start

183 8 3
                                        

Nakaupo ako sa isang swing habang nagi-isip. I'm just 10 but my mind is filled with things that a normal 10 year old won't even bother to think about.

My parents are fighting again, hindi man nila napansin na dumaan ako sakanila habang nagbabatuhan sila ng masa-sakit na salita sa isa't isa. I went out and went here. At a quiet park.

It's 5 o'clock that's why there are no more children playing here. Madilim din ang langit, mukhang uulan.

I'm an oprhan. My parents adopted me when I was 6. I was with them for the past 4 years and they didn't even changed a bit. I was so happy when they chose me. At thay time when they went at the orphanage I was really lonely, I was craving for some parents love because I saw other orphans that are happy wih their life after they got adopted back then.

I was the happiest child when they picked me. I was crying so hard because of happiness, but now? I regret it that they adopted me. Every day that I lived with them, they would always throw me painful words. Ordering me around like I'm some maid that they hired.

I found out that they are married because my father accidentally got my mom pregnant. Unfortunately, the baby died. That is the reason why they fight everyday, blaming each other who's fault it is and why their baby died.

Kaya inampon nila ako ay para ipakita sa mga magulang nila na hindi nalaglag ang bata. I still wonder why they are still with each other.

I guess, that is how love works. Kahit halos magpatayan na ay hindi parin nila iiwan ang isa't isa. That sucks.. Why would you even stay with someone who did nothing but just to hurt you?

"HOY BATA BAT KA NANDITO?" Nagulat ako nang may sumigaw sa harap ko na may hawak na payong sa isang kamay at isang laruan na kotse sa isa.

"PAKIALAM MO BA?" Sigaw ko din.

"UULAN NA! DI KA BA UUWI?!" Tanong niya.

Tumingin ako sa langit at saktong may pumatak na ulan sa mata ko.

"AWW!" Napapikit ako at hinawakan ang mata ko na halos masunog na dahil sa sobrang init at lagkit nito.

"PATINGIN." Sabi nung lalaki na kausap ko at pilit binuksan ang mata ko.

"MAHAPDI!" Kinurot ko siya sa tagiliran at mabilis na tumakbo.

BALAK NIYA BA AKONG BULAGIN?!

Kinabukasan ay ganon ulit ang nangyari, nagaaway na naman sila. Habang nagaaway sila ay naghuhugas ako ng plato. Nakasanayan ko na eh, hindi ko na kailangan ng utos nila dahil pag gising ko ay diretso nako dito at maghuhugas na.

"HINDI MO KO NAIINTINDIHAN KAYA MANAHIMIK KA NALANG DIYAN!" Rinig kong sabi ni papa.

"PUTANGINANG RASON YAN ALBERT! WALA KA NG IBANG GAWIN KUNDI MAGSUGAL! HINDI MO KO BINIBIGYAN NG PERA! LAHAT GINAGASTOS MO SA PUNYETANG CASINO NA YAN!" Sagot ni mama. May narinig akong nabasag at hindi na ako nagulat don.

"PUTANGINA NAMAN JULIET! SABING MANAHIMIK KA NALANG DIYAN EH!" May narinig akong kalabog.

"ALBERT NASASAKTAN AKO!" Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang garagal na boses ni mama na para bang hindi siya makahinga.

Anong nangyayari?

"TALAK KA NG TALAK! NAKAKASAWA! UMAGANG UMAGA BINI-BWISIT MO ANG ARAW KO!"

"PAPA!!" Tumakbo ako at tinulak siya palayo kay mama, dinaluhan ko agad si mama at tinignan ng masama si papa.

"B-BAKIT MO SI-SINASAKAL S-SI MAMA? ANG SAMA SAMA MO!!" Umiiyak kong sabi at hindi pa ako nakuntento ay lumapit ako kay papa at pinagpapalo siya sa bewang.

"WAG MOKONG HAWAKAN! AT WAG MOKONG TAWAGING PAPA HINDI KITA ANAK! AMPON KA LANG!" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at sa pagtulak niya sakin. Lumapit ako kay mama at yumakap sakanya.

"WAG MOKONG HAWAKAN BASA PA ANG KAMAY MO!" Tinulak ni mama ang kamay ko and that was when I had enough.
Tumakbo ako palabas ng bahay, pumunta ako sa playground kung nasaan ako kahapon. Umupo ako sa swing at umiyak ng umiyak.

"Bat ka umiiyak?" Nagulat ako sa nagtanong kaya napaangat ang tingin ko sa tabi ng swing na inuupuan ko.

Hindi siya nakatingin sakin pero may inaabot siya panyo na hindi nakatupi. Hindi ko yon tinanggap, subalit ay yumakap ako sakanya at umiyak.

"Ayoko ng umuwi, hindi ako mahal nina mama!" Iyak ko. Naramdaman ko na tinapik niya ang likod ko pampatahan.

"Naiintindihan kita. Ganyan din ako."

Since then, lagi na kaming magkasama. Lagi kaming nagkikita at naglalaro sa playground. Madalas niya akong pinapatawa sa pagsayaw niya na parang unggoy. Pag kasama ko siya ay masaya lang ang nararamdaman ko.

Hangga sa lumipat kame ng bahay nina mama. Magmula non ay hindi ko na siya nakita.

--

This will officially start on May 13, 2018.





Hu u? | k.th & b.jh La tua prossima ossessione. Scoprilo ora