Chapter 2

8.4K 116 0
                                    

Clarence's POV

"Maam, kilala nyo po ba toh?"

"Oh! Bakit ganyan ang suot nya? Dyaan pala sya nagtatrabaho" Sabi ni Maam at tinitigan pa ang picture na nakangiti na parang proud

"Diba si Candy yan, Maam?" Paninigurado ko

"Ano ka ba! Tagal tagal nyo nang magkakaklase, di nyo pa kilala yung isa't isa! Anong kailangan mo sa kanya!?" Sabi nya at palihim nya kong pinalo sa braso

"Ah, Maam. Kung san lang sya nagtatrabaho. Gusto ko lang po malaman"

"Bat ko naman sasabihin sayo? baka kung anong gawin mo sa kanya. Kay gandang babae pa naman nyan at matalino! San mo naman nakuha yung picture!" Sinamaan pa nya ko ng tingin habang nakapameywang

"Ah! Maam, Sa kaibigan nya po galing"

"Baka bulihin mo din kaya mo tinatanong! Umalis ka dito! Shoo!" Pinalo nanaman ako nito bago ako pinagalitan na 'Bullying is a crime' keneme bago ako pinaupo sa upuan ko. Sayang, hindi ko nalaman ang work place nya. Kaya ata sya umabsent dahil nga sa bullying noh. Sino naman ang mangbubully sa kanya?

Candy Gonsalez is a well-known nerd here in school, she's also talented in some ways but the rumors that she's ugly is the reason she's getting bullied i guess. For my perspective, being unperfect is not a crime. Tumingin nalang kayo sa mukha ko at masasagot nyo na ang katanungan na sobrang perfect kong tao. Ang windy sa bintana

She's always absent pero mataas naman ang grades nya sa card dahil din sa talino nya

May rumors din na malaking shareholder ang pamilya nila sa school kaya ninanakawan rin ito ng pera, iyun ang sabi ng kaseatmate ko na si Joshmar. Madami ring alam ito. Yung akala ko lang na laging tulog, abot labas na pala ang tenga.

Pero isipin nyo, how can someone like her can chat me so confidently?

Pero yung pagchat nya. Sobrang bait at hindi naman boring. Pero andaming sumasakit sa kanya

Siguro shotang-shota lang sya kaya ako yung tinarget kasi famous ako. Pero hindi naman sya ganung kadesperada na tao dahil mukhang mabait ito

Yan kasi, add friend pa

"Argh!" Di na ko maka-pagisip at ginulo ang buhok ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at patago na nagcellphone at chinat sya. Nag-hi ako sa kanya at mukhang break na nya dahil nagreply ito.

[Candy: Aga natin magusap ngayon ah! Mahuli ka sana ng teacher]

[Me:Lol, nabobored lang ako kaya kita chinachat]

[Me: Bat di ka parin napasok sa school, pumasok ka na]

[Candy: May work pa ko, miss mo ko? Gusto mo ko dyan?]

[Me: Gusto mong maseen?]

[Candy: Ay di po, Di ko kasi alam kung kailan ako pwedeng pumasok. Maybe soon, maybe im yours :)]

*seen*

[Candy: Sabi ko nga tama na]

[Candy: Uy joke lang, chat ka na!!]

[Candy: May teacher ba? Kinikilig ka?]

[Me: San ka nagtatrabaho?]

[Candy: Huh?]

[Me: I want to meet you. Nasan ka?]

[Candy: You can't meet me now, promise papasok ako next time]

[Me: Kailan pa yang next time mo?]

[Keira: Bye!!]

[Me: Hey!]

"Mr. Santos!!" Napabalikwas ako ng upo dahil sa pagtawag sakin ni Maam na ngayon ay hawak nya na ang wooden pamalo nito at pinapalo ng mahina sa sariling palad nya habang lumalapit sakin. Napalunok ako ng wala sa oras

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon