CHAPTER 1:Don't Mess the Queen

12 0 0
                                        

Princess Zia Lee Pov.

"Ang pag-ibig Hindi isang bagay na basta basta na lang kakalimutan dahil kahit anong ayaw mong umibig kusa ka nalang mapapaibig"

"Yan ka na naman Zia eh, humuhugot ka na naman. Daig mo Pa ang nabroken hurted " si Airah Mendez bestfriend ko "Hindi ka ba nasasawang humugot? Lagi ka na lang kase humuhugot sa simpleng bagay lang na makikita, maririnig at mahahawakan mo" nag aalang sambit nito sakin, siya lang ang nagiisa Kong bestfriend/cousin, may kaibigan naman ako pero sya lang ang pinagkakatiwalaan ko at sya rin naman ganun sakin.

"Ewan ko ba Airah.... Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong ganito. Lahat ng bagay binibigyan ko ng hugot... Haist. Pero dun ako masaya eh" ewan ko ba? Naging hugutera ako simula ng nakita Kong na nakipagbreakup ang ex-bf ni Airah sa kanya.

"Pero support kita Jan bess"binigyan nya ko ng ngiti, nagpapasalamat talaga ako na may bestfriend ako na tanggap ko kung sino ako. "Tara sa CAFETERIA" anyaya niya... Nandito kami sa school namin Helmer High Academy

"Mabuti Pa nga" pagsang ayon ko

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magtilian ang mga babae... Grabe ang mga babae na mga itong tumili, may artista mga teh!?!..

"Kyaaaaaaaaaaahhhh!!!"

"Ang gwwwwaaaappoooo talaga nila,, kyaaaaaaaaahhhh!!! "

"Bess, ang pogi nila oh! " sabay turo sa mga lalaki, siguro mga 5 sila pero wala akong pake

"Ang mga lalakeng gwapo magaling lang sa Una papakitaan ka ng maganda, papakiligin ka pero sa huli sasaktan at iiwan ka rin! " sabay irap sa hangin. Napalakas ata ang boses ko.. Nakakawala naman ng gana dito

"Girl" tumingin ako kay Airah, may tinuturo sya gamit ang labi nya sa likod ko tumingin naman ako

"Anong sabi mo miss? Kami? " sabay turo ng lalake sa kanilang lima. Tumahimik ang tao sa cafeteria" PAASA, MANLOLOKO?, f*ck kasalanan na ninyo yun! Kung walang umaasa walang paasa, Hindi kami paasa sadya lang talaga kayong t*ng*" saka sila tumalikod na tumatawa nakitawa na rin ang mga tao sa cafeteria.Susugurin ko na dapat ang lalakeng mayabang ng, ilang hakbang palang ang nagagawa nila humarap uli ang kaninang lalake sa pagkakaalam ko siya ang leader "Bakit miss--- hmm" sabay hawak nya sa baba nya na para bang nag iisip " FOUR EYE" What the? " Umasa ka na ba at nagpakat*nga?" Naiirita na talaga ako sa pagngisi ngisi nya Argh!?!,dinig na dinig ko talaga ang pagtawa ng mga kaibigan nya at ng mga tao sa cafeteria "Sino ba yung lalakeng yun at papasalamatan ko.. Hindi ka siguro worth it na mahalin? " taas baba pa ng kilay nyang pagkakasabi. "Hahahaha"saka sika tumalikod na tuwang tuwa

Susugurin ko na sana sila ng hinawakan ni Airah ang kanay ko pero mabilis ko itong tinabig " HOY! MR. KUTONG LUPA NA NILIPAD NG MASAMANG HANGIN NA NAPADPAD DITO !!?!" Tumahimik ang mga tao at nagbulungan

"Hindi nya kilala ang binabangga nya"

"Bitch"

"Stupid girl"

"Yari ka nerda "

"Bago lang kase, kaya di alam kung sino ang binabangga nya hah? Talagang ang BLOODLE BUTCH GANG Pa ang kinalaban nya... Hahahaha kawawa naman"sabi naman nung is a.. Tsss, so? eh ano naman? wala akong pake

"Bess, tumugil ka na" pagpigil ni Airah

"Teka lang bess, hindi nya kilala kung sino ang kaharap nya" nginitian ko siya na simbolo na okey lang ako. Kilala na nya kung sino ako magkababata kami ni Airah at matagal ko na syang kaibigan. Kami yung tipo ng babae na palaban hindi kami napayag na natatalo kami...

A Girl Who Stole His HeartStories to obsess over. Discover now