lilith told me, "four"

307 16 0
                                    

“Asan na yung Viagra?!” sigaw ni Cross. “Takte naman, di pwedeng mawala yun!”

“Di ko iinumin ‘yan, pre,” sabi ni Sage. “Di ko na ‘yan kailangan. Ako pa!”

Tinulak siya ni Cross habang tumatawa. “Yabang nito. Ayusin mo ah! Kukunan ka namin mamaya. Kailangan pag pinanood ulit natin ‘to, yung sobrang hot. Wag kang mababakla!”

“Pare naman,” sabi ni Sage. “Kaya ko ‘to.” Pero sa totoo lang, iniisip pa rin niya kung kakayanin ba niyang gawin ang plano nila. Kaya ba niyang pagsamantalahan si Aly? Paano pag nalaman ni Geeann?

Maganda naman si Aly, pero di niya ito tipo. At isa pa, naaawa siya dito – matapos nilang ipahiya, ngayon bababuyin pa niya.

Pero isang sigaw mula kay Steel ang nagsabing di na niya pwedeng talikuran ang sinang-ayunan niya.

“Sage!” sigaw ni Steel habang nakaakbay kay Cj. “Tandaan mo ah. Once na di mo magawa ‘to, isa lang ibig sabihin n’on.”

“Kailangan ko ba talagang gawin ‘to?”

“Bakit, nababakla ka?” tanong ni Theo. Binatukan siya ni Sage. “Sira-ulo! Gawin na lang natin ‘to. Handa na ‘tong camera ko oh.”

Lumingon si Sage sa direksyon ni Steel, na nakikipag-usap kay Cj. May binulong siya kay Cj, dahilan para mamula ang mga pisngi nito. Nakangiting nilayo ni Steel ang bibig mula sa tenga ng kausap, at umalis na ito.

Lumapit sa kanila si Steel, pinalakpak ang mga kamay at sinabing, “Right. Who’s ready to have some fun tonight?”

-------x

Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D

Lilith Told Me To [Completed]Where stories live. Discover now