Demonic Angel - 4

552 18 6
                                    

Serious Note: kasi nitong mga nagdaang araw napaisip ako kung itutuloy ko pa ba si Era o hindi na.. Ewan ko ba.. Kasi.. Tingin niyo guys itutuloy ko pa ba sya o ititigil ko na? Answer me please...

---

nasa tapat ako ngayon ng pinto ng Pricipal's Office ni Tita Agatha. Ipinatawag niya agad ako ng malaman niyang nakarating na ko dito sa school. Alam ko naman kung ano ang sadya niya sakin.

Hindi na ako nag abala pang kumatok at tuloy tuloy akong pumasok sa loob. Nakita ko siyang may hawak hawak na folder na parang may binasa. Umupo ako sa upuan sa gilid ng table niya.

Ibinaba niya ang folder ng mapansin niya ang presensya ko.

"Era Iha, andyan ka na pala." seryosong saad ni ni Tita Agatha sakin. Tinanguan ko lang siya.

"siguro alam mo na kung bakit ka nandito ngayon? May nakapagsabi sakin kahapon about sa nangyari sa room niyo. Tinakot mo daw si Mrs. Velasco?"

napakuyom ako ng palad sa sinabi ni Tita. Tinakot? Tinakot ko ba sya sa lagay na yun?

"sino nagsabi?"

"di yan ang tanong ko sayo Era. Answer me Iha."

tinignan ko ng seryoso si Tita.

"ano bang sabi sa iyo?" walang emosyon kong sabi sakanya..

Napamasahe bigla si Tita dala siguro ng stress sa sinabi ko..

"Era, kailan mo ba ititigil yan? Sa tingin mo ba tama ang ginawa mo?! My ghad Era! Kung nabubuhay pa ang mga magulang mo tiyak na magagalit sila sayo.. Pati sila Kim tinakot mo din! Era kalimutan mo na ang lahat.. Isa't kalahating taon na ang nakalipas Era.. Move on Era move on!"

lalo akong nainis sa sinabi ni Tita. Tumayo ako at malakas na hinampas ang mesa niya na syang ikagulat niya..

"move on?!Bullsh*t! Hindi mo alam kung gaano naging meserable ang buhay ko dahil sa kanila! Hindi ikaw ang nasasaktan kaya madali mong sabihin yan! Di mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Ng dahil sa kanila halos magpakamatay ako! Di mo naranasang kutyain, pahirapan at husgahan.. Sabihin mo ngayon kakalimutan ko nalang ba ang lahat ng yan?! Di ikaw ang nawalan Tita.. Hindi ikaw.." halos habulin ko ang hininga ko sa haba ng sinabi ko.. Napuno ako.. Punong puno na ako..

Tila nagulat naman si Tita at hindi na nakapagsalita..

"natutuwa akong natatakot na sila sakin.. Kulang pa yan.. Kulang na kulang.. Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila.. *smirk*" nakita ko nag iba ang expression ng mukha ni Tita..

"w-what do you mean Era?" biglang nanlaki ang mga mata niya "oh ghad Era! Don't you ever do th---" di ko pinatapos sa pagsasalita si Tita..

"I already did Tita.. I already did.."

dun na tuluyan napaluha si Tita.. Tinignan ko lang sya ng blangko..

Lumabas ako ng walang sabi sabi sa office ni Tita.. Naiinis ako.. Pagkatapos kong maghirap para maging matatag, maging malakas.. Sasabihin nya lang move on? Daphak! Magsama sama silang lahat..

And those bitches! Ang lakas ng loob. Tangna! Nanggigigil ako sa galit.. Bakit hindi pa sila paalisin dito ni Tita? Dahil ba sa major stockholders ang pamilya nila dito sa school? Damn!

Tuloy lang ako sa paglakad ng may nabangga ako. Napatingin agad ako sa uniform ko ng maramdaman kong basa na ito. Natapon pala yung dala dalang nyang juice. Natatarantang kinuha niya ang panyo niya sa bulsa niya.

"s-sorry miss Era.. S-sorry sorry talaga" nanginginig ang boses nya.. Pinunasan nya ng pinunasan ang natapunang bahagi ng uniform ko.. Pansin kong lahat ng estudyante sa corridor nakatingin na sa amin.

Demonic AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon