"Ahhhh... I'm thirsty. Thanks for the water," Pierce said pagkalapag sa mesa ng baso.

Agad na napaangat ng mukha si Clarisse at nanlaki ang mga mata pagkakita sa lalaki.

"W-What a-are you doing here?"she said in disbelief.

Hinila ni Pierce ang isang bakanteng upuan at tumabi kay Clarisse. "I don't want to miss the fun honey," kalmadong sagot nito while staring at Lance.

"Hi, Mr. Calderon," kaswal na bati ni Lance habang pilit itinatago ang matinding pagkabigla.

"B-Bakit andidito ka?" di makapaniwalang sambit ni Clarisse.

Inakbayan ni Pierce ang nabibiglang babae at ngumiti. "To be honest, I was hesitating to come. But everytime I think that you're in this trip with another guy, I couldn't stand the thought of it."

Lance wanted to talk back dahil alam niyang para sa kanya ang mga salitang iyun. But he couldn't. Although he didn't do anything wrong to his wife, it feels like there were some truth in what he said. A bit of guilt struck him kaya napapalunok na uminom na lamang siya ng tubig.

"I'd been driving for hours. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung nagugutom ako?" bigkas ni Pierce malapit sa tenga ng di makapagsalitang babae.

"A-Are y-you hungry?" napipilitang tanong ni Clarisse nang may plastik na ngiti.

Bago makasagot si Pierce ay biglang may narinig silang isang nahulog na bagay. Sabay-sabay ang tatlong napalingon sa pinanggalingan ng ingay at nakita nila si Scarlet na natutulalang nakatayo habang nakatingin kay Pierce. Nahulog ang cellphone nito at nagkapira-piraso sa sahig.

Dali-daling tumayo si Lance at nag-aalalang lumapit sa girlfriend. He picked up the scattered parts of her broken phone.

"Are you okay Babe? What happened?"

Saka lamang natauhan si Scarlet. Napapatanga at bahagyang namumutlang napatingin ito sa boyfriend.

"N-Nahilo lang ako...."

"Be careful. Baka naman nasobrahan ka na sa pagbababad sa araw," he worries.

Maingat na inalalayan ni Lance ang dalaga pabalik sa kanilang mesa. "By the way, do you remember Mr. Calderon? T-The husband of attorney," wika niya nang makaupo ulit sila sa table.

"Y-Yes I do..." napapalunok na sagot ni Scarlet habang nakatingin sa bagong dating. "H-Hi. Nice to see you again."

"Hi," tipid na sagot ni Pierce na obvious na naasiwa rin pagkakita sa dalaga.

"H-Have you eaten yet? I'll get you some food," alok ni Scarlet sa lalaki.

Biglang napatingin si Lance at Clarisse sa dalagang noon ay titig na titig kay Pierce. Halatang nagulat ang binata sa sinabi ng kasintahan at napansin agad ito ng abogada. Clarisse started to panic inside. It's obvious that Scarlet has difficulty hiding her feelings. Her eyes are glowing while looking at the man in front of her.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon