Five

3K 104 70
                                    

"Oh, don't tell me na hanggang ngayon, 'yong nagpadala ng blue roses pa rin ang sentro ng utak mo, Kath?" Pagpuna muli ng kaibigang si Arisse nang mapagtanto niyang wala na ang atensyon ni Kathryn sa kanya.

At wala nga ang atensyon ni Kathryn, dahil sa ngayon, nagpapalutang muli siya sa mga katanungan niya kung kanino nga ba galing ang mga bulaklak na kanyang natanggap noong isang araw lamang. Simula nang mahawakan niya iyon hanggang ngayon, walang sagot sa kanyang tanong, ni wala man lang ideya. At hindi niya alam kung bakit nagiging interesado siya sa taong ito. Gusto niyang alamin, at sa kagustuhan niya ay nagpunta pa siya sa guard house ng kanilang tinutuluyan na village at nagtanong, at tulad ng ideya niya, walang alam ang gwardiya.

Tinanong niya rin ang kasambahay niya at ang driver niya ngunit wala ring sagot.

"Galing nga 'yon sa boy na nanliligaw sa'yo.. Psh." Saad ni Arisse.

"Hindi daw kasi." Pagmamatigas pa ni Kathryn na nakakunot ang noo at iniisip talaga kung sino.

Alas 2 ng hapon, kasalukuyang kasama ni Kathryn ang kaibigan niyang si Arisse dito sa isang coffee shop, hangarin ng dalawa na magkasama at magkusap muli matapos ang ilang buwan na hindi nila pagkikita dahil sa pagiging busy ni Arisse sa kanyang trabaho. At ngayon, natutuwa si Kathryn dahil nakasama niya nang muli ang kaibigan niya, ngunit ang gumagambala naman sa kanyang isipan ang nakakapagpawala.

"Siya 'yon. Baka nagpapalakas lang kaya pakunwari pang tumatanggi." Irap pa ni Arisse sa tinutukoy niyang lalaki.

Umiling si Kathryn. "Nakausap ko si Justin, hindi raw galing sa kanya.." Sagot niya at napatingin na sa kaibigan. "Hindi naman niya 'yon itatago kung galing sa kanya, Arisse. Edi, sana sinabi niya na agad at.. At walang message o pangalan na nakasulat sa card." Paliwanag pa niya.

Matapos malaman ni Kathryn na hindi galing kay Justin ang mga bulaklak, parang bigla siyang sinaliban ng atensyon upang alamin kung sino. Hindi niya alam, pero ang gusto niya lang, maging isang imbestigador upang makakuha ng sagot at doon lamang matatahimik ang kanyang loob.

"Baka naman galing sa isang fan mo." Paghula pa ni Arisse. "Wait? J ang nakasulat lang, 'no?"

"Yes. From J."

"J? J for Justin nga."

"For the nth time, wala akong feeling na siya 'yon." Sagot ni Kathryn at kampante siya doon dahil nang maalala niya, tumawag pa si Justin sa kanya noong gabing iyon at nagtatanong rin kung kanino galing ang mga bulaklak. Ramdam ni Kathryn ang pagseselos ng binata na nanliligaw sa kanya.

Nanliligaw sa kanya.

"Wala kang feeling na sa kanya 'yon? Sino pa ba ang J na kilala mo? Alangan naman na si Jordan, 'di ba?" Pagtawa pa ni Arisse at ang inaasahan niyang matawa na rin ang kaharap niya ay hindi nangyari, ganoon pa rin, nakakunot ang noo at naghahanap ng sagot.

Hindi na rin maintindihan ni Kathryn ang sarili kung bakit iniisip niya pa kung kanino galing. Hindi niya tantanan kahit naisip niya na--na baka galing nga sa isang tagahanga na ayaw magpakilala sa kanya. O kaya naman ay galing sa kaibigan niyang artista o kaibigan na mula sa showbiz at ayaw lang sabihin kung sino. Pero imposible dahil namang itago ng tao ng taong iyon ang katauhan niya sa pagbibigay ng bulaklak sa kanya at ang sobrang hindi normal kay Kathryn dahil unang beses lang siyang nakatanggap na hindi niya alam kung kanino galing.

Maliban na lamang sa isang taong alam niyang mahilig sa sorpresa..

"J? J? J? Baka naman, sa showbiz talaga, Ate Girl. You know, nagpapalakas sa'yo." Sabi pa ni Arisse at agad namang nakuha ni Kathryn ang nais nitong sabihin.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Where stories live. Discover now