Nang makarating kami sa unit ko ay agad namang pumunta si Kuya sa computer set doon, si Amari naman ay dumiretso sa terrace at ako ay pumasok sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang tablet ng gamot ko and propped it to my mouth. Ang mapait na lasa na para bang bakal ay nanunuot sa buong bibig ko at nais ko na iluwa ito. Tiniis ko ang lasa at tinungga ang tubig na nasa bedside table.

Agad akong umupo sa kama ko at tinanggal ang jacket ko. Isinapo ko ang kamay ko sa ulo ko na para bang sasabog na sa kakaisip.

Inabot ko ang laptop ko at binuksan 'yon. Agad akong gumawa ng mga algorithm na ginagamit ko sa paghack ng isang system.

Nareceive ko agad ang email ni Kuya kung nasan ang location na sinabi ni Aether. Tinignan ko ang location at ikinagulat ko na isa 'yong ordinaryong dorm.

Lumabas ako sa kwarto ko dala ang laptop at umupo sa sofa na nasa likod ng computer set. Tumitipa na si Kuya sa keyboard ng computer at kapansin-pansin ang mga algorithm at binary codes na ginagamit niya.

"Sure ka ba na ito 'yon?" Pagtatanong ko kay Aether. "Believer her, otouto," Kuya said at may pinindot siya sa keyboard kasabay noon ang pagreveal ng mga data ng namumuno sa dorm na iyon.

"By the use of my connections nalaman ko kung sino ang may-ari ng dorm," he clicked another key on the keyboard and I nearly dropped my laptop when I saw the picture of a familiar man. He can't be, right?

"Rich Lourd Tyler, he studied chemistry and now taking up medicine. Isa rin siyang OJT noon sa ospital na pinupuntahan mo," he again clicked and may lumabas na clip. "I guess you know him. Nangielam ako sa mga file mo rito and guess what? Their system is hacked the time you hack it. Gumawa sila ng paraan para maalis ang video ni Rich na kumukuha ng dalawang bote ng potassium and sodium sa lab."

Kitang-kita sa clip na habang walang tao sa lab ay kumuha siya ng dalawang bote at ibinulsa ito. "What the hell?" Narinig ko ang boses ni Amari sa malayo.

"This one is interesting, ito naman ay sa hallway malapit sa room ng kapatid niya na si Rin Wendolyn who died last year, right?" My jaw almost drop sa mga nalalaman ko.

He played the other video clip at kitang-kita na pumasok si Rich sa hospital room ni Rin. "He killed Rin!" I exclaimed. Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang litrato ni Rich nang ilabas ito ni Kuya ngunit mas lalo akong di makapaniwala na nagawa niyang patayin ang kapatid niya.

Kumuyom ang aking mga kamao. How can he do such thing? Tinignan ko si Amari na frustrated na sa kausap niya sa telepono.

"Aether, siya ba 'yon?" Tanong ko kay Aether. "Kuya do you somehow manage to find any information? Tulad ng pag-aari niya bukod sa dorm na 'yan?"

A cocky smile came out from Kuya's lips. "You mean the blue Chevrolet Cruze?" Tumango ako. "He have one."

Mariin kong naipikit ang mga mata ko. The information is too much. Isinandal ko ang ulo ko sa backrest ng sofa at nag-isip. "What the hell happened!"

"Dieve trailed Janice," wika ni Amari na papalapit na sa amin. Tumingin siya sa screen ng computer. "Kuya 'yan ni Reed ah," he said. He looks at me and Kuya then to Aether.

"Keep in tact with Dieve, he might lead us the way. "Kuya, connect with the authority."

"Amari, sumunod ka sa akin," wika ko. Tumango siya at sumunod sa akin. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko sa isang drawer ang sulat na ginawa ko sa bahay nila Reed.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon