabayan.

She’s not hungry but she didn’t eat yet. Hmm she’s acting weird huh.

Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon