Part 22 :: Harvey's Time

1.7K 66 11
                                    

"Oh, d*mn!" full of fear, Harvey blurted out. He realized that the reason it was so easy for the killer to target them all was because of the Closed-Circuit Television cameras, or CCTVs, that were spread throughout the school.

Lagot na!

Mayamaya ay isa-isang hakbang paurong ang ginawa niya na hindi inaalis ang tingin sa CCTV camera. Bawat hakbang niya ay napapalunok siya ng laway. It seems like the CCTV camera is the killer he fears the most

Isa pang hakbang siya at lunok ulit. Grabe ang kabog ng dibdib niya. It's as if his heart wanted to burst out of his ribcage due to the overwhelming fear. Sa bunganga na nga siya humihinga. This was the worst fear he had ever felt in his entire life. Feeling kasi talaga niya ay siya na ang isusunod.

Ngayon siya nagsisisi kung bakit siya humiwalay kina Prince at Hazen. What a bird-brained he was! Darn it!

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Naisip niya na kahit magsisi pa siya ngayon ay wala na siyang magagawa. Dapat ay gumawa na lang siya ng paraan para makabalik siya sa mga kaibigan.

One...

He counted in his mind. Tatakbo siya! Aalis siya! Bahala na!

Two...

Kapag talaga nakaligtas sila rito ay promise niya sa sarili na hindi na siya mag-i-snob at papeymus. Kahit pa sisikat pa sila nang husto bilang dancer. Na-realize kasi niya na mahalaga ang buhay para magpakasaya kasama ang iba.

Three...

"Aaaahhhhh!" Sinabayan niya ang bilang niya ng pagtakbo niya. Kaya lang sa pag-ikot niya ay isang matatag na kamay ang sumalubong ng sakal sa leeg niya. Kamay ng isang lalaki.

"Ugh!" Dilat na dilat si Harvey na inihawak ang dalawang kamay niya sa matatag na kamay na iyon. Sinubukan niya na kalasin ang matatag na kamay sa leeg niya ngunit para iyong bakal. Napatitig siya sa mukha ng nagmamay-ari ng kamay na iyon, nga lang ay hindi niya maaninag gawa ng maskarang halimaw na suot ng killer. He froze a bit looking at the monster in front of him.

"L-let go o-of me!" Sinubukan niyang magsalita kahit hirap na siyang magsalita. Kumawag-kawag din siya. Unfortunately, he's incapable. Hindi niya kaya ang lakas ng killer. The killer's hand around his neck is incredibly tight and strong.

Surprisingly, parang sinunod siya ng killer. Binitawan nga siya, nga lang ay sa pabalibag na paraan.

"Aaah!" Harvey squealed in pain. Para lang kasi siyang papel na ibinalibag ng killer. Sumubsob siya sa office desk ng Dean's Office. Nagkandahulog lahat ng gamit na nakapatong roon kasama na ang telepono at mga papel.

Ang malala'y bigla ay hinampas siya ng killer sa likod gamit ang baseball bat.

"D-damn it!" A sudden pain throbbed at his back. Iyon pa lang ay nais nang panawan ng ulirat si Harvey. Ngiwing-ngiwi na natampal-tampal niya ang ibabaw ng desk. He desperately wants to muster his strength to get up and fight the damn killer, subalit ni ang umalis sa pagkakasubsob sa desk ay hindi niya magawa. Tila ba'y naparalisa na ang likod niya. Masakit kapag pinipilit niya. Masakit ang napalong likod niya.

"Let's play... KISS, MARRY, KILL," bigla ay bulong ng killer sa punong tainga niya. "At ikaw ay gusto ko ring i-kill tulad ni Je Em."

Holy sh*t! Mas sinakluban si Harvey ng matinding takot. Pinagpawisan siya ng malapot.

"Aaaah!" At mas napangiwi siya nang hablutin ng killer ang buhok niya at itulak ang ulo niya pasubsob pa sa desk.

"It's payback time," nakakakilabot na sabi pa ng killer habang nginungudngod siya nito sa ibabaw ng lamesa.

Tumakas ang mga gabutil na luha sa mga mata ni Harvey. Payback time? For what?! Ano'ng nagawa niya at dapat siyang magbayad? He didn't remember anything. Wala siyang inagrbyadong tao... Wait! Something popped up in his mind.

"J-jane?" At naisatinig na nga niya ng mahina nang maalala niya ang ginawa nila kay Jane. Tapos ay nangangatal ang mga labi niyang pinilit ibaling ang mukha niya sa killer para makita ito.

"Naaalala mo na ang ginawa mo? Naalala mo si Jane?"

Bumilog nang husto ang mga mata ni Harvey. Oh, sh*t! Hazen was godd*mn right! This is all about Jane Ablay!

"Aaaaahhhh!" Mas mahabang palahaw niya nang walang alinlangang isaksak na ng killer ang kutsilyo sa isang mata niya. Tapos ay binitawan siya ng killer kaya naitakip niya ang mga kamay niya sa mata niyang puros dugo na.

"Nakita mo ang nangyari kay Jane pero nagbulagbulagan ka! Kayong lima!" tapos ay kalmado pero may diing sabi ng killer sa likuran niya.

"Aaaahhh!" paghihiyaw pa rin niya. Nagwala na siya sa sobrang sakit. Kung saan-saan siya napapasuksok sa bawat kanto ng office kaya kung anu-ano ang natatabig niya. Sh*t! Sh*t! His eyes! Wala nang makita! At ang sakit! Sobra! P*tang *na!

"Hahahahaha!" malademonyong tawa naman ng killer. Enjoy na enjoy ito sa panonood sa paghihirap ni Harvey.

"Mommy!" wala sa sariling hiyaw ni Harvey. He's now like a child, yelling out for his mom's help. "Aaaahhhhh!" Tapos ay hiyaw niya ulit gawa ng panunuot ng matinding sakit nang nagdurugong mata niya. Napaluhod pa siya. Nanginginig ang buo niyang katawan.

Tinanggal ng killer ang maskara tapos ay lumapit ito sa kaawa-awang binata. Hawak ang kutsilyong ginamit sa pagtusok sa mata ni Harvey saka tumayo sa likod nito. Ngumisi muna ng malademonyo saka pinatingala si Harvey sa pamamagitan ng pagsabunot nito sa ulo ng binata.

"P-please, s-spare m-my l-life! Ma-maawa ka! Hin-hindi n-namin sinasadya 'y-yon!" Harvey begged. His one eyes weeping with blood. Gayunman, kahit malabo ay nakita niya ang mukha ng killer na wala nang maskara.

What the—SIYA LANG PALA!

Nga lang ay hindi na niya natuloy ang pagkabigla sa isipan niya dahil tinuluyan na siya ng killer na saksakin sa isa pang mata nang paulit-ulit. Pati na sa ilong, pisngi, bibig –buong mukha.

Nagtalsikan ang dugo at laman ng mukha ni Harvey sa loob ng opisina. Nagsawa ang killer na pinagsasaksak si Harvey hanggang sa magkalasug-lasog ang guwapong mukha ng binata.

Hindi naman nagtagal ay nakangisi ang killer na binitawan ang biktima. At bago umalis doon para balikan ang dalawa pang isusunod nitong papatayin ay sinulatan muna nito ng KILL ang bangkay ni Harvey gamit din ang dugo ni Harvey mula sa nagkalasug-lasog na mukha ng binata.......

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now