Ten

2.2K 77 2
                                    

Pag dating ko sa gym na tinext sa'kin ni Apollo, just like what i told him do'n agad ako dumiretso after work.

I'm still mad and jealous do'n sa nakita ko na may kasama siyang girl. Ni halos hindi nga ako makapagtrabaho ng maayos kanina dahil do'n.

Pagdating ko ng gym, pumasok na agad ako dito at nakita ko siyang sumusuntok sa punching bag.

He look so hot and akala mo professional boxer siya dahil sa mga suntok niya. Siguro wala lang din akong masyadong alam sa boxing kaya ko nasabi 'yon.

But still... Damn! He's hot!

Damn it Tanya, you're mad at him. I scolded myself.

Ngumiti siya nang makita ako 'tsaka agad na lumapit sa'kin. “Buti dumating ka na, kanina pa kita hinihintay.”

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. “Nas'an dito yung changing room?” Tanong ko. Nakapang office pa 'ko kaya nag baon ako ng pangpalit.

Tinuro niya sa'kin kung saan. “Samahan na kita?”

Umiling ako. “No, thanks.”

Lumakad na 'ko papuntang changing room at nag bihis din naman. Hindi ko na mahintay na magulpi siya mamaya. Sana lang, magawa ko ngang magulpi siya. Kahit isang suntok lang masaya na 'ko. Baka sakaling gumaan na loob ko.

Nang matapos na 'ko mag bihis bumalik na 'ko kung nasan siya. Nakita ko siyang may kausap na lalake na tingin ko ay kaibigan niya. Both silang nag tatawanan sa sila lang ang nakakaalam.

Lumapit ako sa kanila.

Ngumiti 'yong kasama niyang lalake nung makita ako. Cute siya 'di na masama!

“Dude, siya ba 'yong tinutukoy mo?” Tanong nitong lalake kay Apollo.

Tumango lang si Apollo sa kanya bilang tugon. “Chicks ah!”

Kailan pa 'ko naging manok? Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso gusto ko namang magpaka-nice sa friend ni Apollo.

“Hi there beautiful lady.” Bati niya sa'kin. Kinuha niya 'yong right hand ko at hinalikan ito. “I'm Philip Santos at your service.” He winks at me.

I chuckled. “I'm Tanya, nice to meet you.”

Kinuha ni Apollo ang kamay kong hawak ni Philip. “She's off limits!”

Nakakaramdam ako ng selos.

Philip holds up his hands. “I understand.” He said, smiling amusingly.

“Hi there!” Dinig naming bati ng isang babae. Sabay-sabay kaming tumingin do'n at si Jean ang nakita namin.

“What are you doing here?” Pagtataka ko.

“To join you.” She winks at me.

“Tinawagan niya 'ko, gusto niya daw sumama kaya tinext ko sa kanya 'yong address ng gym.” Apollo said pero, 'di ko padin siya tinignan.

“Wait, you're Jean right?” Tanong ni Philip sa kaibigan namin 'tsaka siya lumapit dito.

Tumango naman si Jean bilang sagot sa tanong niya.

“Alam mo bang may poster ka sa kwarto ko?” He informed her making Apollo laugh habang ako naman ay tinakpan 'yong bibig ko para pigilan ang tawa.

Number one na ayaw ni Jean ang malaman niya na ang lalake may poster niya sa kwarto nito.

“Uhm..” She don’t know what to say.

Inabot ni Philip ang kamay niya para makipag shake hands. “I'm Philip, one of your many admirers.” Pagpapakilala niya.

10 Things I Want To Do Before I Get MarriedWhere stories live. Discover now