Simula

624 44 13
                                    

Simula

Galit ang kumain saakin lalo na nang maaninag ko ang nawawala kong pusa. Imbes na makita ang pulang tali na nilagay ko kahapon, ang pula nyang dugo na nagkalat sa leeg ang syang nasaksihan ko. Mabilis kong binitawan ang hawak na airgun at dinaluhan ang kawawa kong pusa.

She is bathing in her own blood. Ang puti nyang balahibo ay namansahan na ng mapupula nyang dugo. Halos malugmok ako nang hawakan ang ulo nyang nanghihina. She rested her dizzy head on my warm palm.

Hindi ako takot sa dugo pero hanggang sa maaari ay ayaw kong makakita. I am disgusted by the fresh blood. Pero nilunok ko nalang ang pandidiri dahil mas namayani ang galit sa aking dibdib. Hindi ko maiwasan na mahinagpis dahil sa kinahinatnan ng kawawa kong pusa.

"Macky..." tawag ko sakanya. Sunod-sunod ang pag singhot na ginawa ko, "Anong nanyari sayo? Sinong may gawa nito?"

I was hopelessly asking for answer. Para na akong mababaliw dahil sa naghalong emosyon na nararamdaman ko. Tinikom ko nalang ang bibig at hinagilap ang mga dala ko bago sya nakitang duguan sa kalagitnaan ng masukal na gubat.

Kinuha ko rin ang tali na nasa buhok at saka itinali iyon sa sanga ng puno na nasa malapit. Binalikan ko rin si Macky at saka walang ka arte-arte syang dinampot sa lupa.

Sinukbit ko rin ang airgun sa balikat at mabilis na nilapitan ang dala kong kabayo. Dala ang kawawang pusa ay mabilis kong pinatakbo ang alagang kabayo para makauwi at mabigyan ng paunang lunas ang pusa.

Walang mapagsidlan ang nararamdaman ko. Gusto kong gumanti sa sino mang gumawa nito sakanya. Hindi ko pa natitignan ang lagay ng alaga ko pero alam kong inatake ito ng kapwa nya pusa. Hindi ako mapapagod na hagilapin ang sinumang hayop na gumawa nito sakanya.

Papalabas na ako sa masukal na gubat. Nakita ko na rin ang daan papunta sa bahay namin kaya gamit ang isang kamay ay mabilis kong pinaliko ang kabayo.

Dahil sa pagmamadali at kaba ay hindi ko na halos maiwasan ang sasakyan na biglaan nalang sumulpot sa harapan ko. Buti nalang at mabilis itong nakapag preno. Hindi rin naman ako naging mabagal na patigilin ang kabayo.

Umangat ang dalawang paa ni Jean sa ere dahil sa biglaan kong paghila. Muntikan ko pang mabitawan ang duguan kong pusa dahil sa nangyari.

Inis na inis kong tinignan ang estrangherong sasakyan na nasa harapan. Nagtagis ako ng bagang nang maalala na walang ganitong sasakyan sa buong barrio.

May lumabas ring driver kalaunan. Kagaya ko ay galit rin sya. Pero mas nanaig ang galit ko dahil sa mga nangyayari. I don't have the time to argue with them. Kailan kong maiuwi si Macky sa mas madaling panahon.

"Ano? Hindi ka magsasalita?!" galit nyang sigaw saakin, "Muntikan na kaming ma disgrasya dahil sa kahibangan mo!"

Ini isang tingin ko ang galit na matanda at ang lalaking sakay nya sa loob. The car wasn't tinted. Kaya kita ko ang inis na nanggagaling sa lalaking lulan ng mamahaling sasakyan.

Pinaatras ko si Jean ng isang beses bago binalikan ng tingin ang lalaking nasa labas. He is older than me but I don't have the patience to show my respect. Masyado na akong kinain ng inis.

"Umalis ka sa harapan ko." malamig kong saad. Hindi nakinig ang lalaki at umakmang lalapitan ako.

"Bumaba ka dyan sa kabayo mo! Baliw ka na! Kung gusto mong mamatay, 'wag mo kaming idamay!" sigaw nya pa sabay duro saakin at sa sasakyan nila.

Nagtagis ulit ako ng bagang. Umihip ang pang probinsyang hangin kasabay ng pagtama ng panghapong sikat ng araw saakin. Binitawan ko ang hawak sa pisi ng kabayo at ini isang hawak ang airgun na nasa likuran ko. Tinutok ko ito sa lalaki at walang emosyon syang tinignan.

Red String (dela Fuergo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon