Naka upo ako sa lounge. Simula nang nagka sagutan kami ni Tita ay di ko na ulit ito nakikita. Nasa iisang bahay kami pero bibihira kaming nag kita. Tina timingan ko talaga na lalabas ako ng kwarto ko ay wala na ito.
Nag aantay na lang ako ng oras para maka uwi na. Sa bawat araw ay tila bored na bored na ako dito. Hindi ko alam minsan ay nag eenjoy naman ako pero kadalasan talaga ay di ko maipaliwanag. Tila gusto ko ng kakaiba. Bumuntong hininga ako. Tumingin ako sa orasan. Alasais na. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.
"Aga mo umuwi ah? " puna ni Evan
Umingos ako "Wala akong kotse coding ako"
Patuloy kong inaayos ang gamit ko at dumeretso na sa labas. Nang maka labas ako ay nag intay ako ng dadaan na taxi. Halos trenta minutos na akong nakatayo ay wala pa ring taxi na dumadaan. Kumunot ang noo ko anong meron kaya. Na abutan ata ako ng rush hour? Tumawa ako. Tumingin ako at baka may taxi na, pero imbes na taxi ang makita ko ay isang itim na kotse ang tumigil sa harap ko. Kumunot ulit ang noo ko.
"Sino to? " sabi ko sa sarili ko
Nasagot ang tanong ko nang mag baba ng salamin ang driver nito. Doon ay nakita ko si Zach
"Sabay ka na sakin. Wala masyadong na daan dito gawa ng ginagawa yung kalsada" sabi nito
Kaya pala. Dumungaw ako dito.
"Where are you heading ba? Makati bound ako" sabi ko
Ngumiti ako "Sakto doon din ako"
Narinig kong binuksan niya ang pinto. Inabot ko yon at sumakay na sa kotse nito. Pag ka sara ko ay agad na umalis na kami. Hindi ako naimik habang nasa biyahe. Narinig ko naman ang pag tikhim niya. Napalingon ako dito.
Nakita kong tumingin siya sa orasan niya.
"Bakit wala ka atang dalang kotse ngayon? " usisa nito
"Coding kasi ako"
Tumango ito. "Ahm. Do you mind? Ahm. Gusto mong mag coffee? Or dinner instead? Almost past seven na eh"
Napatitig ako dito. Pinigilan kong mapangiti
"My treat" sabi nito at ngumiti ng tipid
Tumaas ang kilay ko "Sure Doc" pag payag ko
Tipid na ngumiti ito. Tinahak namin ang isang filipino cuisine resto. Nang maiparada nito ay sabay na bumaba kami sa kotse nito. Pumasok kami at naupo.
"What do you want to eat? " tanong nito
"Steak na lang siguro sakin" sabi ko
Umorder ito. Nang maka alis ang waiter ay tumitig ako dito
"Anong naisipan mo Doc, at niyaya mo ako kumain?" pasimpleng tudyo ko
"hmm. Well i see you've been exhausted these past few days" umiling iling ito at tila wala nang masabi
"Concern? Ikaw Doc ha, pinagmamasdan mo ata ako pag di ako nakatingin eh " biro ko dito
Ngumiti lang ito
"Bat ang tipid mo ngumiti doc? Can you smile wide and with your eyes? " sabi ko
YOU ARE READING
Choices
RomanceMiracle Buenaventura always wanted to be a doctor but she has no choice to choose the track that she always wanted. Sa daang tatahakin niya mag tagumpay kaya siya dito? O dito niya matatagpuan ang matagal na niyang hinahanap?
